Minsan may isang gamu-gamo!

25 02 2010

Minsan naisipan ni MD na tumakbo para pumayat. Naghihimutok na kasi ang mga damit niya sa laki ng tiyan niya.

MD: Sino’ng nagsabing tumataba ako? Lumiliit ang mga damit ko noh!

 

Okay, fine! Tumatakbo pala siya kasi gusto lang niya. Tingin niya mukha siyang sosyal kapag nagja-jogging siya.

MD: Das better!

 

Habang siya ay tumatakbo sa kahabaan ng Bagtikan, napansin niya ang isang Penguin na na nagmumukmok sa isang tabi. Dahil sa likas na mabuting tao at busilak ang loob (at gwapo) si MD, kanya itong nilapitan.

MD: Penguin, bakit mukha kang malungkot? May maitutulong ba ako sa’yo?

Penguin: I dunno, MD. I’ve always wanted to like make mukmok in one corner and like cry and cry galore. But I know naman na wala akong mapapala if I do that. I feel so crushed right now. As in! Promise!

 

Naramdaman ni MD ang poot ng loob na nararamdaman ni Penguin. Napaisip siya ng mataimtim.

Ano nga naman ang pwede niyang sabihin kay Penguin upang mapagaan ang loob ng kaibigan niya?

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang sinabi:

 

MD: Ano’ng drama yan? Wala pang award giving body ang nagbibigay ng award sa mga sa emo! Bumangon ka nga’t tumingin sa paligid mo? Hindi lang ikaw ang may problema. Imulat mo ang mga mata mo at alamin ang problema ng ibang tao. Baka mahiya ka sa problemang binibitbit ng ibang tao at maisip mo katiting lang yang dinadala mo. At ano naman ang mapapala mo sa pagmumukmok? Malulutas ba ang problema mo? Natulungan na ba nito ang lumalalang pagtaas ng presyo ng bubble gum?

 

Biglang tumingala si Penguin.

MD: (bulong sa sarili) ayos ka talaga MD! Galing mo magbigay ng advice! Kung subukan mo kayang maging motivational speaker? Hindi mo lang matutulungan ang mga taong nalulumbay, kikita ka pa ng limpak limpak na salapi!

Naisip rin ni MD na kapag tumawa si Penguin, napasaya na niya kahit papaano ang kaibigan. Ngunit kung hindi tumalab, iiwanan na lang niya itong magmukmok hanggang sa tubuan ng kabute na kanya namang iha-harvest pagdating ng tamang panahon at ibebenta sa Ongpin. Win-win situation kumbaga para sa kanya.

Penguin: Hayop ka! Mas may concern ka pa sa presyo ng bubble gum kaysa sa akin!

 

Yun lamang po.

 

Thank you so much!

Advertisements

Actions

Information

12 responses

25 02 2010
yvarro

waahahahaha! andito ka na sa wordpress! MD.. Welcome ! at Pa base! … adik tong post na toh! wooohhooo… may naalala lang ako.. hayup ka talagah! hayup kah! hahaha!!! (biro lang)

25 02 2010
runmdrun

ayus! nakakalito sa simula… pero siguro mga ilang post pa eh gamay ko na ito! Salamat yvarro! Salamat din sa MS Word 2007. Ngayon mas madali kong nalipat ang mga posts ko from my blogspot page. Go!

25 02 2010
yvarro

wow naman! pumi ping back na ang mga comments mu ngayun ah?… haha! gamay mo na ngah! happy blogging MD!

25 02 2010
Suckingbird Keller

hello MD! sabi ni yvarra iwelcome daw kita 🙂 welcome po sa wordpress. hihi.

26 02 2010
runmdrun

Salamat Keller!

26 02 2010
yvarro

at sinu na namang yvarra?.. kala mo sa pangalan ko?… pang clog kay Lababo?.. 😀 hehe…

26 02 2010
runmdrun

ano na nangyari sa blog mo? bakit sabi the authors have deleted this blog?

27 02 2010
Yvarro

uu! deleted na yung account, weh mano! kuleterns ng ilang bloggers, madami daw akong account. 😀 haha! at nakakaloko pang part: ikaw daw ako?… o di ba?… nalito din ako?… haha! tignan natin, kung makita pa silang kasinggaling kong mag blog(siyempre, magkasinggaling lang tayo, pero in a different sense)… hehe.. dont worry, daan daan lang ako dito sa mga blog mu.. makikibasa.. makikibase… 😀 smile! jologs koh! haha!

28 02 2010
Suckingbird

emotero kasi yang si yvarro sa blog niya.

*sorry sa typo. hahaha.

26 02 2010
aninipot

haha, parang adik lang….hmmm, asan si bente pesos?

27 02 2010
Yvarro

hihi.. si md ang alter ego ko, haha! check nio parehas lang kami nian mag sulat.. 😀 si bente pesos(melaminecholic)? yung emoterang penguin na yun?… hahaha!!! wala na din yun! hindi rin si MD yun! sigurado ako! hahaha!!! sinu si MD?… hmn… tanungin mo na lang siya… alitaptap ko.. 😀

27 02 2010
runmdrun

salamat sa pagbisita sa aking humble blog… oo humble ako. 😀
Hindi ko kilala si bente pesos, pero marami akong lukot na bente pesos sa mga bulsa ng mga pantalon ko na nakakalimutan ko nang kunin. nasasama tuloy sa laundry. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: