Si MD…

22 03 2010

I’m bored.

I’m tempted to do the annoying orange stint but I think I’m annoying enough to still keep my friends at the end of the day.

Orange: Hey, Apple! Hey… Hey! Apple!

Apple: What?

Orange: You’re fruity!

 

I find myself weird in so many aspects

 

  1. I’m afraid of lizards or kahit anong uri ng reptile.
    Pwera lang turtles. Simula ng dapuan ako ng butiki nung bata ako, I squirm at the very thought of touching a lizard. Kapag nakakakita ako ng butiki sa bahay, I either stop and let the lizard on the wall go far enough to make sure they won’t jump at me or I stomp on the floor just so they would crawl away from me. Pero may na-observe akong isang bagay sa mga butiki, kaya pala nilang kumain ng isang fully grown ipis. As in, cool tignan. At least kakampi ko pala sila.

     

  2. I love to eat broccoli but I hate ampalaya. Neutral kasi ang flavor ng broccoli or ng iba pang vegetable. Hindi kagaya ng ampalaya. Nagpupumilit maging mapait kahit tabihan pa ng daing or ng tapa. Blaaakkkk! Pero gusto ko dapat ang broccoli crispy pa.

     

  3. Matatakutin ako pero mahilig ako manuod ng scary movies. Gaya nung minsang nanood ako ng paranormal activity, hindi ako nakakatulog unless nakabalot ang buong katawan ko ng kumot. Mas mahirap gaya ngayon, I work night shift, lagi na lang ako nagmamadali maglakad hanggang sa makasakay ako. May marinig lang ako ng kung ano mang ingay o tunog, nananakbo na ako sa takot. Kaya naman lagging nakakabit ang earphone ko sa tenga ko sa saliw ng tugtog na “I gotta feeling” para positive. Pero nung in-analyze ko yung lyrics ng kanta, “I gotta feeling, woooohooo… that tonight’s gonna be a good night” yung part na woohooo, ang nakakatakot. Pano kung kinakanta rin pala ng mga moo-moo yun. E ‘di parang kanta nila kapag gusto nila manakot ng mga batang katulad ko.

     

  4. Hindi ako nakakatulog na hindi nagtu-toothbrush. Kahit noong wala pang bakod na bakal ang ipin ko, hindi talaga pwedeng matulog ako na hindi nagsesepilyo. Feeling ko kasi nauuhaw ako. Pwera na nga lang kapag sobrang pagod ako or lasing ako. Pero asahan niyo paggising ko, either magmu-mumog ako or magsesepilyo first thing in the morning.

     

  5. Hindi ako nakakapupu nang walang yosi. Opo, smoker si MD. Pero kaya ako ngayon nagja-jogging para maitigil ko na. Everytime kasi tumatakbo ako nawawala yung urge ko mag-yosi. Pero kailangan parati pagkatapos kumaen, may yosing naka-ready para kapag tinawag ng upuan, ismud sailing ang mga kinain ko pababa sa kanyang final destination.

     

  6. Ayoko sa mga OA mag-react. “Talagaaaaah?” or “Putcha talaga, as in ang sarap ng kinain naming kanina… sooooobrah”. I mean, oo na, gets ko na maganda yung pinuntahan ninyo, pero kailangan mo ba talaga magmura para lang ma-emphasize na talagang maganda? O kaya naman magkukwento lang, may mura na sa bawat sentence. Hindi naman sa nagmamalinis ako. Nagmumura din ako pero kapag nagugulat lang or kapag sobrang galit na talaga. Pwede bang i-reserve mo na lang yang mga mura mo kapag may sobrang tindi na talagang pangyayari gaya ng pagsabog ng Yellowstone Park o kaya pagkapanalo ni Jinggoy bilang president! Sa ngayon, enough na sabihin mong, “Uy, ang sarap ng luto ng nanay ko.” Or “Ang gwapo-gwapo ni MD”. 😀

     

  7. I won’t survive without a nail-clipper. Or nail cutter, nerkater o kung ano man. Ayoko kasi ng humahaba yung kuko ko. Lalo na sa trabaho ko, laging may tipang keyboard. Naiirita ako sa tunog ng kuko na tumatama sa keyboard. Or kapag naiipon yung dumi sa dulo ng kuko mo. Nice! Ganda naman ng ginawa mo sa kuko mo, French tip! Color brown!

     

  8. Pawisin ako. Lagi ko sinasabi, “Bumubula na naman ang kili-kili ko”. Lalo na kapag mainit, nararamdaman ko talaga na basa ang kili-kili ko. Although hindi naman mabaho, pawisin lang talaga. Kaya lagi akong nag-iisip kung nakapaglagay ba ako ng deodorant or antiperspirant. Lagi ko tinatanong mga kasama ko kung mabaho na ako, just in case nakalimutan kong mag-deo. So far, hindi naman ako nangangasim. Hehe Pero nakakatuwa lang kapag namamasa ang kili-kili ko, at naka-long sleeves ako, kitang-kita ang pagka-basa ng kili-kili ko. Pero kahit mag-amuyan pa tayo ng kili-kili hindi niyo ako maamoy.

     

  9. Matakaw ako. Seryoso, noon, ang lakas ko kumaen. 3 serving ng kanin. At hindi lang cups, puno ang pinggan ng kanin. At ang pinggan naming ay ubod ng laki. Lalo na kapag pritong isda or sinigang. Hindi pwedeng hindi ako maka-tatlong balik ako sa kaldero. Pero kahit ano’ng gawin kong lamon noon hindi ako tumataba. Pero ngayon, nagbago na yata ang katawan ko. Nanlalakihan ang tiyan ko. Nasira na ang pangarap kong maging kasing-liit ni Derek Ramsey ang bewang ko.

     

  10. Tamad ako. Kapag namimili sa mall, mabilis lang ako matapos. Bago kasi ako pumasok sa mall, alam ko na kung ano ang bibilhin ko. Nagtatalo lang sa size, or sa kulay ng bibilhin ko. Ayoko ng tumatagal sa mall. Ayoko kasi ng crowded na lugar.
Advertisements

Actions

Information

48 responses

22 03 2010
J. Kulisap

Md, kilala na kita. Ikaw si MD.

Takot ka sa butiki ako sa bebeng pink na daga.
Pwede mo na akong maging alipin huwag mo lamang akong takutin niyan.

Kumakain ako ng mapait na ampalaya, brokoli, ayos din pero hindi palage, pang tutyal yon eh.

Musta ka na?

22 03 2010
Vary

wahaha! takot ka kuya kulisap sa bubwit?.. Ako takot ako sa Ipis na transparent.. Grabe, parang yun ung multo ng inihaw kong ipis nung kinder pa ako…

22 03 2010
J. Kulisap

Takot na takot po.

Kulisap ako, sila bubuwit, nakakatakot po talaga.

22 03 2010
runmdrun

ayus naman ako kuya kulisap… waaahaha takot ka pala sa mumunting dagang mukhang tocino! yaan mo indi kita bibigyan nun… aalipinin na lang kita… 😀

24 03 2010
J. Kulisap

Sige MD, para kwits, bibigyan kita ng isang banga na mga butiki. Laro kayo ha?

24 03 2010
runmdrun

wag na lang oy… mas gugustuhin ko na lang maging panget wag lang mga butiki… nanganain din kaya ng gamu-gamu yung mga yun…

on second thought, bigyan mo na lang ako ng butiki… wag lang pumanget… hehehe

24 03 2010
J. Kulisap

At saka lagi akong biktima ng ebs nila.

Kapag nakahiga ako, lagi akong may ebs nila, ang galing nga mag-shoot, ano ba ang mukha ko mukhang inidoro?

24 03 2010
runmdrun

jumejebs ba ang butiki? isa lang ang naiisip kong solusyon sa problema mo kuya j… maglinis ka na ng kwarto mo.. 😀

24 03 2010
J. Kulisap

Palagay ko nga.

Maglilinis na po.

22 03 2010
Vary

1. Pinaglihi ako sa ahas… Kaya hindi ako takot sa mga kalahi ko.
2. I love ampalaya, magaling din akong magluto nun, haha!
3. Hindi ako mahilig sa scary movies. Hindi din ako matatakutin. Ayun. Fave ko Ammabi, ammabi, amma amma ammabi.
4. Whoah! Hindi din ako natutulog na hindi nagtutooth brush.. ( i wonder kung may mga taong hindi nagto toothbrush bago matulog?)
5. I hate cigarettes. (not the smokerss, but i hate cigarettes)
6. OA ako mag react. (obvious ba?) Hahaha!!! hahaha!!! hahahah!!! Am I too annoying?… No! I’m an orange! 😀
7. Ayoko din ng mahabang kuko. Lalo na sa paa.
8. I’m a reptile. Hindi ako madalas pagpawisan, at madalas lamigin. Amma cold blooded animal ya knaw… 😀
9. Matakaw din ako! Ahahaha!!! Pero eversince hindi tumataba!!! Dahil:
10. Sowper workaholic akong tao. Hate na hate ko ang magpahinga. Haha!

22 03 2010
runmdrun

tell me something i don’t know… hehe

22 03 2010
Vary

ako ang tunay na clark kent… 😀

23 03 2010
ajlation

workaholic!?…hmmm kasama ba dun un pag tambay nang madalas sa wordpress at mag comment at mag blog…haha

23 03 2010
Vary

yah! i do it in between.. hehe, angal ka ba aj?..

23 03 2010
ajlation

just asking …indi ako boss angal haha…mukha nga …dapat talaga balance..

22 03 2010
ajlation

E ‘di parang kanta nila kapag gusto nila manakot ng mga batang katulad ko.

“Ang gwapo-gwapo ni MD”.

aj: weh!? hahaha…nambabasag lang nang trip hehe

22 03 2010
runmdrun

puma-punch line si AJ… pagumpugin ko kayo ni yvarro eh… hehehe

no, seriously, gwapo talaga ako… hehehe

23 03 2010
ajlation

sabi mo eh….pagbibigyan kita..
pakita ka evidences….ba’t di mo post mukha mo hehehe…
“to see, is to believe” ang hamon…haha

23 03 2010
Vary

patay ka dyan MD..

23 03 2010
runmdrun

matagal na kaya ako naglagay ng picture ko dito… aywan ko kung saan na napunta… isang proof yun, kasi na-hack agad… LOLz

ipapatong ko na lang mukha ko sa katawan ni zach efron hahahaha

24 03 2010
ajlation

ok lang ikaw. sabi mu eh basta paskil mo mukha mo para mahusgahan namin ni yvarro…wahahhe

24 03 2010
aninipot

yay! pareho tayo, takot ako sa butiki, ayoko ng lahat ng klase ng mga reptiles… iniisip ko palang nanadidikit sila sakin kinikilabutan na ako…whew! basta i hate lizards…

pero love ko ang ampalaya, basta masarap sya…haha
wala naman sigorong tao na gustong matulog na di pa nagtotoothbrush, except sigoro pag pagod na pagod na.
yay! pawisin ka, lukring ako,at nag-iisip ako na pag basa ang kili-kili ibig sabihin mabaho…peace!
ako din medyo matakaw pero di rin tumataba… ang tawag namin dun ay gift…so gifted child ang di tumataba…hahaha

24 03 2010
runmdrun

hindi ako mabaho!

i’m sorry, hindi pala ako tumataba… sadya ko yun. i’m up for a role in Kung-Fu Panda 2… hehe

24 03 2010
ajlation

haha ako din takaw ko kumain ….frustration ko ang pag taba pero patpatin pa rin ako …..

at sayo iMDi….serious, botsog ka..haha kaya pla sounds frustrated sa katawan ni Zach efron…hehe peace!

24 03 2010
runmdrun

huwag mo problemahin yang pagtaba kasi darating ang panahon kahit hindi mo na gusto, tataba ka rin…

24 03 2010
runmdrun

mayrun nga pala akong kilalang hindi nagtu-toothbrush bago matulog… mga kapatid ko… kaya ayun, mas maganda ipin ko sa kanila… hehehe

24 03 2010
J. Kulisap

Sige ani, padalhan kita ng gecko (tuko).

tuko.tuko

24 03 2010
Jojo

haha! magdala kaya ako ng butiki sa office? =p… but cool yun ha… i havent seen a lizard eat a cockroach whole! hahaha… buti nga cockroach… die!!! *takot ako sa ipis*

24 03 2010
runmdrun

seryoso! para kang nanonood ng national geographic habang nakikita mong inaabangan ng butiki dumaan yung ipis… tapos kapag dinakma na ng lizard! da best!

24 03 2010
Vary

nu ba yan?.. ang aga aga.. usapang butiki at ipis bubuwit ang pinag uusapan ninyo!! haiz! hindi pa nga ako nakakapag almusal eh…

24 03 2010
runmdrun

in case nakalimutan mo Vary, baligtad ang araw ko… 😀

nga pala, napansin mo na bang mukhang tocino ang mga bubuwit?

in case tocino ang almusal mo! TNT!

24 03 2010
Vary

wotang na loob! Longanisa ang ulam ko. GSK!

24 03 2010
runmdrun

bwahahaha! paumanhin… hindi sinasadya! isipin mo na lang… ham yan…

churi… churi… churi….

(tawa pa rin ng tawa) 😀

GSK = gumagapang sa kakatawa? tama ba?

24 03 2010
Vary

GSK: Gumugulong sa Kakatawa: wehehe.. tuwang tuwa talaga ako sa tagalog version ng ROFL… 😀 wehehehe..

I wonder kung may tagalog translation ang: LMAO, LMFAO, OMFG, WTF, at FTW… 😀 wehehehe…

24 03 2010
runmdrun

maysa mahalay kapag isinalin sa wikang Filipino…

yung una parang mayrun ako… medyo mahaba

TNTHSMAP

tawa nang tawa hanggang sa mapagod ang puwit

tawa tayo! hehehe

24 03 2010
Vary

tsk… dapat talaga hindi ko pinalvage ung guard…

24 03 2010
runmdrun

ano’ng pinalvage?

24 03 2010
Vary

phlegmatic!

24 03 2010
Vary

ang arte naman ng I got hu hurted post mo! password protekted?.. Hey! Hey!! Hey Apple!

24 03 2010
runmdrun

ganyan talaga vary… may kaunting katangahan lang akong nagawa eh… nabasa mo naman na eh… ok na yun…

teka, dapat natutulog na ako ah… kumbaga sa body clock ko, madaling araw na… 😀

1 04 2010
addictedtogreenbellpepper

naaliw naman ako sa post mo 🙂

-> i also like brocolli (at bell pepper nga eh). at dapat hindi over-cooked. mas ok pag crunchy. kahit namicrowave lang with a little butter, ok na sa kin
-> at ayoko din sa crowded places like malls. pag napunta ako dun dapat me bibilhin lang talaga ako. ayoko ng window shopping feeling ko kawawa naman ako pag patingin tingin lang..
-> hindi ako makatulog na bukas yung closet ko. feeling ko me dudungaw mula sa loob nun pag naiwan ko syang bukas.
-> madali akong tumaba. mahina ang metabolism ko kaya tinatry ko talaga wag kumain ng madami esp carbo.
-> naaadik akong magpapawis lately through sports. napansin ko kasi maganda sa skin. hindi ko na kelangan magpa-facial.

yan lang po muna.. maya daan ulit ako. mali-late na ko for work.. nice post. nakakaaliw 🙂

1 04 2010
runmdrun

salamat sa pakikipaghabulan addict or greenbell or pepper (hindi ko alam kung ano itatawag sa’yo eh hehehe)

sa totoo lang me konting phobia ako kapag pinagpapawisan yung likod ko. last time kasi nagkasakit ako kaya natatakot na ako pagpawisan ulet. 😀

1 04 2010
addictedtogreenbellpepper

haha.. bellpepper na lang…

agapan mo lang na wag matuyuan ng pawis yung likod mo.. o laging me towel.. mahirap magkasakit.. magastos 🙂

ingats..

14 04 2010
MARIAN

i like this. nice 🙂 but i love ampalaya!

Pareho tayo I cant sleep without brushing my teeth swear!

Takot din ako sa lizard i remember one time i was eating raisins sa kamay ko biglang napunta sa kamay ko ung butiki from the ceiling! really scary!

hehehe! 😀

15 04 2010
runmdrun

yay (shaking)… kaderder ang butiki…

now that you’ve mentioned that you can’t sleep without brushing too, is there anyone else who can sleep without brushing his/her teeth other than my brother?

miss na kita, marian. hindi pa tayo masyado nakakabonding.hehe

15 04 2010
MARIAN

miss u too! work nalang ako sa CHASE! i really want too! hahaha!

Ey I have a new officemate galing siya ng Teletech for 2 years. TL din siya!

12 08 2010
simplysaycheese

2, 4, 10

absolutely the same

12 08 2010
Arnie

ahhhhhhhhhhhh….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: