Spectacular!

18 05 2010

Matagal-tagal na rin akong tumitingin sa mundo gamit ang antipara. Nagsimula noong kolehiyo ako, unti-unti nang lumalabo ang paningin ko.

Akala ko noon, mga matatalino lang ang nagsusuot nito. Totoo pala!

Sinubukan ko dati noong bata pa ako na suotin ang salamin ng Mama ko. Ayun, pag-uwi ng bahay, nagsuka ako buong araw!

Mabalik tayo sa unti-unting paglabo ng mga mata ko. Akala ko noon, normal lang na nakakalampas na ang mga Jeep na sinasakyan ko pauwi bago ko mabasa ang signboard. Iniisip ko baka naman kasi kapag gabi lang lumalabo ang mata ko. Hanggang sa kahit umaga, hindi na ako nakakarecognize ng mukha ng tao.

Hinala ko, dahil ito sa pagbabasa ko ng libro kahit madilim. Kahit kasi bago matulog, may bitbit pa rin akong libro. I used to share rooms with my older brother. Nauuna siyang matulog at kapag nawili ako sa pagbabasa, minsan magigising na lang yun at bubulyawan ako na patayin na ang ilaw. Kahit na patay ang ilaw, tuloy pa rin ako sa pagbabasa gamit ang ilaw ng cellphone. At alam niyo naman kung gaano kaliwanag ang mga naunang cellphone.

Matagal rin bago natigil ang masamang habit na iyon.

Dumating ang panahon at hindi na ako umuupo sa likuran ng klase. Hindi ko na nagagawa ang mga nakasanayan ko – matulog sa klase, mangodigo, makipagkulitan, makipagkopyahan, makipagdaldalan, mag-drawing ng professor, at kung anu-ano pa. Napilitan rin akong pag-aralan mabuti ang asignatura, dahil siguradong kapag may tanong ang guro, magtatanong iyon sa taong nasa harap.

Hanggang sa nagpagawa na rin ako ng salamin. Nakakapanibago. Maraming gawain noon ang may kahirapang gawin kapag naka-salamin gaya ng paglalamutak ng mukha kapag nababanas ka o ang pagpupunas ng pawis sa mukha. Pero napansin ko na nagsimulang seryosohin na ako ng mga tao simula noong nagsalamin ako. Nanalo ako ng sa isang patimpalak ng mga manunulat.

Pagpasok ko naman sa pagtatrabaho, nadiskubre ko naman ang contact lens. Marami nanibago at nagustuhan ang sinasabi nilang pagka-aliwalas ng mukha ko kapag hindi ko suot ang mga salamin ko. Pero noong panahon na noong nag-apply ako ng promotion para maging Team Leader, pinayuhan akong magsuot ng salamin sa Interview ko. Ayaw raw kasi ng Site Director ng mga bata. Sinunod ko ang payo niya at nakapasa nga naman ako.

Malayo ang narating ko sa mga salaming ito. Ang mga salaming ito ang tumulong sa akin upang makita ang mundo ng mas malinaw – may direksyon. Maaari akong magsuot ng contact lens para maging kaaya-aya sa mata ng iba, pero mas marami pa rin akong magagawa suot ang mga salamin na ito. Pwede akong matulog, mag-swimming, magpuyat at kung anu-ano pa.

I may look like more of a dork when I wear it… at least, uhm…

Yeah, who am I kidding! Ok, I look like a dork! Whatever!

😀
Gusto pang magbasa ng tungkol sa salamin? Dalawin ang Pitong Maskara

Advertisements

Actions

Information

41 responses

18 05 2010
salbehe

Base muna.

18 05 2010
salbehe

Bukas na ako magbabasa MD. Pauwi na ako. 😉

18 05 2010
runmdrun

uy, maagap si salbe… na-miss kita… sige, ingat ka pag-uwi!:D

19 05 2010
salbehe

Nagbabalik…

Totoong may na-e-enhance na power ang malabong mata. Kung sa iyo alam mo kung pano maglakad ang tao, iba naman sa kapatid ko (si Emon).Yung kapatid kong lalaki elementary pa lang nagsalamin na. Bago sya magsalamin lagi namin syang ginogoyo dahil napapansin nga namin na malabo na mata nya (siguro 5 years old sya nun).

Kapag naglalaro kami ng sungka, nilalagyan ko ng dalawang sigay ang bahay ko.

Emon: Ang daya! Dalawa ang nilagay mo sa bahay mo!
Salbehe: Pano mo nakita eh bulag ka?
Emon: Narinig ko!

Kainaman!

19 05 2010
runmdrun

isa kang parent!

totoo yan, na-enhance ang secret power ko na makasira ng lahat ng gamit na hinahawakan ko.hehe

18 05 2010
themizpah

ang ganda nito.
“Ang mga salaming ito ang tumulong sa akin upang makita ang mundo ng mas malinaw – may direksyon. ”

Ako din elem palang malabo na ang mga mata, 2nd year hs ako nagsimulang nagsalamin at ang mga grado ko now ay 420+50 (left) at 440+75 (right) na. Katulad mo mas madami akong nakikita gamit ang mga ito, mas malinaw, mas maliwananag at mas eksakto.

Nadanasan mo bang maligo na naksalamin akala mo naiaalis mo na?
Nadanasan mo na din bang hanapin pero suot-suot mo na pala?

Salamat at may mga salamin.

19 05 2010
runmdrun

sa ngayon, 150/175 ang grado ko. nagsimula sa 50/75… lumabo nang lumabo kasi hindi masyadong sinusuot. kaya ngayon, bumili na ako ng may kamahalan para manghinayang naman akong suotin.hehe

Oo at oo! Nakakatawa nga kasi dati nakatulog pa ako na suot ko ang salamin ko. Buti hindi nasira!hehe

19 05 2010
themizpah

yun din ang idadagdag ko nakatulugan ko ang salamin ko ng madaming beses, at sa madaming beses 2x na akong nabalian nung college at noong nagtuturo ako sa kakaaral ng next lesson. kinabukasan nakatape pansamantala yung salamin ko (tawa ng tawa mga students ko), no choice ako kasi para akong paralisado. pagkalabasan ay sugod na sa mall para sa replacement ng salamin, buti nalamang at nakasale ang kay Jackie Chan eyeglasses.

Mabuhay ang mga matatalino este nakasalamin!

19 05 2010
runmdrun

dati naman, yung pamangkin kong bebe ang nakabali ng salamin ko… kailangan ko kasi ng something na pwede niya hawakan para ma-distract siya kasi iiwan ko siya ng saglit. pagbalik ko, ayun, sira na ang salamin ko. hindi ko naman mapagalitan kasi naka-smile na sa akin. sayang ang salamin.hehe

19 05 2010
themizpah

aahahahahah natutuwa ako kasi akala ko ako lang ang abnormal pagdating sa mata

really kuya este Waling (nakakabatang tawag sa kapampangan) MD, nahihirapan ako ng walang salamin, ayoko din mag CL kasi masakit atsaka mahilig akong magbasa baka makatulugan ko pa.

pero there is something special about having eyeglasses, si mama madalas niyang inaalis ang salamin ko kapag nakakatulog. yun lang share ko lang.

kaya ayoko ng night swimming, madalas kapag night swimming tampisaw lang ang ginagawa ko kasi malabo na eyes ko. huhuhuhuhuh
totoo ba yung Lasik treatment? na pwedeng makorek pa mga eyes?

19 05 2010
runmdrun

aaww, how touching! 🙂
i am yet to meet someone na nakapagpa-lasik eye surgery. pero gumagana daw yun eh. mahal nga lang.

19 05 2010
J. Kulisap

Kung sino ang makakapagbitbit sa akin sa Opta, bibigyan ko ng maraming maraming kiss, kailangan na pong palitan ang aking antipara.

May isa lamang akong nadiskubre na sagabal kapag nakasalamin ka, hindi magandang manood sa 3D movie house. Nakakasira ng diskarte.

Katulad mo rin ako Sir MD, akala ko dati, kapag medyo malayo hindi ko na mababasa ang signboard ng mga sasakyan pero nang magluha at mutain ako ng halos dalawang buwan, binitbit na ako ng mga katrabaho ko para magpasalamin.

AT ngayon, heto na naman ako, alam ko namang mas lumabo ang aking mata pero hindi ko pa pinapapalitan ang aking antipara.
Iniisip ko na mag kontaklens, ung kulay bahaghari para kewl na kewl. Watyatink?

19 05 2010
runmdrun

wag ka mag-kontaklens! nako, isang dagdag liability yan kasi, kailangan mo pang hubarin bago matulog. dati nakatulog ako na suot ang contact lens, dumikit sa mata ko. sobrang hapdi parang may permanenteng nakapuwing sa mata mo.

try mo rin, baka magustuhan mo. mayrun naman na pwede mong itulog. kaso mas mahal yun.

19 05 2010
J. Kulisap

natatakot nga ako eh, sa halip na maging kyutness ako baka mitsa pa ng buhay ko ang kontaklens.

Sabi mo eh, hindi na lang. Kaw pa.

19 05 2010
runmdrun

stick with glasses, kuya kuli! pero kung mag-contact lens ka, just be responsible for it…

19 05 2010
Ravy

Hmn.. salamin…

Hmn, may naalala lang akong artikulo tungkol sa ganyan..

Hmn, pero astig MD, nawa’y minsan makita naman kitang nakasalamin…

Marami na nga sigurong nagbago…

… haiz….

19 05 2010
runmdrun

haha, ang totoo, gusto ko lang i-post ang mga litrato ng salamin ko. tapos naisip ko lagyan ng konting words, tapos nag-mukhang post mo na rin… lalagyan ko pa sana ng link sa post mo, kaso kinapos na ako sa oras… paumanhin…

dati pa kaya ako naka-salamin… hindi mo na matandaan? tinatanggal-tanggal ko pa nga bago umakyat ng stage, para kunwari ako si Clark Kent!hehe

22 05 2010
Ravy

talaga?…

medyo nga…

o hindi ko alam, akala ko props lang yun…

19 05 2010
kuhrach

i had my first set of eyeglasses 11years ago. 50/25 lang ang grado. i had difficulty din kasi also the jeep, blackboard and the crowd. a friend advised me not to wear it at all times kasi magiging dependent daw ako sa salamin, hindi naman babalik na sa 20/20 ang vision ng mata ko. so up til now i wear it lang kapag papara ng jeep, magbabasa ng whiteboard, manunuod ng sine at pag masakit ang ulo. thankfully 100/75 lang ako ngayon.

and i don’t use contacts din. hindi bagay sa lifestyle kong tamad. besides, eyeglasses are sexy.

19 05 2010
runmdrun

may nagsabi na rin sa akin niyan noon, na huwag parating suotin ang salamin… lalo lang lumabo ang mata ko. 150/175 na ako ngayon… nagsimula sa 50/75 katigasan ng ulo ko. tapos lagi pa akong nakaharap sa kyumpyuter. kaya ayun..

19 05 2010
aninipot

hmmm, parang naeengganyo na akong magsalamin… matagal na akong nangagailangan ng salamin kaso matigas ang ulo ko, sagabal kasi lalo na dati pag nasa field kami, tapos nasisilaw ako pag ma-araw, ang sakit sa mata.

sira din ang mata ko dahil sa pagbabasa, kaya kung di matulog pag may binabasa akong nagugustuhan ko, at di rin ako nakakatulog pag walang binabasa. adik lang sigoro ako…hehe

19 05 2010
runmdrun

uy, nagbalik ka na! kamusta ang hiatus?! 😀 wala namang masama magpa-consult eh.. madalas, libre lang yun. mas convenient pa ang mag-glasses kaysa naman sa magtiis sa kalabuan ng mundo hehe
mayrun namang glasses na nag-iiba ng tint kapag naarawan. parang nagiging automatic shades. para kewl na kewl ka sa ilalim ng araw. may kamahalan nga lang yun pero kewl ka naman hehe

kamusta ka na?

20 05 2010
duking

biti na lanh,malunew pa run ang mata ko.kota ki pa rin ang lettews sa keybiard.

kamusta md?retainers,salamin sa mata…konting description pa….pwede ko nang ma visualize sa isip ko kung sino si md sa physical na anyo.hahaha!!!

magandang araw!

21 05 2010
runmdrun

isama mo na rin ang “may pakpak at umiilaw sa gabi” for sure, akong-ako na yan! LOL

nakoh, duking, ganyan din ako date… akala ko malinaw pa yung nakikita ko hanggang sa napapa-squint na ako ng bahagya. dun nagsimula yun. tapos nangyayari, namamali ng pag-type..nakoh!hehe

20 05 2010
animus

Nakarelate naman ako dun. I had my first pair when I was on my 1st yr in college. Same reasons kung bakit lumabo mata ko. Every 2-3months nagpapalit ako. It’s either nalalaglag sa jeep, nahihigaan, natatapakan eh nami-misplace ko. Burara. I hate wearing it. Pero, sabi mo nga… It made the world clear. Ayoko lang kasing tawaging nerd or anything… But i got used to it. Haha. Weirdo naman talaga kasi ako.

Anyway, good evening MD! 😀

21 05 2010
runmdrun

uy, i believe it’s your first time na makipaghabulan dito, animus…

haha, ang technique para hindi nalalaglag, nawawala, nahihigaan at natatapakan ang salamin? suotin mo palage. or kung nasanay ka na, bumili ka ng mahal na frame, yung tig-5k up para ilagay mo sa case kapag matutulog ka na. for sure, aalagaan mo mabuti ang glasses mo nun.hehe

salamat sa pakikipaghabulan! sa uulitin!

23 05 2010
Pong

magandnag umaga kuya MD.

23 05 2010
runmdrun

kuya, pong! bigla ata nabago ang pikyur mo?! at email and the likes!
magandang, umaga rin!

24 05 2010
BONISTATION

eh wala ka man lang picture suot ang mahiwagang salamin? hehe! ganun siguru talaga pag sobra masama! =)

Akala ko noon, mga matatalino lang ang nagsusuot nito. Yun din akala ko..
tapos ako nagsisimula nadin magsuot ng salamin ngayon… Totoo pala! ahahaha!

24 05 2010
runmdrun

bad ka, manong boni! sige, sa susunod, ako’y magpopost ng pikyur ko na nakasalamin ako…

kamusta, manong bons?!

24 05 2010
BONISTATION

rayban pa yang frame mo ah! ang yamann!!

24 05 2010
runmdrun

ay napansin mo rin pala yun!hehe

24 05 2010
hisnameisdencios

marami pala tayong similarities at lalo na itong eyeglass. anjan na yan na malabo na ang mata natin, ang mahalaga ay maging cute sa mga bagay na salamin haha

24 05 2010
runmdrun

tumpak! may sense ng mystery ang mga nagsusuot ng salamin. para kang may alam na hindi mawari ng iba kung ano kapag nakasalamin ka!haha

nakasalamin ka rin pala, manong dencio! kamusta?!

24 05 2010
hisnameisdencios

oo naman nakasalamin din ako, pogi eh. hahaha joke lang men. ingat.

24 05 2010
yiN

Oi MD, ang karanasan ko lang sa salamin eh yung salamin na nilalagay sa tsinelas tsaka pinamboboso sa mga nakapaldang kaeskwela, hahaha. Pasaway ako noon, kapag nanunuod ng tv tatlong talampakan lang ang layo, madalas ako sawayin ni ermats, hindi ko naman siya sinusunod madalas pero hindi naman ako hiniwalayan ng vision ko, matakaw kasi ako sa kalabasa, lol. Sir pala dapat ko tinatawag sa iyo MD!

24 05 2010
runmdrun

Oi ka rin, Yin! Eto na lang gawin mo, nag-eeffort ka pa sa salamin eh. Pumunta ka na lang sa mall, tapos mag-abang ka ng may matapat sa isang ubod ng kintab na tile at presto! libreng boso. (hindi ko yan ginagawa, pramis. may nakapagkwento lang!

Hindi ako pumapayag na Sir ang tawag sa akin. Kahit ng mga ahente ko. Para naman kasi akong pinapatanda. MD na lang. Baka nga mas matanda pa ikaw sa akin eh!hehe

24 05 2010
beeftapa

ni-require din akong magsalamin after kong magpa-medical para sa trabaho, pero months lang tinamad na ko isuot, ahehehe… mababa lang nman kase grado 50/50 yata. may naalala pala ko, ung barkada ko nga nung college, sinabihan ko wag kang sasabay saken pagnakasalamin ka, mukha kang weirdo. ahahaha

25 05 2010
runmdrun

bad yun. isa ka palang bully, kuya bip! 😀

sa ganyan din ako nag-start. una, mababa lang ang grado. sa kagustuhang maging cool hindi ko rin sinusuot glasses ko hanggang sa tumaas nang tumaas ang grado ng salamin ko.hehe

at ikaw na ngayon ang ibu-bully hehe bilog ang mundo
biro lang… kamusta kuya bip?!

25 05 2010
beeftapa

di nman tumaas grado ng mata ko, sana wag naman…
ui, di ako bully. joke lang naman nung sinabi ko un.

25 05 2010
runmdrun

mabuti nang malinaw..hehe

ay gudporyu, kuya bip! mahilig ka siguro kumain ng kalabasa at kung anu-ano pang gulay na dilaw! mainam yan! bakit ba kasi hindi ko ginawa yan nung bata ako! oh, well. kamusta ang buhay pag-ibig?! 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: