Monday run

1 03 2010

Matapos tayong ma-tsunami ng isang basong tubig, balik trabaho na ako ulet. I won’t say that we have overly reacted on the tsunami warnings. I mean, mabuti nang nabigyan tayo ng warning na mababasa ang mga paa natin at mag-suffer tayo ng matinding alipunga. 😀

But think about it. What if that’s something similar to what happened to Banda Aceh? You’ll probably wish, “Damn, I knew I should’ve moved to Mt. Apo”.

Ayos ‘to! Headline sa news: Daan-daang mga tao, nag-pose nang nakahubad sa Sydney para magpakuha ng litrato. Paano kaya sila nagkasya sa picture? Siguro kung isa ako dun, I won’t mind. Kasi hindi na rin makikita and kahubaran ko sa picture kung lahat isasama sa picture.

I don’t really have anything to write today. I’ll just go with what I think I do best: Brain Diarrhea. (Paumanhin po sa mga taong kumakain sa harap ng computer at mga taong sadyang maarte) For everyone who doesn’t know what Brain Diarrhea is… Brain Diarrhea ay ang uri ng pagsusulat na sa tingin ko ako ang unang nagbigay ng terminology dun. Ito yung tipong, sulat ka lang ng sulat ng kung ano’ng pumasok sa utak mo. Kebs sa grammar at spelling. Kahit walang sense… basta may maipost ka lang.

2 weeks na yata akong nagb-brain diarrhea.

Dehydrated na ako.

Kaya ngayon, nagbabasa ako ng libro. Sabi nga ni Bob Ong, to write a book, you would have to at least have read one thousand books. Sa tanang buhay niyo, ilang libro pa lang ang nababasa niyo?

Hindi naman sa minamaliit ko ang mga taong hindi mahilig magbasa o sa sinasabi kong isa akong henyo kasi may nabasa na akong libro. Sa katunayan, iilang libro pa lang ang nababasa ko. Madalas, wala pang sense. Yung tipong uso lang kaya ko binasa. Pero, magandang asamin ang binigay ng isang kasama naming sa office kanina. Sabi niya kasi, isa sa goal niya this year is to at least read one book a month and so far, she has read 3 books.

May nakapagsabi naman sa akin na maaaring may side effects ang pagbabasa ng libro. Sabi ko, “Katalinuhan?”hehe
Sabi niya, yung lolo daw niya dati mahilig magbasa ng libro. Ngayon daw makakalimutin na.

Ang sa akin naman, kalian ka pa magsisimulang buklatin ang mga librong niregalo sa’yo noong pasko? Oo, hindi lahat ng kailangan mong alamin ay mababasa mo sa mga pahina ng libro. Pero sino’ng nagsabi na ang responsibilidad mong magbasa ay natapos na nung nakuha mo ang diploma mo? Isipin mo na lang yung pagod at puyat na binigay ng manunulat para lang may maipresenta sa mga publisher. Isipin mo na rin ang mga puno na nagbuwis ng buhay para lang makagawa ng papel na pagiimprentahan ng mga salitang pinagpaguran ng manunulat. Isipin mo na rin ang oras at perang ginastos ng nagbigay sa’yo ng libro para lang may maibigay sa’yo nung pasko. Isipin mo na rin ang pagkakataong matuto ng isang bagay na hindi mo pa nalalaman o pananaw na maaari mong dapat intindihin. Sayang!

Naalala ko ang unang libro na tinapos ko from cover to cover. The Alchemist ni Paolo Coelho. Ginagawan ko kasi ng book report ang kapatid ko. Matapos kong basahin ang libro, doon ko naisip: Sana binasa ko rin yung mga pinagawang book report ni Mrs. Tirones nung high school ako. Lahat yata kasi ng pinasa kong book report noon, mga kinopya ko lang sa mga cheat books din o kaya pinagawa ko sa mama ko. Hindi ko tuloy nalaman kung gaano kaganda ipinaliwanag ni Frances Hodgson Burnett ang Lihim na Hardin na naging hudyat para bumuti ang kalagayan ni Colin at muling mapalapit sa kanyang ama. Hindi ko tuloy nalaman ang buong storya ng Without Seeing the Dawn ni Stevan Javellana. Mas gumanda siguro ang mga grado ko noon. Noon pa siguro ako nakapagsimula magsulat at ngayo’y hindi umaasa sa Brain Diarrhea para may mai-post lang sa blog na ito.

But I know it’s not too late. I’m still young (ang kumontra panget). Simula ngayong weekend, bibili ako ng libro. Hindi yung uso, kundi yung mga tipo na binibigay sa ating pang-book report noong high school tayo. Hirap magbasa ng PDF file sa phone, nakakamiss yung amoy ng bagong biling libro. Kung may magpapahiram, ayos! Mas maganda kung may magbibigay sa akin. Sinusubukan kong pagtiyagaan yung na-download ko kahapon: Sense and Sensibility. So far, nasa 14th page pa lang ako. Sana matapos ko. Pero maganda siguro kung may makakapagbigay ng libro. Tingin ko parang hindi pa kaya ng brainwaves ko yung gano’ng genre. Pero, pramis pagtitiyagaan ko talaga.

Ayon sa nakasanayan, iiwan ko kayo ng isang tanong para gumana ang mga coconut natin.

Kung lahat tayo unique, ano’ng pinagkaiba mo sa ibang taong unique din?

That’s it for now…

Thank you so much!

Advertisements

Actions

Information

8 responses

2 03 2010
ODDBLOOD

hmm..nakakaguilty to ah..impulsive kasi ako bumili ng libro pero dahil nga sa work ko, ayun nagtambak sa shelves ko yung mga titles na ‘di ko pa nababasa..mantra ko kasing every payout, bibili ng books ‘di lang para sa akin kun’di para naman may mabasa yung mga bro ko pag lumaki na sila..sana lang magkatime na ako dahil isang buwan na din sa akin yung isang libro na nasimulan ko pero wala pa ako sa kalahati..hehe..

newey, I also agree..mas masarap pa rin yung the real thing..haha. i mean yung totoong libro 😀 ang pangit ‘pag PDF lang, ‘di 100 percent ang satisfaction.. ^_^

2 03 2010
runmdrun

tingin ko tuloy para akong pari na nag-sermon!hehe

which reminds me… may hiniram pala akong libro dati na hindi ko na natapos… wala pa rin ako sa kalahati… mabalikan nga…

2 03 2010
Coach ni MD

tama… gusto ko din yung pagpi flip ng mga pages ng tunay na libro… somehow, parang nararamdaman mong natatapos yung librong binabasa mo… sinubukan ko dating mag dl ng mga audio books… dahil misan talaga, tamad akong mga basa… so pinakikinggan ko yung mga audio books na yun pag nasa kuwarto na ako, ayun… nakakatulog na lang ako… bago ko matapos pakinggan ang isang buong libro…

conclusion: wag nang bumili ng sleeping pills… mag audio books na lang po tayong lahat. 😀

2 03 2010
runmdrun

Coach, saan ka nagda-download ng audio books?

2 03 2010
ODDBLOOD

haha..tapos ang nakakainis pa pag ganyan, pag matagal mo di nabasa..pipilitin mong isipin yung mga unang nangyari para mapagpatuloy mo yung storya..happens to me everytime, lalo na nung binasa ko yung Lord of the Rings tapos nagstop din ako ng matagal..medyo ningas kugon ako eh..takaw-mata din..

3 03 2010
Coach ni MD

MD: sa internet ako nagd-dl ng mga audio books..

hehe, wala kase akong alam na particular na site na pwedeng pagdownload-an ng audio books.. basta type mo lang sa google.. pag my nakita ka… magaling…

pag wala… hanap lang ulit… 😀 hehe…

3 03 2010
J.Kulisap

Nagtataeng utak.

Ganun naman, minsan masarap magtae lang, ‘yon ang mabenta. Kapag medyo seryoso, wala tuyot ang readers.

3 03 2010
Coach ni MD

haha! nahiya naman ako sa ‘yo MD.. haha! hindi kase ako mahilig sa Brain Diarrhea.. siguro nakaka ilang drafts na muna ako bago ako mag post..:-D haha!!

marami na din akong nakikitang bloggers na nagtatae din ang utak…:-D pero ikaw lang ang marahas na gumamit ng ganyang term… 😀 hehe…

siguro tama ka ngah: tamang suporta lang ng oresol at gatorade para ma sustain yung ganyag klase ng pagtatae… hahaha!!! bas pa ng libro! basa pa!

wait.. bilang coach mo, paliotan na lang natin yung name ng blog mu:

tae MD tae.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: