Wala talaga akong balak magsulat. Ang totoo, kinakalikot ko ulet ang Photoshop na ni-reinstall ko. May bagong tip kasi akong natutunan mula kay Taragis. Wala akong makitang matinong picture. Puro nakayuko ako, or nakatalikod, or nakakabit pa ang braces ko! Hindi naman talaga ako photogenic. Naalala ko ang grad pick o nung high school <insert shimmering flashback here>. Pa-graduate na kami nun at sa mga PTA meeting, napagkasunduan nila na hindi na masyadong magarbong yearbook ang gagawin. Hindi na rin daw mag-aambisyong gawing colored ang mga picture. Kahit na sa Science High School ako nag-aral, public school pa rin kaya wala masyadong maarteng pakulo ang mga guro kasi baka umalma ang mga magulang.
Araw ng kuhaan ng Grad Pictures, at natural dahil sa tinedyer si MD, umaalburoto ang mga hormones kaya naman naglalabasan ang mga pimples sa mukha. Although hindi talamak – paisa-isa, depende sa kung saan trip tubuan; talaga namang nagsusumigaw na “Tigyawat ako!” ang mga tumutubo sa pagmumukha ko. May isa akong malaking tagyawat sa ilong! Mabuti na lang, sa may gilid lang at pwede kong angguluhan. Pinaupo na ako sa upuan sa harap ng salamin at mineykapan. Matapos meykapan, pinaupo ako sa labas ng kwarto para mag-abang ng turn kong makuhanan ng picture. Eh saktong mga babaeng maaarte ang nauna sa akin kaya matagal kuhanan ng litrato kaya naman tumagaktak pa muna ang pawis ko bago tawagin ang pangalan ko. Pagpasok ko, naalarma ang mga tao dahil nalusaw na sa pawis ko ang meykap! Dali-daling tinawag ang mukap artist at ni-retouch ang mukha ko! Matapos ang retouch, pinaupo na ako sa isang mataas na bangko at pinatingin sa kamera. Dito ko nalaman kung bakit natagalan ang nauna sa akin. Nyemas ba namang kung anong hindi mawaring pose ang gusto ng kameraman! Pinatitingin ng diretso pero dapat ang mata nasa baba! Hnlabo, mamen!
One… two… three… pluk! Tapos na!
Syempre hindi pa uso noon ang digital camera kaya hindi ko pa nakita agad ang resulta! Nalaman ko na lang pagkatapos ko gumradweyt at bumalik sa school para kunin ang diploma ko na… naknangweteng talagang ampute ko sa litrato at halatang magkaiba ang kulay ng mukha ko sa leeg ko. Tignan pa nang maige at kitang-kita na tumatagaktak ako sa pawis! Lintek! Kahit na hindi naman kalakihan ang binayad na Graduation fee, eh gusto ko ipa-refund or ipa-ulet ang photoshoot!
Pero huli na ang lahat… naiprint na ang mga year “magazines” at naipamahagi na sa mga kasama kong nagtapos. Pero infairness naman, hindi lang ako ang malaking FAIL ang litrato. May mga naduling, may mga nagmukhang busabos, at may nagmukhang patay!
Ano ang kinalaman nila Momay at Trudis dito? Wala. Ayos lang si Momay sa akin. Pero gusto ko si Trudis, gusto kong patayin! Araw-araw kapag naririnig ko ang boses niya, or ng batang kapitbahay namin na tinuruan ng lintek na magulang niyang gayahin ang linya ni Trudis na “Andito na akoooo”, ay nai-imagine ko na tinulak ko siya sa harap ng rumaragasang Fort Bus! Lintek na batang yan! Hindi ka cute! Paglaki mo magiging obese ka at wala nang nakukyutan sa’yo!
Yun lang… matutulog na ako! May namumugtong tagyawat sa pisngi ko eh!

