Ako… Ako… Lagi na lang ako!

12 04 2010

[An ode to Glee’s Season 1 Finale episode]

Finn: But that’s not fair! Why does it always come down to me? Why do I always have to be the bigger man?

Mr. Schuster: Because sometimes being special… sucks

Finn: I just want everything to be like… like it never happened, you know?

Mr. Schuster: Well, Finn… you can’t always get what you want!

Noong bata ako, madalas akong umiiyak hindi dahil sa inaway ako pero dahil sa ako ang tama. Lumaki ako sa mga salitang: “Hayaan mo na” or “Ganyan talaga”.

Pinakamalala noon nabugbog ako ng pinsan ko. Lasing siya at gabi na ako umuwi. Tanggap ko ang mali ko noon dahil sa gabi na ako umuwi. Pero dapat bang bugbugin ako ng pinsan ko hanggang sa magdugo ang buong bibig ko? Black and blue ang buong katawan ko pero ang malala kinampihan siya ng lahat ng tao sa amin. Sobrang galit ko noon, naglayas ako sa araw ng pasko.

Tumawag sa akin ang mama ko noon. Galit na galit. Sa galit ko ito ang sinabi ko: “Ako ang anak niyo, hindi niyo ako kinampihan? Kung namatay ako noon kakampihan pa rin ba ninyo ang pinsan kong wala nang ginawang tama kundi maglasing at mag-basag ulo?” Hindi makasagot ang mama ko.

Pagbalik ko, kinausap ako ng tiyuhin ko – bunsong kapatid ng mama ko. Malamang kinausap niya ako dahil nasabihan ni mama. Magkalapit lang kasi ang edad niya sa amin.

“Hayaan mo na. Wala tayong magagawa. Hinabilin ka ng mga magulang mo sa nanay ng pinsan mo.”

Upang hindi na humaba ang usapan, umayon na lang ako. Pero sa loob ko nagsusumigaw:

“Bakit lagi na lang ako ang dapat umintindi?”

Lumaki akong matinong bata. Wala akong kahihiyang binigay sa pamilya namin. Hindi ba dapat kahit minsan lang, ako naman ang intindihin… ako naman ang kampihan.

Pero wala akong magagawa. Hindi lahat ng gusto ko makukuha ko.

Hindi iikot ang mundo para sa akin. (teka, linya ko yan noon ah :D)

Being the bigger person indeed really sucks.

You can’t always get what you want.

You get what you need.

Advertisements

Actions

Information

40 responses

12 04 2010
Vajarl

Let’s look at it this way, people are expecting those people who are capable of understanding things that are hard to explain to understand. Take that as a compliment, a compliment that comes in a package full of crap with an imaginary-level of expectations ribbon. :p

Anyways, I love Glee. 🙂 New episodes will start this month, so hey! Another reason to celebrate! 😀

At ang mga lasenggo dapat ang binubugbog. Tulungan kita?

Hi MD. 🙂 Napadalaw lang with matching transform pa sa paniki. Hehe.

12 04 2010
runmdrun

glee starts in ETC this week, april 14 to be exact… hehehe

anyhow, sa ngayon hindi ko na kailangan ng tulong mula sa mga lasenggo… sabi nga nila, if you can’t beat them, join them… joke lang…
umiinom ako pero at least, sarili kong pera ang gamit ko!

salamat sa pakikipaghabulan! 😀

13 04 2010
Vajarl

Mas masarap uminom pag libre. 😀

13 04 2010
runmdrun

oo naman @ vaj… what i mean is hindi ko hinihingi sa mga magulang ko ang pambisyo ko…

ang mas masarap yung inuman na hindi ka agad nalalasing tapos masarap ang usapan… mahaba-habang inuman hehe

12 04 2010
themizpah

base.. basa mode

12 04 2010
themizpah

wow! ganda nito
nakakarelate ako ng konti
sa bahay namin noong mga bata pa kami kapag nag-away kami ng mga kapatid ko or mga pinsan ko ang rule ay lahat kami mapapalo tapos i-eexplain ni nanay kung bakit, pero yung sayo na binugbog ka ay parang sobra yun.

“Hayaan mo na. Wala tayong magagawa. Hinabilin ka ng mga magulang mo sa nanay ng pinsan mo.”–KUYA MD NALITO AKO DITO (pasensya na mahina ang pick-up ko)

naging parte na ng buhay natin na madalas tayong nakakintindi ang umuunawa, tayong mas nakakaabot ang magbigay pa ng kaliwang kamay samantalang inabot na natin ang kanan, tayo ng sinampal sa kanang pisngi ay handang magpasampal pa sa kanan.

kasi mabuti kang tao kuya MD, likas sa iyo iyon…

God bless

12 04 2010
runmdrun

ay, mizpah… welcome to my jaded childhood…

dun sa gusto mo ipa-explain.. nung nag-abroad ang parents ko, hinabilin kami ng mga magulang ko sa eldest sibling ng mom ko… which is mom ng pinsan kong lasenggo… hehe

speaking of sampal, nasampal na rin ako… ginawa ko pinasampal ko yung kabilang cheek… pero mahabang storya yun… nakalimutan nko na nga eh.. hehe salamat sa pakikipaghabulan… 😀

13 04 2010
themizpah

ibig sabihin nung tumawag si mama mo nasa ibang bansa siya? tama ba?

basta mabait ka!

13 04 2010
runmdrun

uu, kuya mizpah! wait, hnlabo yata ng tagalog ko ah…hehhe

salamat! 😀

13 04 2010
themizpah

gets ko na ngayon…

eh kung mangyayari ulit iyon (or may manakit ulit sa iyo) kuya MD anong gagawin mo?

13 04 2010
runmdrun

wala na ulit mananakit sa akin… kung mayron man, as in physically, gaganti na ako… lalaban… buong buhay na akong nagpapaapi (tulo luha)… biro lang 😀

isa ring natutunan ko sa buhay, never start a fight… finish it!

13 04 2010
themizpah

kagaya ng pagtakbo mo, nating lahat… kailangan nating tapusin…

Galing mo kuya MD! ano ang MD kuya (initials mo, disorder, propesyon, bukasyon) seryoso?

13 04 2010
???

MD.. ilang taon ka nito?.. hmn. above twelve?.. nagpapa bugbog ka pa?…

14 04 2010
runmdrun

@ Mizpah: MD stands for… sikreeeet! sikretong malufit!
Pwedeng, Maharlikang Dugo, or Mukhang Duguan, Mukhang Danggit, Maagang Dumilat, Maraming Dahilan… yoko na dagdagan, alam ko namang marami rin maidadagdag si Yvarro para mang-asar hehe

@ Tatlong Tandang Pananong (???)… yoko nga sabihin… pagtawanan mo pa ako…

14 04 2010
themizpah

o cge na nga ako ng bahala kung ano ang ibig sabihin ng MD.

12 04 2010
???

Hindi iikot ang mundo para sa akin. (teka, linya ko yan noon ah 😀 )

– hahaha! buti naalala mo yang linya na yan..

pero you know what…

mas emo pa tong post na ito kaysa sa akin..

-melaminecholic.

12 04 2010
runmdrun

wala pa ring tatalo sa pagka-emo-suicidal mo noh… hehehe

12 04 2010
???

wuzjhuh?… prove it! 😀 hahaha!! medyo nakalaya na ako sa mga maskara ni Animsè at ni Vary.. Tignan natin kung makakapalag ka sa akin downg… 😀 hahaha!!!

12 04 2010
duking

magandang araw MD…

hindi ko pwedeng sabihin na ganyan din ako sayo eh pero in some sort,parang parehas.yung ikaw ang laging hinihinging umunawa sa mga kapatid at kamag anak kung nagkakaroon ng sigalot sa mga pagitan nyo.tama si vaj,kompliment na kalokohan yung dating sa akin.sa bagay naman na may kinalaman sa bugbugan,defend yourself at all times ika nga sa boxing,mas lalo kung yung pananakit ay nakakasira na ng higit pa sa pisikal na katawan.

get away,runMDrun kapag naging ganyan na ang sitwasyon!

13 04 2010
runmdrun

nakasapak rin naman ako… but for someone like me who can’t hurt a fly, puro sa mukha lang ang natamaan ko… hindi ako masyadong makabwelo kasi bulagta na ako sa sahig nuon eh.. pero at least naka limang sapak din ako… tapos nun, lumayas nga ako.. at ngayon, mas mayaman pa ako sa kanilang lahat… biro lang yung huli hehhe

14 04 2010
duking

mahilig ka ba sa mix martial arts?dapat tignan mo yung mga teknik don kapag nasa sitwasyon ka na nasa ilalim na.hahaha!!!

at least you have prove yourself in many ways against them.runMDrun talaga kapag nasa piling ka ng mga taong hihilahin ka lang pababa.

14 04 2010
runmdrun

@ Duking, hanggang mix lang ang alam ko… lumaki ako na ang alam ko eh kapag nanakit ka ng iba, bad yun… daig ko pa si Santino… Hindi makabasag pinggan (nakakasira lang ng mga gamit unintentionally, talent ko yata :D)

Salamat, salamat, duking sa palagiang pagdalaw sa aking abang tahanan…

13 04 2010
aninipot

hmmm, ang saklap naman nun…kung ako malamang di talaga patatalo, mahina man sa sapakan… eh di sa DSWD… parang ang dali ng sinabi ko no?…

actually di ako masyadong akarelate, wala kasing nagbubugbugan sa bahay….

pero agree ako kay vajarl stupidong compliment minsan na intindihin na lang dahil ikaw naman ang kayang umintindi, pero naiisip kung mas kelangan paintindihin ang mga taong nagsasabi nun, sila kaya ang sapakin…kelan titino ang mga taong nam-bubully if walang aalma…walang magpapakita na mali ang ginawa nya.. to the expense na bubugbugin ka, di ako agree sa ganung bagay, ang simpleng pagkakamali ay kayang daanin sa usapan.. kung ayaw makinig di resbakan nalang..haha

13 04 2010
runmdrun

at uhm sa edad ko nun, parang hindi na ako tatanggapin ng Bantay Bata or ng DSWD… tatawanan lang nila ako… hehehe

resbak tayo! ikaw mauna ah.. makikisapak na lang ako hehehe

14 04 2010
J. Kulisap

Lalo mo akong pinalulumbay MD.

yakapin mo nga ako, kailangan ko ‘yan ngayon. Magyakapan na lamang tayo.

Mahirap makisama at tumanaw ng utang na loob sa mismong kadugo pa natin, mas maigi pa sa ibang tao, dalisay ang pagkalinga.

Maging mabuting tao ka pa, dahil sa hindi ka talo sa puntong ‘yon.

Mas masakit tingnan ang taong marunong manakit ng pisikal dahil nakakaawa siya, dahil para sa akin isa siyang walang kwentang tao na dapat tinatanggal ang bayag at pinapaarawan para matuyo.

14 04 2010
runmdrun

huwag kang malumbay para sa akin lolo kulisap… hindi na ako muli pang masasaktan ng ganun… tsaka, sabi ko na nga ba magiging ikot ng mga comments eh sa pambubugbog sa akin eh… hehehe

pero natuwa naman ako sa concern mo… salamat, salamat!

15 04 2010
J. Kulisap

Di matuwa ka, dahil hindi ka na masasaktan.

15 04 2010
runmdrun

parang galit ang comment mo, lolo Kuli?!

17 04 2010
J. Kulisap

Hahaha, depende kung nais mong basahin na galit yan. di ganun nga pero kung babasahin mo na parang praning ka, eh di praning ka.

Hellow lang naman sasabihin ko eh.

May nanalo na ba sa poke poke natin?

anong score natin?

17 04 2010
???

o di ba?.. habang tumatagal.. parang lalong nagiging cheesey?.. hahaha

anku. nauumay yata ako..

tubig nga.

19 04 2010
runmdrun

ganun ba?

uhhm… dapat ba ako’ng mag-score sa poke? aba, ang rule lang, walang aayaw… kapag umayaw, talo… hehehe

18 04 2010
J.Kulisap

??? huwag kang mapang-apoy, nagmamahala na kami ni MD. di ba MD, tagal na kaya.

Pero habulin nya muna ako, habulin mo ako MD, tago ako ha?

15 04 2010
beeftapa

ang unfair naman ng nangyaring un. ako, basta alam kong tama ako, lumalaban ako. ugali ko na talaga na wag magpaapi. yan kase bilin ng mama ko dati. basta daw timbangin ang sitwasyon at pag tama ka, lumaban ka 😀

15 04 2010
runmdrun

aay, kuya bip! yan ang Soap Opera ng buhay ko… bubula ang bibig mo sa inis kung bakit ko hinayaang mangyari ang mga bagay na yan… pero sa lahat ng iyan, nag-contribute kung sino ako ngayon… matapang… hindi paaapi… lampa pa rin, pero at least marunong na mag-commute… hehehe

salamat sa pakikipaghabulan kuya beef

16 04 2010
eloiski

wahahaha. ako kasi madalas ano eh. bale panganay kasi ako so ako na lang daw umintindi sa mga kapatid kong malilikot. naiiintindihan ko naman kaso heto’t medyo lumaki na sila. nakakaasar talaga. pero ayos lang kasi kinakampihan naman ako ng mga magulang ko. alam naman nila kung sino talaga ang nagkasala which is good. tinitimbang nila kung ano ba talaga. basta ganun. hakhak!

16 04 2010
runmdrun

isa kang gifted sa pagkakaroon ng isang pamilyang mapang-unawa… ampunin niyo nga ako… joke lang.. 😀

salamat sa pakikipaghabulan eloi

16 04 2010
bonistation

mahirap naman talaga yung ganung sitwasyon.. hays, but those were the days, how are you now?!

16 04 2010
runmdrun

ayos naman ako ngayon, kuya boni… those were the days, indeed. hindi na ako ngayon nagpapaapi. nasa lugar pa rin naman pero yung mga kagaya ng sitwasyon na yun. kamusta kuya boni?

salamat nga pala sa pagdalaw at pakikipaghabulan…

25 04 2010
J. Kulisap

Kamusta?

Salamat sa iyong kontribusyon sa Juan Wala ng bawian.

Nagustuhan ko.

25 04 2010
runmdrun

mabuti’t nagustuhan mo kuya kulisap… salamat rin po sa inyong pag-unawa sa matagal na panahong hindi ako makapagbahagi ng aking mga takbo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: