Back to the Cross

3 04 2010

Dahil sa napapanahon, magdadrama muna ako. Sa mga fans ng “Rant, MD! Rant!” Next week na lang po ulet tayo ah. Sa ngayon ito muna. Paumanhin din sa mga nagugulat na may tugtog na ang Run, MD! Run! Pwede naman pong i-pause or lumipat ng ibang page. Pero please, i-pause niyo na lang muna. Salamat sa pagtangkilik sa Run, MD! Run!

Dinalaw kong muli ang dati kong blog. Nagulat ako na ang dami ko rin palang naisulat duon (bukod sa mga lyrics). Mas nagulat ako kung paano ako magsulat noon.

sa gitna ng mga nag-iindakang mga ilaw…
sa gitna ng maligalig na tugtugin…
sa bawat hiyawan at halakhakan…
may kalungkutan…
kalungkutang hindi tiyak ang lunas

minsan hindi lang natin napapansin…
kapag nalaman nating hindi sapat ang sapat, saan tayo kukuha ng pag-asang makamit ang sapat na?

ang kalungkutan ng pag-iisa sa piling ng karamihan…
ang kalungkutan ng pagkukulang sa kabila ng karangyaan…
ang kalungkutan ng hinagpis sa pagdiriwang…

kalungkutan, ang ugat ng maasim na bunga ng pagkakuntento

minsan sobrang “saya” na natin sa gitna ng patay-sinding mga ilaw,
umuusok na masikip na silid, at nag-uumapaw na mga inumin, hindi natin napapansin na hindi natatapos ang kakulangan sa kabila ng dami ng ating nakakamit.

“i’ve seen enough but it’s never enough”

Yan lang ang naiisip ko habang nasa loob ako ng club. Paulit-ulit. (at nakakatuwa kasi ingles na ako ngayon mag-isip!) Umorder ng sangkaterbang beer, sandamakmak na pulutan, katakot-takot (well, i’m exaggerating) na pakete ng sigarilyo, pero pansin ko na hindi pa rin natatapos ang pag-hahanap sa sukdulang pagka-kuntento. Sumayaw man hanggang sa maghiwalay ang mga balakang  sa spinal cord … Maghiyawan man at maghalakhakan hanggang sa murahin ng lalamunan… kapansin-pansin pa rin na bumabalik sa upuan na malungkot. Obviously, although having the time of my life sharing drinks, laughing and all that associates what was popularly conceptualized “good times”, but nothing would ever seem to satisfy the hungry soul.

free will

Yan na siguro ang pinakamagandang regalong natanggap ko. Ito na rin siguro ang pinakainabuso kong pagkakataon. Sayang ang panahon, oras, lakas, luha (drama?!) at salapi! Pero sa kinahinatnan ng katigasan ng ulo ko, wala din akong napala. Ngayon ko naisip: nasa’n na yung mga ginastos ko sa ilang gabi ng pakikipag-inuman? Ano ang napala ko sa panlilimos ng pansin sa pamamagitan ng pag-lulon sa sarili ko sa mga bisyo?

Minsan kasi hindi lang natin nakikita, nasasaktan na tayo pero pinipilit pa rin nating yakapin ang mga tinik na sumugat sa atin sa kabila ng mga kamay Niyang naghihintay lang na abutin mo para lang hindi ka na masugatan pa. Pero wala Siyang magagawa, ikaw na mismo ang nagsabi “buhay ko ‘to, alam ko ang mga bagay na nakakasama sa akin at alin ang hindi!”

Kung ako siguro ang sasabihan mo niyan, sinigawan na kita ng, “sige! bahala ka sa buhay mo, magsawa ka. Wag kang babalik sa akin na lumuluha para sisihin ako sa mga ka-engotan mo sa pagdedesisyon.”

Buti na lang, hindi ako ang God. Kundi, patay na rin ako siguro. Kung matigas na ang ulo mo noon, subukan mo ako.

Sa bawat puso may isang sisidlan… sisidlan na hugis Diyos. Pinuno natin ito ng mga bagay na iniisip natin na kailangan natin. pero kapag nakita natin na kulang pa rin ang mga bagay na ito, agad nakakapanlumo. Kapag lumapit naman tayo sa Diyos para punuin tayo, hindi na maaari. Bakit? kasi hindi na Siya kasya. matatandaan mo na nasa hugis Niya ang sisidlang iyon, at tanging Siya lang ang makakapuno nito. Ngayon kailangan mo alisin ang mga bagay na pinang-puno mo sa iyons sisidlan. Mahirap ito, alam ko. pero ito ang masasabi ko sa iyo, hindi ka lugi. With God to fill your life, there’s nothing to lose, but everything to gain.

Mahal ka ng God. Akala mo lang hindi

Advertisements

Actions

Information

10 responses

3 04 2010
themizpah

At the cross I bow my knees
Where your love was shed for me
There’s no greater love than this
You have overcome the grave
Your glory fills the highest place
What can separate me now?
You tore the veil
You made a way
When you said, that it is done
—hillsong

Tama lahat ng iyong nabanggit kuya MD, Akala lang natin hindi Nya tayo mahal, pero mahal na mahal nya tayo!

4 04 2010
Animsè

My people have done two evil things: first they have forsaken me, the fountain of living water, second: they have dug wells, and create crack cistern which can hold no water at all… – (hindi ko matandaan kung anung verse to.. just drag and dropped from my memory) …

Aun.. na miss ko na itong kantang ito ah?… thanks for posting MD.

Haha! Emo Suicidal pala ah?.. kahit na maglagay ka ng disclaimer bago ang post mo na to: I could still see the “son’s heart” in you, hehe, hindi mo matatalikuran yun!

Basta: When all else fades, I know your soul will still dance with Him, Where the Love last forever… 😀

8 04 2010
runmdrun

“So I’ll throw my life upon all that You are Coz I know You gave it all for me…”

peborit ko yang kantang yan ah…

8 04 2010
Animsè

alam ko.. haha! kinanta mo pa nga yan di ba?.. hehe…

6 04 2010
J. Kulisap

Salamat sa pagpapaalala mo na mahal ako ng Diyos.

Salamat

8 04 2010
runmdrun

love ka naman talaga ni Bro eh… bukod sa siya ang star ng pasko, siya din ang magbibigay sa’yo ng kabuuan ng kaligayahan…

salamat sa pakikipaghabulan…

7 04 2010
duking

magandang araw MD…

sapat na ang munting sinag ng ligaya paminsan minsan.kaunting kapayapaan,hindi na masama.ang mahalaga siguro,ang kahandaan at hindi pagsuko sa buhay.

8 04 2010
runmdrun

tama ka diyan, duking.
Although hindi naman masama ang panandaliang aliw, nagiging harmful lang kapag ito na lamang ang nagde-define ng kaligayahan mo sa kabuuan.

salamat sa pakikipaghabulan….

8 04 2010
aninipot

tama ka, kahit sya lang kuntento na ako…
di nakakatakot ang mag-isa, kahit walang halakhakan mula sa mga kakilala, pananahimik na sya ang sandalan ay sapat na… maganda MD.

8 04 2010
runmdrun

salamat sa pakikipaghabulan anini… ang tunay na kapayapaan ay nalalaman sa mga pagkakataong ikaw na lang mag-isa at wala ang mga pinanghahawakan mong materiyal… ikaw lang at ang iyong Manlilikha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: