Payday!

26 02 2010

Unang-una, wala munang magpapalibre. Unang sweldo ko ‘to ngayon sa bagong company.

Sa mga magsasabing kuripot ako. Bahala kayo sa buhay niyo. Kuripot na kung kuripot. Ayoko lang maging pulubi sa huli. Bakit pa ako nagtrabaho kung wala rin pala akong maiipon? E di, parang naglaro lang ako. Naglaro na lang sana ako kung gano’n. At least hindi ko na kailangang mamasahe at gumastos para sa pagkain.

Hindi po mainit ulo ko. Wag ganun… Bad yun sabi ni Santino.

 

Ang punto ko ngayon ay: (Set aside my stinginess) Bakit kaya kapag wala kang pera, ang dami mong gusting bilhin kaso hindi mo nga mabili kasi wala ka ngang pera? Pero kapag may pera ka na, ayaw mo na galawin yung pera mo? Unang theory ko eh dahil sa innate na nature ng tao na laging hindi nakukuntento sa kung ano ang meron sila. “The grass is always greener on the other side” sabi nga ng mga onaks. Gustong-gusto mo ang isang bagay kasi iniisip mong mas maganda ang buhay mo kapag napasaiyo na ang bagay na inaasam. Pero kapag may sapat ka nang kayamanan upang makamit ang bagay na iyon, magbabago ang iyong pananaw at titingin sa ibang bagay na wala pa sa kayamanan o kakayahan mo sa ngayon na makamtan. (Pause lang ako para punasan ang dugo sa ilong ko) Ang pangalawang theory ko ay, ganap na mga inggiterong frog/penguin lang tayong lahat.

 

Kakagaling ko lang ng inuman (disclaimer, maliit lang ang ginastos ko ngayon. Unang beses naming lalabas ng mga ka-wave ko sa trabaho kaya hindi ko na tinanggihan). Saya pala ng mag-enjoy na hindi mo iniisip kung ano ang magiging kapalit ng mga action mo kasi alam mong malinis ang intensyon mo. Noon kasi ng may posisyon akong pinanghahawakan, lagi ko na lang iniisip kung baka may magawa akong maaaring ikasira ko and would risk me losing my job

sorry, hindi ko na kaya ng diretsong tagalong… naubusan ako. Hayaan niyo, kapag naubusan naman ako ng English, tatagalugin ko naman. Sa mga pupuna na hindi ako marunong magmahal sa sariling wika… BAHALA KAYO SA BUHAY NIYO. Sabihin niyo nang trying hard ako, at least hindi naman kailangan ng kausap ko ng dictionary or diksyonaryo para maintindihan nila ako. NEK-NEK niyo!

Now where was I? Ayan nawala tuloy ako. Epal kasi!

Nanonood ako ngayon ng I Am Legend. I’m a big sissy. Matatakutin po ako at mali-mali. Pero kahit na para akong tanga sa pagsalukbong sa sarili ko kapag natutulog ako, nuod pa rin ako ng nood ng mga ganung genre ng mga pelikula. Pero hindi ko pa rin kahit kalian papanoorin ang Shake, Rattle and Roll series. Nung bata pa ako siguro, natatakot ako. Pero nung pinanood ko ulet, natatawa na lang ako kasi nakikita ko yung mga wire pati yung pagka-insert ng image ng manananggal sa eksena na parang ginupit lang na papel at dinikit sa picture. Lalo na yung mga pinapalabas ngayon, puro mga rip-off. Nauubos na ba ang creativity nating mga pinoy? Sino ang nanood ng Captain Barbell sa GMA7? Kulang na lang i-copy-paste nila yung mga scene sa Smallville eh. I don’t have anything against local shows and movies. Bakit kasi pinagaaksayahan ng mga producer ng pera ang mga ganitong production? At bakit din pinag-aaksayahan ng oras ng mga Pilipino ang mga ganitong palabas? Matatalino at masisipag ang mga Pilipino pero bakit pa rin tayo nagpapa-loko sa mga ganito? Ewan ko sa inyo

Ito na lang, pabaon kong tanong sa inyo. (Pasintabi sa mga kumakain sa harap ng computer at mga taong maselan)

Bakit kaya kapag nawi-wiwi ka or napu-puupuu ka, eh hindi mo pa masyadong ramdam or mas napipigilan mo pa kapag malayo ka pa sa bahay? Pero kapag malapit ka na, yung tipong bubuksan mo na yung pinto at maghuhubad ka na ng damit, dun mo pa mas hindi matiis?

Alam ko talaga ang sagot. Sakyan niyo na lang ang trip ng nakainom!

 

Thank you so much!

Advertisements

Actions

Information

22 responses

27 02 2010
Yvarro

Base! loko ka! haha! kulit ng post mo na to.. 😀 hehe.. ganda parang ako lang ang nagpost (joke). Ayun, MD.

Pahinga lang ako sa pagb blog, mejo nakak eystreys din pla to! Delete ko muna blog ko, (wow shortest high rated blog yata ako sa wordpress, balik muna ako sa multi, at fb) haha! ikaw muna bahala sa trono ko: PATUNAYAN MO SA KANILA NA HINDI IKAW SI MELAMINECHOLIC, AT HINDI DIN IKAW ANG MASKARA… nakakaloko naman to oh? Basta lang makapag issue, o siya, naiiyak ako.

morning!

27 02 2010
J.Kulisap

Kamusta MD?

Wala pa akong masabi.

Si Yvarro pinilit akong papuntahin dito.

Pakiwari ko ikaw ay isang young-adult.

Yon lang muna.

27 02 2010
runmdrun

Hi J.Kulisap! Oo, isa nga akong yougn adult! At salamat at nagpapilit ka.hehe

27 02 2010
yvarro

anung young adult?…

27 02 2010
J. Kulisap

Nagcomment na ako dito kanina.

Asan na yon?

Young Adult?

BFF ni Yvarro?

27 02 2010
runmdrun

Salamat sa pagcomment! Paumanhin at ngayon ko lang na-approve… Sabi ko nga sa blog ko, ako ay nakainom. chure naman… 🙂 ako ay ang phlegmatic self ni yvarro. Walang panahong magdrama. haha, thanks ulit!

27 02 2010
yvarro

haha! korek! 😀 kung ganu ka emo si Yvarro.. kabaligtaran yang gunggong na yan! hahaha!!!

besides.. good boy si yvarro.. wiz siya nomo…(esmina ako ba to?)

27 02 2010
ODDBLOOD

meron ata akong related sa “Captain Barbell” thing na ‘yan..though si Darna naman ang topic, and sabi ko nga, and i will say it again, “Excruciatingly ridiculous!” o diba parang si Simon Fischer lang..ehwan ko ba sa mga pinoy 😐 hehe..ako din nakainom, payday eh..napilit lang..nagpapilit naman! 😀

27 02 2010
runmdrun

Simon Cowell yata ang ginagaya mo? Sino si Simon Fischer? 😀
Tama yan, oddblood! Papilit ka lang!
Tamaaa, isa pa rin yang darna na yan! Para saan yung tela sa harap ni darna? Pamunas? Although na-balance niya yung ka-pulahan ng get-up ni darna, aanhin niya yung telang puti na yun? Pa’no kung sumabit sa puno, e di nahubaran siya nun! abnoy lang talaga yung palabas na yun

27 02 2010
yvarro

Si Simon Garfunkel ata ung sinasabi nia…
at oo,, pangit nga ang Darna: Pero bakit: maganda ba kayo?… artista ba kayo?.. smud ba skin niyo?, If i know mga mukha kayong galunggong!.-Marian Rivera hahah!!!

27 02 2010
runmdrun

LOLz @ yvarro

27 02 2010
J. Kulisap

Ano yong nomo?

Lolo ang kausap nyo mga anak ng kulisap na dilat ang pakpak.

27 02 2010
runmdrun

Lolo J.Kul… nomo po ay pinaiksing versoyon ng inuman… hindi ko po alam kung sino ang gumawa ng term na yan… bahala siya sa buhay niya..

28 02 2010
J. Kulisap

Ah, ganun pala yown..tara nomo tayo ng tuba na may DQ ice cream.

27 02 2010
ODDBLOOD

ay potek..oo nga pala..si Simon Cowell yun? ba’t nga ba Fischer? baka may kilala akong Simon Fischer sa subconscious ko..haha! yeah, for aesthetics lang ata yung telang white ni darna..walang dagdag points sa Defense niya..haha. buti nga tapos na eh..pero yung Last Prince, aruy, nakaka-abnoy din..ewan ko ba sa GMA 7, may means nila pero lagi mediocre ang ginagawa nilang mga series..o sadyang BOBO lang ang mga writers and producers? ehwan..magtatiyaga na lang ako manood ng mga american series kahit magdugo pa ang ilong ko..

enjoy your weekend..!

27 02 2010
runmdrun

sa palagay ko, may kinalaman din yan sa survey na ginagawa nila… baka binabagay nila ang show nila sa brainwaves ng majority ng mga manonood nila… para nga naman mas maka-appeal sa mga manonood.

27 02 2010
ODDBLOOD

newey..kailan ba babalik si Yvarro? lakas trip eh..maghahiatus lang magdidelete pa ng blog!!!!!! hehe..di ako galit!!!!!! XD

27 02 2010
Coach ni MD

ayun, tambay tambay lang muna sa bahay ng may bahay.. 🙂 istokwa ako ngayun… nasa bahay din ako ni Kuya Kulisap http://jkulisap.wordpress.com : kung gusto nio akong makita, daan daan lang.. 😀

Maskara: Coach ni MD.

27 02 2010
ODDBLOOD

otei sige..tatambay din ako diyan.. :]

27 02 2010
yiN

adik lang talaga ang 7. hindi lang yung mga eksena mukhang kinapipeyst, pati yung mga epeks, anampucha 2010 na pero mas matindi pa yungmga epeks ni panday ni fpj eh. tol asan ako nung nagkainuman???

27 02 2010
runmdrun

tamaaa! palusot nila kaya hindi masyadong pulido ang effects kasi alam nilang mga bata ang nanonood. Tigilan nga nila ako!

Saan ka nung nagkainuman? Hindi ko alam… 😀
Basta alam ko kung asan ako… nasa TopGrill ako hehehe
Salamat sa pagbisita

12 03 2010
MinnieRunner

Magandang umaga, napadalaw lang 🙂

Ganun talaga, merong mga bagay na sa iba eh pangkaraniwan lang (wala lang) pero sa atin eh, big time 😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: