And then there was light

3 03 2010

Tuesday.

Ay teka, Wednesday na pala. Ito ang mahirap kapag panggabi ang shift mo eh.

Kahapon, birthday ng isang ka-wave naming. March 1 ang birthday niya. Naalala lang naming nung lunch break namin at 1am. Isang oras na expired ang birthday niya. Sorry naman. By the way, Happy Birthday, Chelly!

Scars

Ang weird ng scar ko sa left leg ko. Opposite siya ng keloid eh. Palubog. Tapos, dark pa. Nakuha ko ito nung bata pa ako. Nadapa ako sa hagdan. Akala ko noon mamamatay na ako sa sakit, kasi sa kanto pa ng semento tumama. Sa shin bone pa mismo. Ouch!

Meron din akong scars sa wrist ko. And just for the record, this not caused by my attempts to kill myself. If I’d ever plan to kill myself, I’d listen to [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law] or [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law] the whole day. Yung mga peklat ko po ay gawa ng aking katangahan. Nagagasgas, or for some weird reason, nahihiwa ng kung ano man.

At kahit kalian hindi ko aasamin na magpakamatay. Unang-una, paano? Hindi ko nga masaktan ang ibang tao, ako pa kaya? Hindi ko naman pwedeng batuhin ng pinggan ang sarili ko. Pangalawa, bakit? At para saan? Para may malungkot kapag nawala ako? Hindi ako ganun ka-emo.

Naisip ko tuloy kung paano nakakaisip magpakamatay ang isang tao. Naririnig niyo madalas sa balita, mga nagpapakamatay kasi nawalan ng trabaho; mayrun naman kasi napagalitan ng teacher o ng magulang; mayrun namang dahil sa na-basted.

Kung makakausap ko lang yung mga yun sisigawan ko: Hoy gung-gong! Bakit? Kapag nagpakamatay ka ba nabalik ba ang trabaho mo sa’yo or nakahanap ng bagong trabaho? Mababawi ba nito ang mga masasakit na nasabi ng teacher mo o ang pamamalo ng magulang mo? Sasagutin ka ba ng nililigawan mo o makakahanap ka ng ibang mamahalin? Mag-isip-isip ka nga! Ang dami-daming taong nagkakalubog sa utang para lang mapanatiling buhay ang mahal sa buhay na nag-aagaw buhay sa ICU. May mga taong may taning na handang ibigay ang lahat ng yaman sa mundo madugtungan lang ang buhay nila. Tapos ikaw, na maswerteng gumising sa umaga mula sa pagkakatulog kikitilin lang ang buhay mo dahil lang sa pinahiya ka ng boss mo. Muli isa kang malaking gung-gong!

David Hume said in his work “Four essays” said, “When a soldier has been stationed as a sentinel in a particular place, if he deserts his post without being ordered to do so he is guilty of a crime. Well, God has stationed you in a particular place, like a sentinel, and if you desert your post without being recalled, you are also guilty of rebellion against God, and have made him displeased with you.”

Well to avoid sounding too “religious” I’d best explain it this way: We are supposed to be here in this world. And we are supposed to fulfill a certain function. And since every human being is unique, when you commit suicide you take something irreplaceable out of this world.

Genesis 1:2 said, “Now the earth was formless and empty, darkness was over the surface of the deep…” and the first thing that God said was “Let there be light”.

Kapag sumisikat ang araw tuwing umaga (syempre, magulat ka kung sumikat ang araw sa gabi), naiisip ko ito: sumisikat ang araw bilang alaala ng lagay ng mundo bago unang nagkaroon ng liwanag – formless and empty, darkness was over the surface of the deep. Binigyan tayo ng liwanag para hindi tayo lubusang mamuhay sa despair ng kadiliman. Bagong pag-asa ang dala ng umaga. At hangga’t hindi tumitigil ang pagsikat ng araw sa umaga, hindi nauubos ang pag-asa.

Ngayon, sa nakagawian: Ang tanong!

Why are packages delivered by a car called SHIPment and packages delivered by a ship called CARgo?

That’s all for now…

Thank you so much!

Advertisements

Actions

Information

49 responses

3 03 2010
J.Kulisap

Umiikot ang gulong ng buhay.

May mga tao kasi na kahit anong pagsusumikap, nabibigo pa rin.

Kaya nga minsan, magtatanong ka na..

Bakit Ako?

Iba-ibang paraan ang pagtanggap ng pagkabigo o alat sa buhay.

Sana lamang, lahat ng tao, kasinglawak ng pang-unawa na mayron ka, sila, siya.

Masarap mabuhay lalo na kapag alam mo kung paano diskartehan ang mga pagsubok.

3 03 2010
Coach ni MD

Malupet na kasagutan kuya kul!… πŸ˜€ ahaha!!! sayang nga lang at may mga taong talagang ipinanganak na masokista… Natutuwa sila sa pakiramdam ng pagdurusa..:-D yung nag eenjoy sila pag nakikita nilang miserable ang situation nila… (kahit sila na lang talaga ang nagpapakumplikado ng mga bagay bagay… (isisi sa Melantoni, un ung hormones na sini secrete ng utak para sa mga malikhain… at maka emong bagay na naiisip ng isang tao…)

Pero sabi ng asa House MD (isa sa kinababaliwan kong US TV Series): Being miserable doesn’t makes you better than anyone else… it will only you… uhm… miserable?…

3 03 2010
J.Kulisap

Batang aliping namamahay, ikaw pala tao dito.

Tumpak.

Ako, bago ako makagawa ng mga pinagsususuka ko sa buladaspir, kailangang “emo” mode ako.

Dahil kapag wala ako sa hulog, wala sa direksyon ang lahat.

Kaya lamang, hindi naman puro patawing lang ang buhay, ayaw mo man, bibigyan ka talaga ng pagsubok..bahagi ka ng mundo, anong silbi kung wala kang pagsubok na lulusutan, ‘nga lang dapat alam mo kung papaano pakisamahan ‘yan.

3 03 2010
Lambing

yeah! pasabit sa base padaan na rin po mag lalambing rin ako..

haizz ewan ko nga ba bakit may mga taong ganon kasama pala ako dun wahahaa.. hindi naman ako suicuidal.. ahmmm my mga moments lang na sobrang bigat ng dinadala mo tapos si satanas bumubulong tumalon ka nalang dyan sa building para matapos na paghihirap mo.. tapos naiisip ko.. ayoko nga 11 flor kaya yun di pag bagsak ko im a dead lambing tapos wala ng ganda ayaw ko nga…
or minsan nakakita ka ng blade laslasin ko kaya pulso ko.. pero ayaw ko din .. masakit eh.. paano ako nagkroon ng ganitong idea kasi napapanuod sa tv nako naman!
pero mahal ko parin si God kasi ayaw ko syang biguin.. kaya kapag sobrang stress ako sa buhay kong parang roller coaster SYA lang ang takbuhan ko.. ayun,,, at ganda nitong post mo apir!
padaan ha πŸ˜‰

4 03 2010
runmdrun

thanks for the compliment, lambing! Sarap pala nito… gawin ko na lang kayang Sermon, MD! Sermon! ang title ng blog ko!hehe Salamat sa pagdaan!

3 03 2010
ODDBLOOD

waw..Inspirational Wednesday pala ngayon..hehe..:D
actually, dati noong sobrang problemado ako, naisip ko na din yung suicide na yan pero kahit anong isip ang gawin ko, ‘di ko talaga siya magawa dahil mawawala sa akin ang lahat..sobrang swerte naman “niya” kung nagkataon..dahil lang sa “kanya” eh magpapakamatay ako? wag na uy! hehe..saka napatunayan ko naman na nagbabago naman ang lahat sa paglipas ng araw..nagbabago ang mga bagay, nagbabago ang buhay, pati ang puso natin nagbabago..o ha! πŸ˜€

4 03 2010
runmdrun

tumpaak! hindi naman natatapos ang buhay sa problema! ikaw mismo ang magde-determine kung magpapadala ka ba sa problema o ikaw ang magdadala sa problema! mas maganda kung ikaw ang magbuhat ng problema at itapon mo sa bangin..hehe

4 03 2010
aninipot

hmmm, may tanong ako… u said, we humans has a certain function in this world…but what if your role in this world is to kill yourself?

gets mo?

babalik ako after mong ibigay ang sagot mo….medyo mahabang paliwanagan to.

4 03 2010
Coach ni MD

wow.. mahaba habang kuwentuhan to sa pagitan ng alitaptap at ng gamugamo… hehehe…:-)

sinu ang may punto?…

ung may ilaw?…

o yung lumalapit sa may ilaw?… πŸ˜€

4 03 2010
J. Kulisap

Pasingit.

Kung iyon ang layunin mo Ani, gawin mo.

Maliban na lamang kung ayaw ito ng iyong puso at kaluluwa.

Paniniwala- igalang.

4 03 2010
aninipot

hmmm, kuya kulisap, hindi ito tungkol sa paniniwala ko… may gusto lang akong maintindihan… at baka sa paraan ganito ko lubusang maintindihan bakit may mga taong gustong magpakamatay.

4 03 2010
runmdrun

one more thing, naniniwala pa rin ako sa kasabihan na “Walang sino man ang nabubuhay/namamatay para sa sarili lamang”…
hehe… huwaw, hindi ko naisip na gagawa ng ganito kalaking ugong ang post ko… salamat sa mga puna at sa pagbasa…. ako po ay lubusang nagagalak… (tagalog tayo, andyan si j.kul)hehe

4 03 2010
runmdrun

ang saya naman nun… role mo sa mundo eh patayin ang sarili mo? hindi ko alam… although, i believe na kahit na may personal choice and will tayo, ultimately si God pa rin ang may control ng lahat ng nangyayari… the point in having you keep yourself from killing yourself is to not want to kill yourself for some stupid reason… walang gustong ang maging purpose sa buhay lang eh maging pataba sa lupa o kaya maging usap-usapan lang kung gaano nakakatawa ang pagkamatay… syempre, gugustuhin mo naman din na mamatay na may dignidad… hindi sumuko… kumapit…

4 03 2010
aninipot

natawa ako dun sa sinabi mong , ang saya if ang role mo ay patayin ang sarili mo… para may point ka… hmmmm, nakukulangan pa din ako…pero sige sa tamang panahon maiintindihan ko rin sigoro…maraming salamat sa mga tumugon sa aking katanungan.

7 03 2010
Pseudonym

Pasabat lang.

Could it also be God’s will to kill yourself? Talking about suicide. If the death of that person will be the only way for others that are left behind to realize the worth of their own lives… then maybe, just maybe.

No one has the right to end their borrowed life and yet if God has used your own hands to end the suffering and for others to see the light then it is by His holy will.

4 03 2010
aninipot

paano natin masasabing mali ang magpakamatay kung ang taong nagpakamatay ay binibigyan mo ng isang malalim na respeto?…paano kung sa tingin nya yon na ang hangganan ng buhay nya?… kaya ba natin malaman kung hanggang saan lang ang buhay ng bawat isa?

4 03 2010
Coach ni MD

uu… mahirap ngang malamn ang katapusan ng buhay ng isang tao… pero isang bagay lang ang sigurado ako: wala sa mga kamay ko ang katapusan ng buhay ko…:-D

at world peace. πŸ™‚

4 03 2010
aninipot

very well said yvarro…

pero sa parte mo.. paano ang sa iba?

ang dami kung tanong, minsan naiisip kung di na sakop ng utak ko ang pag-intindi sa kanila..pero ganun ako… kakaiba ang takbo ng utak ni aninipot.

4 03 2010
aninipot

teka! asan ba si MD?..ba’t ikaw ang sumasagot sa tanong ko?…hmmm, gusto ko yuloy maniwalang pinalitan lang si bentepesos ni MD.

4 03 2010
runmdrun

andito ako… paumanhin… pwede naman siguro matulog, hindi ba? hehehe

4 03 2010
J. Kulisap

Babalik ako sa una kong sinabi.

Kung sa tingin nya, katapusan na ng pagdurusa, kung sa paniniwala niya, wala siyang kasalanan o pananagutan sa pagpapakamatay…maluwalhati niyang tatapusin ang buhay.

May mga taong ganito, yong tao behind KODAK( film ) nagpakamatay yon pagkatapos niyang sabihin, nagawa na niya ang gusto niya.

Tayong mga tao, may mga nang-iimpluwensya sa lipunan na magpapa-isip o magpapatigil sayo.

Sandali..tama ba o mali?

Kanino ako liable?

Pero para sa akin, hindi ko kikitilin ang buhay ko, hahayaan kong patayin ako sa paraang naaayon sa pagkatao ko.

4 03 2010
runmdrun

ang sagot ko diyan ay ito: Bakit ikaw ang magde-decide kung hanggang saan na lamang ang buhay mo? taray mo naman kung ikaw ang magdedecide kung hanggang kailan ka na lang…hehehe
hiniram lang natin ang buhay natin… kung pinahiram ka ba ng isang bagay, ibig sabihin ba nito ay maaari mo na itong wasakin dahil lamang sa naisipan mong panahon na para wasakin ito? sana, hindi ang sagot mo… kasi, mere creation lang tayo… hindi tayo Creator… wala sa atin ang karapatan para magsabi na tapos na… Mabuhay ka… we are meant to live for so much more… not just for ourselves… maraming salamat

4 03 2010
Coach ni MD

hihi.. πŸ˜€ tulog pa MD.. contact center siya nagwuwork..:-D haha! paniwalaan mo kung anung gusto mong i believe hehe…:-D pero hindi ako si MD..:-D at sugurado akong hindi siya si Bentepesos..:-D haha! nakakatuwa toh… πŸ˜€

4 03 2010
Coach ni MD

wuzjhuh?.. weird naman nito?.. bakit ba ako nag-eexplain?…

ang totoo… ako si Machong butiki… πŸ™‚ ahaha!!! kaya nga siya si MD eh.. dahil ang nickname ko ay: MB πŸ™‚ ahaha!!!

anoh anini?. hilo ka na ba?…

4 03 2010
aninipot

hilo na nga, kaya bahala ka na muna sa buhay mo…hahaha

4 03 2010
J. Kulisap

Isa siyang aliping-namamahay Ani.

Walang sariling lungga.

May panibago na namang pasasabugin yan.

4 03 2010
Coach ni MD

ahaha! ganun nga yun! hehe.. πŸ˜€ ako’y ipinadala ng kabilang mundo upang bumuo ng isang buong pulutong… hindi: batalyon, isang buong sandatahang lakas ng mga maskara, upang sakupin… lipulin.. ang lahat ng puso ng blogosperyo ng wordpress… sampu nang kanilang sambahayan… mga alipin, mga alagang hayup, maging ang puso ng kanilang mga insekto… lilipulin silang lahat… at pag datng ng takdang panahon…

malalaman ninyo… na si Jkulisap, si Father Fiel, Jason Hamster, si Anii Alitaptap, si Kaspangarigan, sila Beef Tapa, Vajarl, Sucking Bird Keller atbp… lahat sila… ay pawang mga maskara ko lamang…

Bwahahaha!!!

4 03 2010
runmdrun

Teka… teka… teka… Hindi ako si Yvarro! kung sa tingin niyo, ako si yvarro… nagkakamali kayo… sobrang magkaiba ang personality namin niyan… hindi rin ako isa sa mga maskara niya… imma real person… yah knew! paluin ko kayo lahat diyan eh…

4 03 2010
Coach ni MD

weeehh!! hahaha! masasaya toh! paanu kaya mapapatunayan na kami ni MD ay iisa?.. haha! nakakatuwa! (tinatamad pa akong gumawa ng sarili kong bloghay… kaya nakigugulo muna ako sa mga blogs ng may blogs… ahehehe.. πŸ˜€ nakow naman… extra challenge to para kay Emdee.. hehehe… πŸ˜€

4 03 2010
runmdrun

ayan, papasok na ako ah… bilang patunay na si yvarro at si MD ay hindi iisa… ang susunod ninyong makikitang comment ay 6am pa… hehehe
Or pwede ring magcomment ako gamit ang phone ko… hahaha

4 03 2010
Coach ni MD

ahaha! ang kulit.. πŸ˜€ ako namay patulog pa lang ng mga oras na yun.. hehe..:-D nice ness naman..:-D kung ako si MD.. ang hirap naman atang magkoment ng bente kuwatro oras… πŸ˜€ ahaha!!!

4 03 2010
aninipot

wahaha, aba! yvarro ang swerte mo naman, lahat ng utak namin magiging sayo?…hahaha

sige magpaulan tayo ng utak… itambak lahat kay yvarro..hahaha

4 03 2010
Coach ni MD

uu! miss anini.. baka bukas malalaman mo: si Esmina at Siamea ay iisa… πŸ™‚ nakow.. i level up na naten ang pagkahilo mo… πŸ™‚ haha!!!

4 03 2010
ajlation

kala ko talagang nilisan na ni mask man ang wordpress…haha….
siguro naman ngayun di na ako muling maliligaw hano!?

pass muna ako…next time ang basa busy eh
daan lang muna wahhhh.

4 03 2010
Coach ni MD

hello ajilation… πŸ˜€ hindi ko rin po ito tahanan.. πŸ˜€ kay MD po ito.. πŸ˜€ ako’y nakikituloi lamang sa mga bahay ng may bahay.. habang hindi pa anirerenovate ang aking abang mansion.. πŸ˜€ hehe… sinung maskara ang gusto mong manahan sa iyong tahanan?… ha?…

4 03 2010
ajlation

kahit sino welcome sa bahay ko…kaya lang ayuko nang malikot at pakielamero ha!?
siguraduhin mung ang mananahan sa akin ay un good boy/girl….

4 03 2010
Coach ni MD

ahaha! uu promise! mabaet ang titira sa iyo.. πŸ˜€ ipapadala ko si: AnimsΓ¨ … hahaha!!! πŸ˜€

4 03 2010
ajlation

mula ulo hanggang paa nabasa ko na
ayus wahhh…connected sya promise!! astig

ou nabasa ko na….
alam mo tama ka eh…
pero bakit nga kaya…!?
siguro ito sagot ko sa iyo..
“too many questions but the answers are few”
un lang hahaha

4 03 2010
runmdrun

commercial ng shampoo? πŸ˜€
uy, baka naman iniisip niyo na sinulat ko ito para i-encourage kayo magpakamatay… susme… namomroblema ako sa laki ng population ng pilipinas, pero hindi ko naman gustong malutas yun sa pagpapakamatay niyo… gaya nga ng sinabi ko… mabuhay ka…
kung nawala man ang rason mo para mabuhay.. humanap ka ng ibang rason para mabuhay… kung wala nang mahanap… isipin mo na lang kailangan mo mabuhay… hindi lang maging pataba sa lupa ang role ko sa mundong ito…
isipin mo na rin, ham yan! πŸ˜€

5 03 2010
ajlation

kala ko ba syampo….ladies choice yata eh!!!!haha
ang sakin lang kung wala na talagang rason mabuhay eh tingin mu ba hindi pa un sign na dapat ka nang mawala!?since pinahiram sayo yan ang tanong kung malalaman mu ba na ganyan ang kahihinatnan mu eh tatanggapin mu ba ang hiram na buhay na meron ka ngayun>>>>>(sagot na isang kontra de bobo)hmp!

4 03 2010
Suckingbird

ang haba nman ng post mo friend.. ngnnosebleed ako sa tagalog

4 03 2010
runmdrun

baka kasi masabihan ako na trying hard mag-english porket sa call center ako nagtatrabaho… hehehe
tsaka andiyan si kuya j.kul, tagalog tayo..hehe

5 03 2010
ajlation

haha ako din na confused kong magkaiba kau!?

5 03 2010
Coach ni MD

sige malito ka pa ajilation..:-D ahaha!!! nakikitira muna ako sa iba ibang blogs habang wala pa akong bagong bahay.. πŸ˜€ ahihihi..:-D

5 03 2010
ajlation

har har dude yvarr matulog ka naman lagi ka active ah….walang paltos…
hay naku lagi ko nababasa ang abbreviation na j.kul ahh…isa pa mamimis interpret ko na yan….hahaha (berde)

5 03 2010
Coach ni MD

matulog?… kaninong blog yun?.. wahekehk hek.. πŸ˜€ hongah! hidi na ata uso sa akin ang tulog… πŸ˜€ hahaha!!!

5 03 2010
ajlation

bakit hindi uso sa iyo…
adik ka kasi adddeeek!!! hahahahah

5 03 2010
Coach ni MD

ay?.. aji?.. Highblood?… πŸ˜€

5 03 2010
ajlation

weh hindi ah…hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: