Si Manong Driver

27 03 2010

Nagiging antukin ako lately. Hindi ako sanay kasi napaka-perky ko talaga lalung-lalo na sa mga pagkakataong maging super bibo kid ako. Kaya naman imbes na making ako, ito nakagawa ako ng bagong post. And disclaimer lang sa mga kasama ko na makakabasa nito, hindi po ako nabo-bore sa class natin kaya niyo ako laging nakikitang nagsusulat or nagdu-doodle. Ibig sabihin lang nun, pinipilit kong maging gising. Kasi kung talagang bored ako, matutulog na lang ako. Dapat yung face-off nila Gamu-gamo at Paru-paro ang ilalagay ko dito. Drafts pa rin eh. Kaya ito muna, mga kahabulan ko ah. Medyo mahaba kaya I expect walang magbabasa nito (sana meron).

I hate taxi drivers. Although I don’t generally think that all taxi/cab drivers are crooks, morons and/or assholes, but let just say for argument that most of them are. For someone who works on a night shift, like I do, we are most likely left with no other choice but to take a cab to work or else brave the dark city streets infested with crooks, morons and/or assholes.

For around 3 years, I’ve worked my way around the Metro via taxi. Kahit gaano kalayo pa yan, hanggat may magsasakay sa akin na taxi, magta-taxi pa rin ako kahit magkano pa ang babayaran ko. Kaya naman nabura na sa isip ko kung paano mag-commute (e.g. jeep, bus, MRT/LRT and the likes). Kaya naman siguro nakasakay na ako sa taxi ng halos lahat ng uri ng driver. I consider them all now my Frenemies. Kaya ito, inipon ko:

Driver Type: Choosy
Motto/Tagline: “Hmpf”
Favorite song: “I still haven’t found what I’m looking for” by U2

Sa mga ganitong uri ng driver ako buwisit eh. Namimili ng pupuntahan. Kaya naman natutunan ko na kung paano gumanti sa kanila. Choose one of two: Pagbagsakan ng pinto matapos silang murahin or pakyuhan; Pwede ring, wag mo na pagsarahan ng pinto.

Driver Type: Mangmang
Motto/Tagline: “Paki-turo na lang po ang daanโ€ฆ”
Favorite Song: “Where are you going” by Dave Matthews Band

Nakakainis din itong mga ito (actually lahat ng mga driver na maisusulat ko pa ay kinaiinisan ko). Bakit ka naging taxi driver kung hindi mo alam kung saan ka pupunta? Pero mabuti nang ganito kaysa sa naunang uri ng driver. Pero ang mahirap lang kapag pagod na pagod ka na at gusto mo na lang matulog sa taxi ay kailangan mo pa kung saan dadaan at pati siguro kung ano tatapakang pedal eh. Kaya sinasabihan ko, “Kaya ako, hindi ako magiging call center agent kung hindi ako marunong mag-english”

Driver Type: Parent
Motto/Tagline: “Matalino man ang matsing, naiisahan rin” (Hayup to, ginawa pa akong kapatid ni Kiko Matsing)
Favorite Movie: Ocean’s Eleven, Twelve, Thirteen and the likes.

Napansin ko rin lately, lumalaki ang binabayaran ko sa taxi. Normally, around PhP80 lang ang binabayad ko sa taxi from Buendia-P.Tamo to Global City. Pero napansin ko madalas pagpasok ko pa lang, hindi ko pa sinasabi kung saan ako pupunta, naka-flagdown na yung metro.

Driver Type: Ermetanyo
Motto/Tagline: “The end is near”
Favorite Song: “My Way”

Masaya makasakay sa taxi na ganito ang driver. Sila yung palaging may advice sa’yo. Opening Spiel nila: “Call Center ka?” Tapos nun hahaba ang usapan kahit ang sinabi mo pa lang, “Opo”. Pangangaralan ka niyan tapos pagbaba mo ng taxi feeling mo napakasamang tao mo na. Pero parang tipid ka rin kasi para ka na ring kumunsulta sa Therapist.

Driver Type: Manyakis
Motto/Tagline: “Wow, ang laki ng <d**e, p**e, t**e, or kung ano mang kabastusan>
Favorite Song(s): Kahit ano’ng kanta ng green republic.

May nakapagkwento sa amin dati noong nag-aapply na siya for promotion, sumakay siya ng taxi. At habang bumabiyahe ay hinahanda na niya ang sarili niya at kinakalma ang sarili hanggang sa maabot ang Zen mode, bigla siyang tinanong ng driver: “Pare, naka-kana ka na ba ng tomboy?” Ayun, basag ang Zen mode niya.

Driver Type: ATM
Motto/Tagline: “Barya lang po sa umaga, tanghali, hapon at gabi.”

Minsan nakasakay ako ng ganito ang driver ng taxi. Minsan palusot lang nila ito para mas lumaki pa ang patak ng metro. Kamag-anak sila ng mga Parent drivers.

Driver Type: Commentator
Motto/Tagline: “Alam mo kasi ang problema sa โ€ฆ”
Favorite Song: “Hoy Gising”

Mga avid listener ng AM radio. Laging nakaabang sa mga balita ng mga kurakot na government official. Ang tamang approach sa mga ganito ay tumango ka lang nang tumango and after every 3 nods, sabihin mo rin “Aah, oo nga”. Tapos biglang kabit ng earphone. ๐Ÿ˜€

Driver Type: Mysterious
Motto/Tagline: “โ€ฆ”

Madalas mga matatanda ito. Sila yung mga driver na walang imik. Ideal na driver. Kahit hanggang sa magbayad ka hindi ka pa rin kikibuin. Endangered Species sila.

Driver Type: Racer
Motto/Tagline: (hindi nakakausap, kasi abala kang magdasal)
Favorite Song: “Born to be Wild”

Para sila laging mauubusan ng kalsada. Mainam kapag nagmamadali ka na kasi hinahabol mong huwag ma-late para makakuha ka ng incentive dahil sa malinis mong attendance record.

Driver Type: Uzi
Motto/Tagline: (maraming tanong)
Favorite TV Show: The Buzz

Sila yung either, tatanungin ka ng Tough Ten (or more) questions habang bumabiyahe or silip nang silip sa rearview mirror habang may kalaplapan ka sa backseat (disclaimer: sabi ng mga kaibigan ko)

๐Ÿ˜€

Advertisements

Actions

Information

44 responses

27 03 2010
Vary

base! ๐Ÿ˜€ ahaha!!! nakakatuwa tong post na to ah?.. hmn.

remember mo yung sinabi mo sa akin na gusto mong sumulat ng mala Paolo Coehllo(tama ba ang spelling?) na post?. Kalimutan mo na yun!

you work best at Rants and the like! ๐Ÿ˜€ wehehehe… ๐Ÿ˜€

28 03 2010
runmdrun

salamat?! hindi ko alam kung magtetenkyu ako o hindi eh..

siguro, likas na reklamador lang ako… ako ang pessimist na version ni Paolo Coelho (yan ang tamang isfelling)

28 03 2010
Vary

Coello, Cohello, Coellho.. Watcheberyawanacolit! (Say it Eight times)

27 03 2010
Random Student

bihira na ko mag-jeep at fx kasi most of my trips sa metro manila eh taxi na nga. i’d love to finally own a car pero wala pa budget. kaya naman kilala ko lahat ng mga characters na isinulat mo dito. May idadagdag lang ako na siguro di mo kinonsider — yung sleepyhead. ilang beses na kong nagsilbing taga-gising ng mga antukin na to pag di kami makakibo sa intersection pag green light na.

28 03 2010
runmdrun

huwaw, hindi pa ako nakakaencounter nun… siguro mga absent-minded lang, yung nakaalpas na yung 6 na kotse sa harap niya after a greenlight, siya tulala pa rin… ๐Ÿ˜€

28 03 2010
J.Kulisap

Bihira ako magtaxi, kapag may pagpupulong lamang akong dinadaluhan kung walang magsasabay sa akin sa mga sasakyan nila, MRT, bus, dyip ang kadalasan kong sinasakyan, araw-araw.

Parte sila ng lipunan, kailangang maitawid ang kanilang ikinabubuhay.

May mapanglamang, may mabait, may tarantado, may tuso.

Kaniya-kaniyang swerte sa mga Taxi driver.

May nagpapasikot-sikot kung saan para magmahal ang babayaran.

28 03 2010
runmdrun

wala akong choice… hanggang hindi pa ako natututong mag-drive and/or makabili ng sarili kong karu… kailangan kong makipagsapalaran at mapilitan makisalamuha sa mga mabait, tuso, mang-mang, manyakis, at kung anu-ano pang taxi driver… ๐Ÿ˜€

28 03 2010
J.Kulisap

Minamanyak ka nila bebe?

Naku, sige magpamanyak ka lang. Hahaha

28 03 2010
J.Kulisap

Jakuli poked you, ngayon lang.

habulin mo ako, habulin mo ako.

Tago ako ha?

Dito lang me sa likod ng banga.Pasway sway.

28 03 2010
J.Kulisap

Utoy mahal na mahal mo naman ako, ang dami kong link sa blogroll mo.

Huwag mong masyadong ipahalata na nagmamahalan tayo ng sobra.

Baka magselos yong iba.

28 03 2010
runmdrun

alin ba kasi ang ginagamit mo? gusto mo tanggalin ko na lahat?! walang problema… ๐Ÿ˜€

sige, i-retain ko lang yung datcom mo… showbiz ka masyado kuya kulisap… pero magandang publicity yan ah… ๐Ÿ˜€

28 03 2010
J.Kulisap

Hindi ako artista, kaya hindi ako showbiz.

Kulisap lang ako, na nagmamahal ng labis sayo.

Nura Kulisap.

Tengeneng neng neng.

28 03 2010
runmdrun

uuhmmm… [ispitsless] ๐Ÿ˜€

29 03 2010
salbehe

Gusto ko ang mga Uzi, kasi kapag inuusisa nila ako, inuusisa ko din sila. Kapag nasimula na sila ng Tough Ten, mag-iisip na ako ng Tough Twenty. Gantihan lang, matira ang matibay. ๐Ÿ™‚

Nagtataxi lang ako kapag madaling araw na at malayo ako sa tinitirhan ko. Tipong Sta.Ana to Quezon City. Kaya naman pagkatapos ng taxi ride para na kaming si Boy Abunda (driver) at Kris Aquino (Salbehe).

29 03 2010
runmdrun

feeling ko bagay tayo maging boy and kris!hehehe ikaw si boy… ako si kris?! ๐Ÿ˜€

29 03 2010
salbehe

Huwag mo akong hamunin, kaya kong maging boy. ๐Ÿ˜›

29 03 2010
Animsรจ

hehe, ayus! kulit nun ah?.. buti boy and kris lang, haha! buti hindi nio sinama sila Ai-Ai, Ruffa, at Cristy Fermin… hehe.. Biro lang…

29 03 2010
themizpah

napadaan lang po at natatawa ako sa mga taxi driver sa manila… sa kinalakihan kong lugar walang taxi, puro jeep at tricycle lang

dito naman sa kinalalagyan ko now iisa lang ang description ng mga taxi drivers… mag gask mask or face mask…eheheh

Be blessed sir!

29 03 2010
runmdrun

salamat sa pakikipaghabulan, mizpah!

๐Ÿ˜€

29 03 2010
Animsรจ

abangers sa comments si MD.. haha! ang bilis mag reply! ๐Ÿ˜€

29 03 2010
runmdrun

paalis na nga eh… ๐Ÿ˜›

baka ma-late pa ako nito… sana matino driver ng taxi na masasakyan ko… kaawaan niyo na… naka all black pa naman ako ngayon, baka saniban ako at makaaway pa ako ng isa pang driver… lunes na lunes eh.. ๐Ÿ˜€

29 03 2010
themizpah

pwede ka bang ma-add sa link sir?

29 03 2010
runmdrun

sure, kuya mizpah… hahanapin ko nga sa wiki ang ibig sabihin ng mizpah… alam ko may kinalaman sa paa yan eh.. ๐Ÿ˜€ biro lang po… in-add na rin kita… salamat ๐Ÿ˜€

29 03 2010
Animsรจ

God bless sa iyo… Kung hindi man sa Driver… ๐Ÿ™‚

29 03 2010
themizpah

@kuya md
salamat po sa pagsang-ayon mong mailagay kita sa aking link, sige po hanapin nyo sa wiki… ingatan po kayo ng ating Diyos sa pagpasok.
akala ko doctor po kayo?.!

@kuya animse
pati pala si kuya md ay nalilito rin sa mga maskara…

29 03 2010
Animsรจ

haha! ganun ba?.. hmn.. maskara lang yan.. hayaan niyo nah..

Si MD ay hindi doctor..

ang ibig sabihi ng MD ay…

Manggang Dilaw… ๐Ÿ™‚

30 03 2010
runmdrun

@ mizpah… sabi ko na nga ba’t may isang magkakamaling mag-akalang doktor ako… and dinodoktor ko ay mga pirma ng magulang ko noong bata pa ako… ๐Ÿ˜€

@animse, MD stands for Manong Driver… nakalagay na nga sa title eh.. hindi pa na-gets… hina naman ng brainwaves… peace ๐Ÿ˜€

30 03 2010
themizpah

@kuya md
na i-wiki nyo na pu ba? pasensya na kung napagkamalan ko kayong doctor, ehehehe

30 03 2010
Animsรจ

Mango Dried?…

30 03 2010
runmdrun

mizpah, ito na ang kasagutan sa iyong mga katanungan… http://en.wikipedia.org/wiki/Mizpah

30 03 2010
themizpah

akala ko kuya md hindi ka seryoso na hanapin sa wiki

30 03 2010
runmdrun

nyeh! op course…

30 03 2010
themizpah

salamat nga pala kuya md at inihatid ka ng iyong mga panyapak sa aking lungga!

29 03 2010
dakilang tamad

ayoko ng mga taxi drivers na parang sadyang binabagalan ang andar, yun pala may ginagawa nang pandaraya.

30 03 2010
runmdrun

napansin ko rin yun…

“Kuya, try nating bagalan nang konti pa. Nabe-bend na natin ang time and space eh.” ๐Ÿ˜€

30 03 2010
aninipot

hmmm, ako di nagtataxi… kung pwede nga lang lakaran na lang…go ako…hahaha
malapit lang kasi ang tinitirhan ko sa office kaya wala pa akong nakasagupa sa mga nailista mo…di ko kasi madifferentiate ang pagkaka-iba nila…haha

30 03 2010
runmdrun

ikaw na… ikaw na ang office girl… hehe
kainggit ka naman… tatambling ka lang nasa office ka na… hayaan mo, malapit ko na mabili ang global city… ๐Ÿ˜€ salamat sa pakikihabulan…

31 03 2010
beeftapa

Isa lang gusto kong tipo ng driver ung racer. wahahaha! kase nagtataxi lang talaga ko pag nagmamadali na o kaya galing sa activity (work maghapon tapos kinabukasan na uuwi). Paminsan minsan taxi din pag bago ako sa lugar. Lahat ng nabanggit mo nasakyan ko na din. Kasama na ba sa commentator type ung mga epal na driver? ung parang alam lahat sa mundo? nakikisabat sa usapan ng pasahero? Madaming beses na din ako nakasakay sa mga hybrid commentator-parent. Dadaldalin ka ng husto at paghinto papatayin ang metro sabay singil “250 lang boss” samantalang ang normal ay di aabot ng 200 kasama na traffic!!!

tumataas dugo ko. wahahaha!

31 03 2010
runmdrun

relax lang…

yung mga epal drivers ay pwede rin sa mga uzi, since maraming rebuttals and follow-up question kahit hindi sila yung kausap mo in the first place…

akala ko nilamon ka na ng karagatan kakapichoor mo ng beach eh…
hehe

๐Ÿ˜€

1 04 2010
addictedtogreenbellpepper

nakaka-relate ako dito.. mahilig din kasi ako magtaxi dito sa sg naman..
sa pinas bihira lang kasi bihira lang naman ako nasa pinas.. wehehe..

madalas ako nakaka-encounter ng mga makwentong drivers.
minsan ala ako sa mood makipagkwentuhan buti na lang mga 5mins lang byahe ko from work to house. minsan nakakairita, minsan naman nakakatuwa.

me ipo-post din ako about taxis.
more on bakit nagtataxi ako lagi.. next week na siguro.. tamad pa ko sumulat..

thanks for sharing.. naaliw na naman ako.. ๐Ÿ™‚

2 04 2010
duking

hahaha!nice MD…eto na siguro ang pinaka kumpletong list ng different kind of taxi driver.In fairness to the class…may mangilan ngilang matapat sa kanila.eto yung nagsasauli ng naiwanang bag/wallet sa kanilang taxi.

ang husay…kaya pala absent ako dito…kase….

hindi kita nalagay sa blogroll ko…ilalalgay kita for my own sake!

2 04 2010
runmdrun

aba, dapat lang… ginawan na kita ng kulto ah… dukingers ang official name… pero kapag pinabago mo ok lang… TNT!

14 04 2010
MARIAN

ang ganda nito! GRABE! sobrang napatawa moko! hahahaha! LOL! tama ka tama lahat!

9 08 2010
Chiclet

Ahahaha! I love it TL!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: