Tay Masyin

2 05 2010

Which point in time would you like to go to?

Nabuo ang ideya ng Time Travel noong 19th century – Rip Van Winkle to name a few. Although bago pa masimulan ang konsepto ng time travelling back in time, may ilang reference sa Hindu Mythology kung saan naglakbay naman sila sa hinaharap. (Please disregard any historical inaccuracy)

Ano’ng punto nito?

Nagsimula akong magtanong sa mga tao kung bibigyan sila ng pagkakataong pumunta sa kahit saang punto ng panahon, mas maraming gustong bumalik sa kanilang nakaraan. Madalas, mga gustong bumalik sa High School para ayusin yung grades nila. Isa na ako dun!

Marami akong ginawa sa nakaraan na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. Mga bagay na bigla na lang ako’ng napapa-palm face kasi so sobrang nakakahiya or nakakabuwiset na naiiisip ko kung bakit ko ba nagawa. Or mga bagay na sana ginawa ko.

Everyone wants to go back in time to perfect or correct something that didn’t go in their favor in their past. We don’t realize that by having those days or that imperfect time in your life brings glory to those other days or point of time in your life that you did something right or everything went in your favor.

Sa buhay ko ngayon, natutunan ko na pointless na pagsisihan ko ang mga bagay na nakaraan na. Kung wala ang mga bagay na iyon, mapa-pangit o sobrang ganda, sa buhay ko, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Although setting aside the drama, isa ring point in time na gusto kong puntahan ay yung Trojan Condoms War. Yung point na niregaluhan ng Achaeans yung mga Trojans ng Trojan Horse. Dun lang ako sa gilid tumatawa, “Wahaha, hindi nila alam may mga soldier sa loob nung horse!”

Ikaw, which point in time would you like to go to?

Advertisements

Actions

Information

37 responses

2 05 2010
Vajarl

College. Nagkamali ako ng mga taong nasamahan. Hindi dahil napariwara ako, kundi dahil ngayon wala na sila sa buhay ko dahil mas pinili nila ang tatanga tangang i don’t want to start. Hahaha.

Anyways, palagi kong iniisip yan. Kasama na ren ang pag teleport at pag stop ng time. Minsan inaabot ako ng isang oras kaka imagine lang ng mga gagawin ko.

Halata bang hindi ako masyadong busy? Haha

2 05 2010
runmdrun

haha, isama mo na rin ang mga super powers na gusto mong magkaroon… marami rin akong mga katangahang ginawa nung college… pero kung pinagbutihan ko siguro nung college, isa ako ngayon sigurong chemist! hehe

dahil jan, base ka!

13 05 2010
Vajarl

Kungreshemeleyshens to me! Haha.

napansin ko lang, ang seryoso ng comment ko. Nakakadiri. Haha.

2 05 2010
themizpah

2nd base!

pareho tayo na ayoko na ding balikan ang mga pasts, they were just as good or better at present times.

pero dahil nagtanong ka heto ang sagot ko:
gusto kong bumalik dun sa garden of eden para malaman kung anong fruit iyon at tingnan ang itsura nung serpent nung hindi pa siya kinurse na gumapang.

outside bible naman gusto kong makarating sa Marcos Era.

2 05 2010
runmdrun

pong, alam naman ng lahat na dalanghita yun… biro lang..hehe

tama, oras ang sasayangin kung puro nakaraan na lang.

2 05 2010
themizpah

sayang talaga ang oras kapag binabalikbalikan ang nakaraan. Mangyari pa gawin ang mga ito bilang basehan ng improvement, parang history.

2 05 2010
???

O kumusta naman yon?… Mag post ba ng Linggo?… Hindi tuloy ako nala pers isbeys.. 😀 hahaha!!!

Kulet, time maching…

Hindi ako babalik sa time, bagkos.. gusto kong makita kung anung pwedeng mangyari after 10 years.. 😀 hahaha!!! gusto kong makita ang sarili ko sa future.. parang yung sa meet the robinsons?…

2 05 2010
runmdrun

tapos mo ma-meet ang robinsons, babalik ka sa present time at ikukwento mo sa amin na ang mga anak nila robinsons ay sila galeria, place, pioneer, ermita, atbp…hehe

sa totoo, iilang piraso na lang kayong gusto pumunta sa future..

pakitignan naman kung sikat na akong artista o terorista sa future…

at kung matabang baboy ako sa future, pakibigyan ako ng heads up para tumigil na ako kaka-yosi at panindigan na ang pagtakbo…hehe

5 05 2010
J. Kulisap

Uy si Md, nag-aIloveu na, iba na yan, parang may malisya ka na eh.
ahahaha

5 05 2010
runmdrun

sinimulan mo… tatapusin ko…hehe

baket naman?! labs ko naman lahat ng mga nakikitakbo dito eh…

so you now know what it feels like kapag ginaganyan mo ako sa bahay mo?!hehehe

6 05 2010
J. Kulisap

NFC.

Nope, mas kinikilig ako. Maharot ako at hindi ko itinatanggi ‘yan.

Kung mahumaling ka sa kamandag ko Utoy, ‘di ko na kasalanan yan ha.

6 05 2010
runmdrun

NFC? Navotas Fried Chicken?

ako mahumaling?! Malabo!

I invented this game!

Game on! hehehehe

2 05 2010
J. Kulisap

Wala na akong dapat balikan sa nakaraan ko, baka kapag binigyan ako ng pagkakataon, maging mali ulit ang kalabasan, mas nananabik ako sa bukas na nakalaan sa akin, sumisirko, tumatakbo, lumiliko, nakakanabik, nakakaasar, nakakalungkot pero maraming oras para maging masaya.

3 05 2010
runmdrun

bilib ako sa optimism mo… minsan nasabihan ako na ang mga bata yung madalas excited sa future, kaya madalas nakaupo sila sa harap ng bus. Yung mga elder naman contented na lang sa nag-daan kaya mas gusto nila nakaupo sa likod ng bus.

3 05 2010
J. Kulisap

When you reached the mid-life crisis, you’ll begin to appreciate your life.

Regardless of the achievements or failure, doesn’t count anymore.

3 05 2010
runmdrun

so inaamin mong ganun ka na katanda, lolo kuli?

5 05 2010
J. Kulisap

I’m not denying it honey.

Age is only numbers, what matter most is the fact that as you grow older, you have learned and appreciated life’s worth.

5 05 2010
runmdrun

ok po… wag ka na magalit… joke lang naman po.hehe

Age is only a number… nasa dugo lang yan 😀

Peace kuya kuli! ahlabyu! hahaha

3 05 2010
yiN

Ako gusto ko makita ano ako 10 years from now para alam ko gagawin ko ngayon!
Babalikan ko naman yung last week na hindi ko nakausap yung isang kakilala kong umalis na!

3 05 2010
runmdrun

ay, greedy… forward and backward in time… hehe

good yan ah, maganda rin mapuntahan ang future para alam na natin agad kung ano mangyayari… pero isipin mo pa’no kung nagpunta ka ng future tapos wala na palang future… wala nang mundo… makaka-receive ka ba ng error message sa time machine o dadalhin ka pa rin niya sa future?

4 05 2010
salbehe

Alam ko cheesy shit ito, pero gusto kong balikan yung Elem days ko. Valedictorian ako nun, pero sana naglandi na lang ako. Kakakita ko lang ng FB ng ka-MU ko nung Elem-HS, may asawa na sya, may anak, etc. Argh. Basta.

5 05 2010
runmdrun

ok na yan, kaysa naman sa hindi nga Valedictorian, naglandi ka nang maaga tapos lumobo ang uterus mo.. hehe

isipin mo na lang it’s for the better… malay mo, serial killer pala siya or nambubugbog ng asawa…

5 05 2010
aninipot

ako naman last year lang ang gustong balikan nung review sa board…gusto ko lang batukan ang sarili ko na sana mas i-double pa ang effort…haays! nanghihinayang talaga ako na di umabot sa top… pangarap ko kasi talagang maging board exam topnotcher kasi pabandying-bandying ang ginawa ko sa review…kahit additional ng dalawang oras sa usual 5 hours review ko… haays! ito na naman ako, di parin makaget-over sa result…pano kasi nagtop ang friend ko…pakonswelo di bobo ko nalang na twice naman syang nagreview… pero hanga ako sa disiplina nya…sana ganun ang ginawa ko.

5 05 2010
runmdrun

aww, I feel for you, anini… being on top doesn’t always equate to happiness or fulfilment, isa rin yan sa mga natutunan ko..

pero at least you learned something from it…

don’t worry, i’m sure proud pa rin sa’yo ang parents mo… mabuhay ka!

6 05 2010
kayedee

gustong gusto kong balikan yung grad ng high skul para sana pinag isipan kong mabuti ang kukunin kong course ng college which i didnt! xdo ko lng inenjoy ang buhay kya hnd ako kumuha ng mas professional na course..haizzz

pdaan runmdrun:)

6 05 2010
runmdrun

haaay, sinabi mo pa, kayedee!

bakit, anu ba course mo?

ok lang yan, at least kung titignan mo ang buhay mo, makikita mo na nag-enjoy ka. hindi lahat ng tao masasabing na-enjoy nila ang kabataan nila.

7 05 2010
kayedee

electronics en telecom..
oo nga nag enjoy nga aq nuon pero wala nmang npalang maganda sakin ngyun 😦

kya nga eh.. mag imbento k nga ng time machine pls.. eheheh

7 05 2010
J. Kulisap

Invent na. Ano tawag mo sa akin?

Game na. Gusto ko ‘yong talagang kikiligin pati himaymay ng aking katinuan.

7 05 2010
bertcontrol

dun na lang sa puntong ginagawa pa lang ako ng mga magulang ko.
panibagong ako, panibagong laro, panibagong takbo ng kapalaran.

hindi ko ata naintindihan ang mga sinabi ko.

haha

8 05 2010
runmdrun

hmmn, good point! I get it!

pero ang sa akin, kung uulitin ko man ang buong buhay ko, gusto ko pa rin ang ending kung ano man ako ngayon… parang masaya lang na ulitin muli ang lahat… parang pagkatapos ng isang roller coaster ride, sisigaw ka ng “Again… again… again!” habang tumatalbog-talbog pa sa upuan..hehe

salamat sa pakikipaghabulan!

9 05 2010
bertcontrol

napakadami talaga nating mga choices, ang mahirap makita e mga consequences..

“parang pagkatapos ng isang roller coaster ride, sisigaw ka ng “Again… again… again!” habang tumatalbog-talbog pa sa upuan” –gusto ko tong sinabi mo. hehe

8 05 2010
jason

ilang ulit kong binasa ang title…

timE MACHINE pala to! hahahah

naalala ko yung time traveller’s wife. napanood mo yun/nabasa?

kung babalik ako ng panahon, babalikan ko yung time na hinatak ko ang kapatid kong bunso mula sa headboard ng kama na dahilan kung bakit may alupihan scar sya braso

T_T

8 05 2010
runmdrun

aww! ano naman kasi nasa isip mo’t hinugot mo ang kapatid mo? pero, at least may cool scar siya to brag about!

napanood ko yung time traveller’s wife… pero yoko naman na pag travel in time ko, hubo ako!hehe

10 05 2010
jason

bata pa kami masyado nun taon ng mga kakulitan. hahaa

awts.. ok lang may batang babae naman na mag-aabot ng damit mo hhoho

9 05 2010
themizpah

A blessed mother’s day sa mama mo kuya at sa mga tumatayong mama sa buhay mo.

Be blessed!

13 05 2010
Vajarl

Yo yo yo! Goodmorning MD! 🙂

14 05 2010
runmdrun

yo yo yo, vaj!

good morning, din! *matagal hindi nakabalik

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: