Momay vs Trudis

28 07 2010

Wala talaga akong balak magsulat. Ang totoo, kinakalikot ko ulet ang Photoshop na ni-reinstall ko. May bagong tip kasi akong natutunan mula kay Taragis. Wala akong makitang matinong picture. Puro nakayuko ako, or nakatalikod, or nakakabit pa ang braces ko! Hindi naman talaga ako photogenic. Naalala ko ang grad pick o nung high school <insert shimmering flashback here>. Pa-graduate na kami nun at sa mga PTA meeting, napagkasunduan nila na hindi na masyadong magarbong yearbook ang gagawin. Hindi na rin daw mag-aambisyong gawing colored ang mga picture. Kahit na sa Science High School ako nag-aral, public school pa rin kaya wala masyadong maarteng pakulo ang mga guro kasi baka umalma ang mga magulang.

Araw ng kuhaan ng Grad Pictures, at natural dahil sa tinedyer si MD, umaalburoto ang mga hormones kaya naman naglalabasan ang mga pimples sa mukha. Although hindi talamak – paisa-isa, depende sa kung saan trip tubuan; talaga namang nagsusumigaw na “Tigyawat ako!” ang mga tumutubo sa pagmumukha ko. May isa akong malaking tagyawat sa ilong! Mabuti na lang, sa may gilid lang at pwede kong angguluhan. Pinaupo na ako sa upuan sa harap ng salamin at mineykapan. Matapos meykapan, pinaupo ako sa labas ng kwarto para mag-abang ng turn kong makuhanan ng picture. Eh saktong mga babaeng maaarte ang nauna sa akin kaya matagal kuhanan ng litrato kaya naman tumagaktak pa muna ang pawis ko bago tawagin ang pangalan ko. Pagpasok ko, naalarma ang mga tao dahil nalusaw na sa pawis ko ang meykap! Dali-daling tinawag ang mukap artist at ni-retouch ang mukha ko! Matapos ang retouch, pinaupo na ako sa isang mataas na bangko at pinatingin sa kamera. Dito ko nalaman kung bakit natagalan ang nauna sa akin. Nyemas ba namang kung anong hindi mawaring pose ang gusto ng kameraman! Pinatitingin ng diretso pero dapat ang mata nasa baba! Hnlabo, mamen!

One… two… three… pluk! Tapos na!

Syempre hindi pa uso noon ang digital camera kaya hindi ko pa nakita agad ang resulta! Nalaman ko na lang pagkatapos ko gumradweyt at bumalik sa school para kunin ang diploma ko na… naknangweteng talagang ampute ko sa litrato at halatang magkaiba ang kulay ng mukha ko sa leeg ko. Tignan pa nang maige at kitang-kita na tumatagaktak ako sa pawis! Lintek! Kahit na hindi naman kalakihan ang binayad na Graduation fee, eh gusto ko ipa-refund or ipa-ulet ang photoshoot!

Pero huli na ang lahat… naiprint na ang mga year “magazines” at naipamahagi na sa mga kasama kong nagtapos. Pero infairness naman, hindi lang ako ang malaking FAIL ang litrato. May mga naduling, may mga nagmukhang busabos, at may nagmukhang patay!

Ano ang kinalaman nila Momay at Trudis dito? Wala. Ayos lang si Momay sa akin. Pero gusto ko si Trudis, gusto kong patayin! Araw-araw kapag naririnig ko ang boses niya, or ng batang kapitbahay namin na tinuruan ng lintek na magulang niyang gayahin ang linya ni Trudis na “Andito na akoooo”, ay nai-imagine ko na tinulak ko siya sa harap ng rumaragasang Fort Bus! Lintek na batang yan! Hindi ka cute! Paglaki mo magiging obese ka at wala nang nakukyutan sa’yo!

Yun lang… matutulog na ako! May namumugtong tagyawat sa pisngi ko eh!





The Adventures of Kiro

25 05 2010

[Babala: Ang sumusunod na poste ay dulot ng matinding pagka-GEEK ni MD. Pwedeng patulan wag lang asarin. Reader discretion is uhm, uhm… Basta bahala na kayo. Eh sa ito ang pumasok sa isip ko eh]

Ito ay litrato ng isang Tigrex at ng matapang na Hunter na nangangarap malipol ang pinaka malupet na halimaw sa Pokke Village (totoong pangalan yan ng lugar sa game). Ito ang kinaadikan ko ngayon, Monster Hunter Freedom Unite. Although, mag-iisang taon na akong naglalaro nito, ngayon lang ako muli nakatutok sa paglalaro nito. Buwiset nga lang at hindi na ako nakaalis sa HR2 (Hunter Rank 2).

Una akong nahumaling sa larong Patapon 2. Nilalaro kasi ito ng agent ko. Nakyuryus ako kung ano yung laro niyang may ubod ng cute na tunog. Ayun, lagi akong nakikisabay sa lunch niya para lang makilaro ng PSP niya. Dahil sa ganap na inggitero ako, napabili rin ako ng sarili kong PSP console at doon na nagsimula ang kaadikan. Ang Patapon 2 ay pambatang laro kung maituturing. Gamit ang mga keys na Square (Pata), Circle (Pon), Triangle (Chaka), at X (Don), pipindutin mo ang mga chants gaya ng PATA-PATA-PATA-PON (which means to charge or move forward) para talunin ang mga Karmen! Ang magpapahirap nga lang dito ay kailangan mong i-sabay sa rhythm ng drum beat ang bawat pindot kundi madadapa ang mga Patapon at magiging vulnerable sa mga attack ng alagad ni Karmen o ng kung sinumang halimaw.

I-click ito para mapakinggan ang ubod ng kyut na opening song ng Patapon.

Nakakaaliw, nakakalibang, ang Patapon ay madaling laro kung tutuusin kasi hindi mo naman kailangan masyadong tumingin sa screen para malaro. Kailangan lang alam mo ang weakness ng kalaban mo at kung paano aayusin ang mga alagad mo.

3 or 4 months ko lang nilaro ang Patapon. Natapos ko rin agad, at nabagot nang muli ang batang si MD.

Naalala ko bigla na may nag-suggest na laruin ko rin ang Monster Hunter. Akala ko noon ito ay parang Pokemon din. Ibang-iba pala. Sa graphics pa lang, para ka nang dinala sa mundo nito.

Mahirap sa simula kasi kailangan mo muna matutunan ang basics: Weapons, Armors, Use of Materials. Kailangan mo ring pag-aralan kung paano gawin ang mga sumusunod: Gather, Cook Meat, Combine Materials, Fish at Mine. Ang nakakatuwa, kapag nalaman mo na ang mga yan, maaari ka nang magsimula sa una mong Quest mula sa Village Elder. Simple lang sa una, mga gathering Quest. Pero susunod niyan Slaying Quests na at ang pinakamahirap, Hunting Quest kung saan papatay ka ng isang malakaing Halimaw. Although sa simula, isang hamak na Gendrome (parang T-Rex na kasing laki ng Character mo lang halos) pa lang ang papatayin mo. Paglalaruan mo ang combination ng Armor at Weapon. Tactics and Skills ang kailangan para matagumpayan ang isang Quest. Para sa akin, ang pinakamahirap na napatay ko ay isang Plesioth. Hindi naman sa malakas ito, kundi napakailap. Sa mga naglalaro nito, malamang isa rin sa pinaka ayaw niyo ang pumatay ng Plesioth. Ang mga water creature, tatapatan mo ng Fire Weapons.

Nakakaaliw! Kaso nga lang, pagkatapos mong maglaro masakit na ang mga daliri at braso mo.

Pampalipas oras ko ngayon yan. Kaso nga lang, kapag nasimulan ko na, madalas nakakalimutan ko na rin matulog. Ayun, bangag ako sa trabaho kanina. Paglabas ko ng trabaho, na-realize ko 24 hours na akong gising. Halos alas-sais y medya na ng umaga ako nagising nung Lunes eh.

Ang moral lesson ng posteng ito? Wala. Or kung meron man, malamang hindi ko natutunan. Nag-enjoy naman ako sa mga oras na nasayang ko kakalaro ng PSP eh. Masakit nga lang yung thumbs ko at yung wrist ko. Kung may anak ako ngayon, bibigyan ko ba ng PSP? Uhm, depende. Kung marunong na siyang magbasa at magsulat ng pangalan niya, sige bibigyan ko. Kaso bibigyan ko ng boundaries. Pagkatapos ko muna maglaro.hehehe

Bago ko nga pala tapusin ang posteng ito. Sa mga naglalaro naman nito, penge naman ng tips oh. Kasi yung mga ka-Adhoc ko dati sa office hindi ko na nakikita eh.

Shucks, I’m such a Geek!

Dagdag: Kayo? Ihayag ang inyong kinaaliwang Video Game.  Maaari ring ihayag ang mga larong kalye na nilaro nung kabataan.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.