VL ko ngayon kaya ito nagawi na naman ako sa blog ko. Kawawa naman ang blog ko, kahit yung may-ari hindi man lang bisitahin. Nakapag-VL ako ngayon kasi ito yung mga natirang VL ko from last year na hindi ko naman nagamit. Since hindi naman convertible to cash, pinagamit na sa amin for this month.
Galing ako kanina sa dati kong pinagtatrabauhan. Sinamahan ko ang dati kong agent na nag-aapply ulit dun. Bago na ang mga guard na dati ay bumabati pa sa akin ng “Good Morning, Sir!” every time na pumapasok ako at binubuksan pa ang pintuan para sa akin na parang ako ang may-ari ng building. Although andun pa rin yung mga maintenance na dati ay nauutusan ko pang magpagising ng mga agent ko kapag natutulog sila sa sleeping quarters or magpakabit ng mga kung anu-ano sa bulletin board. Hindi na nila ako siguro namumukhaan kasi tumaba na ako or ayaw na lang talaga nila ako kausapin kasi sa dinami-dami ng pinag-uutos ko sa kanila noon (buti nga hindi ko sila inutusang bumili ng pagkain ko eh, kasamaan nang tunay yun)!
Bigla tuloy akong napa-reminisce ng last year ko. Exactly a year ago, nakatunganga ako sa bahay naghihintay magsimula sa trabaho. Hindi ko mawari noon kung nanghihinayang ba ako sa pag-alis ko sa dati kong kumpanya or kinakabahan lang kasi aalis ako sa supervisory position at babalik sa agent post.
Ngayon, wala nang bumabati sa akin pwera lang yung guard sa baba ng building na sa tingin ko lahat naman ginugudmorning niya. Wala na rin akong nauutusan na kumuha ng tubig sa pantry para sa akin. Wala na rin akong urge na pumasok 1 hour before my shift kasi wala naman na akong hahabuling reports na isa-submit sa manager namin.
Pero ‘ika nga, nagkaka-stiff neck lang ang taong walang ibang ginawa kundi pagsisihan ang nagdaan na. Oo, ako lang nagsabi nun.
Bakit 4:20am? Kasi around 4:20am ko rin sinimulang itipa itong post na ito. At konting trivia: Alam niyo bang ang lahat ng orasan sa pelikulang “Pulp Fiction” ay 4:20 ang oras?! Oha, sabi sa inyo may matututunan kayo sa mga blog ko eh.
Matagal-tagal na rin akong tumitingin sa mundo gamit ang antipara. Nagsimula noong kolehiyo ako, unti-unti nang lumalabo ang paningin ko.


