Anne Talk

5 03 2010

Ito ang mahirap sa pabago-bagong shift eh – ang pag-aadjust!

Hindi naman ako talaga antuking tao. Lagi kasi ako nakakahanap ng paraan para hindi antukin.

Andiyan yung habang may nagdi-discuss pero hindi pumapasok sa utak mo kasi inaantok ka… nagdo-drawing ka na lang sa notebook mo.

Small circle, small circle… big circle

Puro circle lang… hanggang sa makaguhit ka ng perfect circle… tapos lalagyan mo ng half moon sa gitna, lalagyan mo ng isa pang small circle sa loob tapos shade-an mo… presto! May Patapon character ka na… lagyan mo na lang ng spear, bow, or sword and shield!

Paborito ko yung larong yun sa PSP! Yun din ang naging dahilan kaya ako nagpabili ng PSP!hehe Yun lang kasi ang game na alam ko na pwede mong laruin na hindi mo kailangang tumingin masyado sa screen as long as may earphone ka.

Ngayon naman, ang kinababaliwan kong game ay… “Monster Hunter Freedom Unite”. Saya nung una kasi may mga nakakasama ako sa “Online Gathering Hall” para tulungan akong patayin ang mga monster na hindi ko mapatay. Eh, ngayon… wala akong maka-laro… sariling sikap tuloy na patayin ko ang mga kumag na halimaw… ang pinaka-nakakairita ang plesioth!

Naghanap na ako sa youtube ng mga guide kung paano patayin ang kumag na sea creature nay un… hindi ko pa rin mapatay eh… Nananawagan po ako sa mga naglalaro ng MHFU sa inyo! Tulungann niyo naman ang abang bata na ilang buwan nang stuck sa HR 2.

Sa mga maka- [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law] na mambabasa ko, i-close niyo na muna ang window dahil mararahas na salita ang mababasa ninyo…

Okay na?

Well, hindi naman masyadong marahas. Nakakairita lang kasi, gaya nitong napanood ko sa isang morning show… nag-guest na naman siya sa isang show at kumanta..

Utang na loob naman. Alam ko, malaki ang naiambag niya sa larangan ng palakasan sa larong [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law]… pero minsan kasi para na siyang sira… tatakbo sa pulitika… tapos gagawa ng album…

Yung mga gung-gong na nakasunod naman sa kanya, buyo nang buyo sa kanya. Nakakairita!

Hindi ko naman sinasabi na wala siyang karapatang tumakbo sa pulitika! Sa katunayan, baka nga mayroon siyang magandang magawa. Pero marami nang payaso sa pulitika sa Pilipinas! Ang abang bayan natin, pinapatakbo na lang ng mga payaso. Sasabihin na, [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law] Baka gusto niya mas [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law] siya. Ilang taon na lang ba ang natitira bago maging presidente si [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law]! Pramis, kapag naging president yun… mangingibang bansa na lang ako! Kahit TNT!

Paumanhin po sa mga na-offend sa mga sinabi ko. Pero, huwag naman kasi nating iasa sa mga gung-gong na pulitiko ang kinabukasan natin! Nakakapikon kasi manood ng news tapos makikita mo lang mga taong nagrereklamo sa pangulo samantalang wala naman silang ginagawa.

Hindi pagpapalit ng pangulo o buong gobyerno ang kasagutan para guminhawa ang buhay natin. Eh kung yung mga tambay natin diyan ay nagtatrabaho, hindi tataas ang unemployment rate natin. Hindi ako naniniwala na walang trabaho sa Pilipinas. Nakikita ko kasi sa office, may mga 40+ years old na gumagawa ng trabaho ng mga nasa age bracket ng 20 to 30 years old. Marami lang ang under-qualified.

Boboto ng pangulo na sa tingin nila ay giginhawa ang buhay nila, pero tutunganga lang sa bahay. Magbi-bingo sa labas ng bahay. Magsasara ng kalsada para lang makipag-bingo sa kapitbahay imbis na samahan ang mga anak na mag-aral at tapusin ang mga homework nila. Tapos kapag bumagsak ang grado ng anak, sasabihan na “bobo” ang anak!

Mayroon naman na may trabaho pero pagkakuha ng sweldo, ayun… nasa inuman.. pag-uwi, bubugbugin pa si misis.

May mga nag-aaral… pero kapag naaya na ng mga kabarkada ayun, hindi na papasok! (ouch!)

Sabi nga ni Bob Ong, nakakaawa ang bayan na umaasa sa isang bayani para umayos ang buhay! Kahit buhayin pa sila Rizal, Bonifacio at Ninoy, they can only do much. Kung tayo, hindi magbabago, hindi rin magbabago ang bayan natin!

Sige na, inaantok na ako!

Welcome ang mga violent reaction niyo. Ipagpaumanhin niyo na ang sermon mode ko this week… nag-aadjust pa ako eh..

Nakagawian na: Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nag-pasko ka na ba sa gitna ng kalsada?

Hindi pa?

Ako rin eh! Kaderder kaya yung maligo sa dagat ng basura!

😀

Till next time..

Thank you so much!

Advertisements

Actions

Information

34 responses

5 03 2010
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD

so, this is your new blog?

5 03 2010
runmdrun

uhm, yes! if you’re referring to me, MD the original author and owner of this blog!

hindi po ako si yvarro, at hindi rin po ako isa sa mga maskara niya… hindi po ako si bente pesos… imma real person!

now that you’ve mentioned it, tunay nga ba talaga ako? pati ako naguguluhan na rin

6 03 2010
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD

so…teka ha…naguguluhan na ako…

so ikaw si md…ang walang maskara….

si yvarro, si esmina, atbp ay mga alter-egos mo lamang?

tama ba ako?

6 03 2010
runmdrun

Hindi… hindi… hindi… si yvarro ay ang walang maskarang pagkatao nila ravy, animse, emina at nung isang hndi ko kilala… si MD ay ibang tao… si yvarro at si MD 2 magkaibang tao! waaah!

8 03 2010
aninipot

hahaha, ayan ang hirap sa nalilink sa pangalan ni yvarro…mahirap ng paghiwalayin ang katauhan ni MD at yvarro…kung gusto mong lumutangg ang sariling ikaw… ipasalvage si yvarro…hahahaha

8 03 2010
Coach ni MD

wahaha!!! matatapos na ang paghihirap mo MD… 😀 nagpapatayo ng ako ng sariling bahay ko… :-)ilalabas ko na lang kapag: meron nang go signal ni maarteng friend.. 😀 (ang may-ari ng wordpress…)

8 03 2010
Coach ni MD

ahehehe… MD.. si Yvar po yun.. 😀 haha!!! 😀 hm.. baligtarin mo lang ang Ravy… 🙂 hahah!!! 😀

7 03 2010
MD

Fr. Fiel, hindi po… sila esmina, ravy, atbp ay ang mga maskara ni yvarro… kami po ni yvarro ay magkaiba… hindi niya po ako maskara at lalong hindi ko maskara si yvarro… tunay po akong tao… kung na-redirect man po kayo pagka-click niyo kay yvarro, eh wala po akong kinalaman… nantitrip lang po siya kasi wala siyang bahay ngayon… 😀

10 03 2010
Yvarro

hai father fiel!! 🙂 musta?… *kaway kaway… o andito si yvarro oh?… ahaha!!! ayan, alam nio nang magkaiba kaming tao ni MD… 🙂 ahahaha!!! may sarili na po akong bahay…

6 03 2010
duking

totoo ang lahat ng sinabi mo…

ang solusyon sa lahat ng ito,nasa sarili natin mismo.kahit si paquiao…kapag nakita ko sya sa tv at walang kinalaman sa boksing pinag gagagawa nya…ummm!!!lipat…the power to change…is in your hands…lalo’t ikaw ang may hawak ng remote ng TV

6 03 2010
tine

dapat may ‘like’ icon din dito.. i agree with everything.. 🙂

6 03 2010
runmdrun

haha, your comment is enough… para rin may discussion tayo… thanks for visiting my site, batch-mate…

6 03 2010
ODDBLOOD

that’s the problem with most Filipinos.. 😀 we’re too dependent..napaka-cynic natin pero along with that, sa mga problemang nakikita natin sa buhay at sa bansa natin, we do nothing.. 😐

6 03 2010
ODDBLOOD

waw..bakit naka- 😀 ako sa comment ko?

6 03 2010
runmdrun

hindi ko alam… baka bigla ka napangiti..hehe

7 03 2010
Pseudonym

Hmn. Naliligaw ba ako? Well, I clicked on Yvar’s name and I was directed here. Hi MD. Haha! I’ve been reading the comments above… so, hindi ka nga ba si Yvarro or any other masks of him? Hmn… hindi nga. According to Yvar, some say ako rin daw ay maskara niya. Can be true in some sense. Puede ba akong sumabay sa pagtakbo? Haven’t run or jog in ages.

7 03 2010
runmdrun

pwede kang sumabay sa pagtakbo… uhm, i dunno kung bakit ka na-redirect sa blog ko. may sapak sa utak ngayon si yvarro. and to say it one last time, hindi ako si yvarro o isa sa mgamaskara niya. welcome sa karera ng buhay ko. minsan ipo-post ko rin dito kung kailan at saan ako magja-jogging… 😀

8 03 2010
Coach ni MD

o ayan.. 😀 andito na tayong lahat sa isang bahay.. 🙂 si pseudo.. si MD.. at si Yvarro.. 🙂 magiging masaya toh… 🙂 ahahaha!! nakakatuwa naman… hindi ko na isasama yung iba ko pang mga maskara.. 🙂 baka malito lang tayong lahat… ahahaha!!! kaines!

7 03 2010
J.Kulisap

Subok lang, ligo ka muna sa dagat ng basura, para masabi mong kaderder.

Hahha.

Musta?

7 03 2010
runmdrun

hindi ko na kailangan na subukan kong maligo sa dagat ng basura bago ko sabihin na kaderder… imagine mo lang, isang truck ng basura magnified more than 100x…

ayus lang, kuya j.kul… bilib ako sa’yo may dotcom ka na….

8 03 2010
J.Kulisap

Magulo pa.

Mas ginulo ni Sir Salbe buhay ko.

Wala naman talaga akong balak magdotcom kaya lang inakit ako, eh mahina ang katawang lupa ko sa ganyan..hahaha.

Eh yong matulog sa maiksing bangko/upuan?

Naranasan mo na?

8 03 2010
Yvarro

may bago na po akong bloghay. 😀

8 03 2010
Coach ni MD

may surprise sa bawat click mo ng name ko..:-D ahaha!!! ako ang portal mo sa iba’t ibang mga sites dito sa wordpress…:-D ahhihi magugulat ka na lang.. nasa ibang bahay ka nah.. 😀

8 03 2010
runmdrun

akala ko ba may bago ka nang bloghay yvarro? deleted pa rin! magkano ba nabili nung maarteng friend mo ang wordpress? bilhin ko na nga rin sa kanya makapag-wordpress ka lang ulet. 😀

Kuya J.Kul… salamat sa magulang ko, hindi ko pa nararanasan yun… matulog lang sa silya sa classroom, oo.. hehe

9 03 2010
Yvarro
9 03 2010
kaye

waaah! Litong lito nako. Sabi mo di ka si esmina, o animse, ravy o yvar. E bakit inaantok ka rin? Lagi din kaya inaantok si esmina? Ü

Tsaka mula sa pagkaantok, biglang napunta sa pulitika. Di kaya nananaginip ka na? Pero alam kong di panaginip dahil lahat ng sinabi mo, nangyayari at totoo. At tulad mo, tatalikuran ko ang pinas pag naging presidente si jamby. Nayko! Katakot!

9 03 2010
runmdrun

LOLz, baket? Sila lang ba ang pwedeng antukin? Tao rin ako! Nagkataon lang sa mga oras na kagigising niyo lang eh patulog pa lang ako… wak kayo kanyan! 😀

10 03 2010
kaye

haha. sorry nameyn. nalito na talaga ako. at ngayon e coach mo pa pala si ravy. hahaha.

o sha, tulog na muna. mahirap malaglag sa kinauupuan habang nasa opisina 🙂

10 03 2010
Yvarro

weeeehhh!!! opo mommy kaye.. 🙂 ganumpo yun.. 🙂 ahaha!!! pang umaga lang ata yang si MD.. 🙂 hehe… 🙂

10 03 2010
runmdrun

umaga lang ako nakakakapagpost kasi po pang-gabi ang sched ko sa trabaho… isa po akong callboi

10 03 2010
Yvarro

wehehehe!! 🙂 andito rin po ako mommy kaye all along.. 🙂 ako po si Coach ni MD… ahehehe..

ikaw na ang matulog ng 3 hrs a day, kung hindi ka antukin ng buong maghapon… 🙂 ahehehe… 🙂 bago bahay ko keya hindi na po kayo malilito, danun…

10 03 2010
Yvarro

awts! si Jamby ba yun?… akala ko si Jinggoy! Promise!!! ahahaha!!!

10 03 2010
runmdrun

hindi si Jamby!

11 03 2010
Yvarro

waaahhh!! kung hindi si Jamby?… sino?!!! Nakakagulat na statement naman nito?… meron pa ba?…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: