The Adventures of Kiro

25 05 2010

[Babala: Ang sumusunod na poste ay dulot ng matinding pagka-GEEK ni MD. Pwedeng patulan wag lang asarin. Reader discretion is uhm, uhm… Basta bahala na kayo. Eh sa ito ang pumasok sa isip ko eh]

Ito ay litrato ng isang Tigrex at ng matapang na Hunter na nangangarap malipol ang pinaka malupet na halimaw sa Pokke Village (totoong pangalan yan ng lugar sa game). Ito ang kinaadikan ko ngayon, Monster Hunter Freedom Unite. Although, mag-iisang taon na akong naglalaro nito, ngayon lang ako muli nakatutok sa paglalaro nito. Buwiset nga lang at hindi na ako nakaalis sa HR2 (Hunter Rank 2).

Una akong nahumaling sa larong Patapon 2. Nilalaro kasi ito ng agent ko. Nakyuryus ako kung ano yung laro niyang may ubod ng cute na tunog. Ayun, lagi akong nakikisabay sa lunch niya para lang makilaro ng PSP niya. Dahil sa ganap na inggitero ako, napabili rin ako ng sarili kong PSP console at doon na nagsimula ang kaadikan. Ang Patapon 2 ay pambatang laro kung maituturing. Gamit ang mga keys na Square (Pata), Circle (Pon), Triangle (Chaka), at X (Don), pipindutin mo ang mga chants gaya ng PATA-PATA-PATA-PON (which means to charge or move forward) para talunin ang mga Karmen! Ang magpapahirap nga lang dito ay kailangan mong i-sabay sa rhythm ng drum beat ang bawat pindot kundi madadapa ang mga Patapon at magiging vulnerable sa mga attack ng alagad ni Karmen o ng kung sinumang halimaw.

I-click ito para mapakinggan ang ubod ng kyut na opening song ng Patapon.

Nakakaaliw, nakakalibang, ang Patapon ay madaling laro kung tutuusin kasi hindi mo naman kailangan masyadong tumingin sa screen para malaro. Kailangan lang alam mo ang weakness ng kalaban mo at kung paano aayusin ang mga alagad mo.

3 or 4 months ko lang nilaro ang Patapon. Natapos ko rin agad, at nabagot nang muli ang batang si MD.

Naalala ko bigla na may nag-suggest na laruin ko rin ang Monster Hunter. Akala ko noon ito ay parang Pokemon din. Ibang-iba pala. Sa graphics pa lang, para ka nang dinala sa mundo nito.

Mahirap sa simula kasi kailangan mo muna matutunan ang basics: Weapons, Armors, Use of Materials. Kailangan mo ring pag-aralan kung paano gawin ang mga sumusunod: Gather, Cook Meat, Combine Materials, Fish at Mine. Ang nakakatuwa, kapag nalaman mo na ang mga yan, maaari ka nang magsimula sa una mong Quest mula sa Village Elder. Simple lang sa una, mga gathering Quest. Pero susunod niyan Slaying Quests na at ang pinakamahirap, Hunting Quest kung saan papatay ka ng isang malakaing Halimaw. Although sa simula, isang hamak na Gendrome (parang T-Rex na kasing laki ng Character mo lang halos) pa lang ang papatayin mo. Paglalaruan mo ang combination ng Armor at Weapon. Tactics and Skills ang kailangan para matagumpayan ang isang Quest. Para sa akin, ang pinakamahirap na napatay ko ay isang Plesioth. Hindi naman sa malakas ito, kundi napakailap. Sa mga naglalaro nito, malamang isa rin sa pinaka ayaw niyo ang pumatay ng Plesioth. Ang mga water creature, tatapatan mo ng Fire Weapons.

Nakakaaliw! Kaso nga lang, pagkatapos mong maglaro masakit na ang mga daliri at braso mo.

Pampalipas oras ko ngayon yan. Kaso nga lang, kapag nasimulan ko na, madalas nakakalimutan ko na rin matulog. Ayun, bangag ako sa trabaho kanina. Paglabas ko ng trabaho, na-realize ko 24 hours na akong gising. Halos alas-sais y medya na ng umaga ako nagising nung Lunes eh.

Ang moral lesson ng posteng ito? Wala. Or kung meron man, malamang hindi ko natutunan. Nag-enjoy naman ako sa mga oras na nasayang ko kakalaro ng PSP eh. Masakit nga lang yung thumbs ko at yung wrist ko. Kung may anak ako ngayon, bibigyan ko ba ng PSP? Uhm, depende. Kung marunong na siyang magbasa at magsulat ng pangalan niya, sige bibigyan ko. Kaso bibigyan ko ng boundaries. Pagkatapos ko muna maglaro.hehehe

Bago ko nga pala tapusin ang posteng ito. Sa mga naglalaro naman nito, penge naman ng tips oh. Kasi yung mga ka-Adhoc ko dati sa office hindi ko na nakikita eh.

Shucks, I’m such a Geek!

Dagdag: Kayo? Ihayag ang inyong kinaaliwang Video Game.  Maaari ring ihayag ang mga larong kalye na nilaro nung kabataan.

Advertisements

Actions

Information

51 responses

25 05 2010
kuhracha

wala ako masabi. nde ako makarelate. pa-base na lang. gandang gabi. =)

26 05 2010
runmdrun

sabi ko na’t walang makakarelate sa pagka-geek ko eh.hehe

kamusta kurach?

26 05 2010
kuhracha

steady ang takbo ng buhay, salamat.

naadik din naman ako dati sa diablo2 with expansion. un lang. wala na akong alam sa panahon ng psp. hehe.

mabuti nang maadik jan kesa sa drugs. =D

26 05 2010
runmdrun

pamilyar sa akin yang diablo, pero hindi ako masyadong nahumaling sa online gaming. ragnarok lang ang nilaro ko dun.

tumpak ka diyan, kurach!
pakunti-kunting drugs lang.hehe
biro lang, biro! drug-free po si MD.
sa mga 18 years and below, masama po ang droga!

26 05 2010
Pong

@kurach
daan ka sa bahay ko ha

oo nga ang laking achievement ang maka BASE sa sambablog

26 05 2010
Pong

naunahan ako ni kuracha!

26 05 2010
kuhracha

oo nga, feeling ko isang malaking achievement ito. hehe

26 05 2010
salbehe

Alam mo yung larong LocoRoco sa PSP? Dun ako naloko. 😉

26 05 2010
runmdrun

yun ba yung ginagalaw din yung buong psp para mapagalaw yung player or yung controls?

26 05 2010
salbehe

Actually, gumagalaw ang buo kong katawan kapag naglalaro ako ng LocoRoco.

OT: May email ako sa gmail mo. 😉

26 05 2010
Pong

pacman, pokemon, metal slug, strikers 1945 lang alam kong laro kuya MD, pasensya na wala akong tip.

yung Tigrex ba ay mix ng Tiger at Rex?

waw HR2 ka, base saan yan sa SWS, Pulse Asia o PCOS? (tawa na pinapataw lang kita kuya)

God bless!

26 05 2010
runmdrun

ayos lang,

    KUYA

pong! nabalik tuloy ang mga alaala ng mga games na nagustuhan ko rin noon. yang pacman na hanggang level 2 lang ako. tapos kapag may lumalapit nang kalaban ay napapasigaw ako!hahaha

December pa ako HR2, hindi na ako nakalampas.

kamusta?

26 05 2010
Pong

ahahaha oo nga pala mas matanda ako sa iyo.

Waling MD,

ako din uso pa noon ang joy stick di ba tapos dumadayo pa kami ng mga classmates ko noong high school sa mga may video stand yung arcade type, noong maliit palang akong bata maglalaro kami ng pacman pero uupo kami dun sa isang malaking upuan na parang race car ahahah.

yung mga simpleng game lang nilalaro, ayoko masyadong maingay na games.

kamusta ako?
nakafasting ako may general check-up ako mamaya masama kasi pakiramdam ko dahil sa init siguro, normal naman BP ko at heart ko, pero maganda na yung sure.

ikaw kamusta ang pagtakbo?

Nagmamahal,

Kuya Pong

26 05 2010
runmdrun

kuya pong, uminom ng maraming tubig. mainam yan para mapalitan ang tubig na nawala dahil sa hangin na mainit at ng mainit na sinag ng araw. napapanood ko yan sa Discovery channel. sa ganyang init, kailangan mong uminom ng 2-3 gallons ng tubig para lang ma-maintain ang tubig sa katawan. at ang isa ko pang natutunan na pwede palang gawing rocket fuel ang salami!hehe

26 05 2010
Pong

Waling MD,

Salamat sa payo ng DC este payo mo. Punong-puno na ng tubig ang katawan ko. Pero sige parin ng inom. Hindi kasi ako pinagpapawisan dito, lahat pala kami, kahit sobrang init at tumayo ka sa gitna ng disyerto hindi ka pagpapawisan, pagpawisan man saglit lang, mawawala din agad. Simula nga bukas magwe-weights na ulit ako at magja-jogging tatakbo kagaya mo. Mahirap na din kasing magpabaya. Tsaka medyo tumaba kasi ako lately.

Mabalik sa topic:
Ano yung mga nilalaro mong games nung bata ka pa?

26 05 2010
runmdrun

games? as in video games? wala akong hilig niyan noon. palibahasa kasi, ako yung bata sa aming magpipinsan, kaya ako lagi yung hindi nakakalaro ng video games. pero naaalala ko lang noon na kapag turn ko na maglaro eh Battle City yung lagi naming nilalaro. una magse-spend pa ng isang oras para mag-customize ng screen (importante: bakal ang paligid ng base) at matapos gawing coloring board ang screen, ay lalaruin na namin ng 5 minuto tapos nun ang next stage balik normal na naman.hehe nung medyo lumaki-laki na ako noon ako nakalaro ng gusto ko.
naalala ko rin ang Mario and yung Super Mario Land, kasi andun si Yoshi. at dun kasi nakakalipad na.
nung dumating ang Sega, naging peborit ko ang Sonic the Hedgehog.
PS, Resident Evil 2. Spyro (na talaga namang nakakahilo). Gran Turismo. at ang pinakapaborito ko: Crash Bandicoot!
Wala ako masyadong favorite noh?hehe

26 05 2010
Pong

konti nga lang ang peborit mo waling md, halos kasinghaba na ng post mo.
nakalimutan ko ang MB Brothers nilalaro ko din yan, maging sa gameboy dati, kasama ba ang Brick Game? Yung Gauntlet Legend at Final Fantasy nalaro ko kaso na-boring-an ako, sorry naman.

26 05 2010
runmdrun

Brick game? Hindi masyado, wala naman kasi masyadong lalaruin dun eh. FF? hindi rin, inantok din ako. Yoko ng mga games na wala masyadong aksyon. Yung kailangan mo pang maglakad ng pagkalayo-layo para lang mapatay ng malaking kalaban hehe.

26 05 2010
J. Kulisap

Hindi ko panahon ang PSP, komiks at bahay-bahayan ako nong bata pa ako, kaya tama ka, walang moral lesson ito sa akin.

26 05 2010
runmdrun

kuya kuli, paumanhin po. pag-usapan na lang natin yung mga larong kalsada na nahiligan ko rin noon.

sorry na po. hindi ko po sinasadya. sabi ko na nga ba’t hindi makakarelate ang 80% ng kahabulan ko eh! sorry po muli, kuya!

26 05 2010
J. Kulisap

No Problemo. Binasa ko lang pero wala akong naintindihan, ni hindi ko nga alam kung ano hitsura ng PSP eh.

26 05 2010
runmdrun

nakoh, ni-hindi man lang kita naaliw… ano ba ang pwede kong gawin para makabawi naman ako sa’yo kuya kuli?! 😀

ano bang mga laro ang nakahiligan mo noon?

27 05 2010
J. Kulisap

Taguan, patintero, luksong baka, suntukan.
Suntukan na lang tayo MD tapos after that, magharutan na tayo.

27 05 2010
runmdrun

hindi po ako mahilig makipag suntukan, pero kung hahamunin po okay lang kahit talo ako… sa harutan na lang ako babawi hehehe

ano? game na?

26 05 2010
Ravy

hmn…

maganda sana yung laro na yan… kaso, hindi ako marunong gumamit ng PSP…

pede ko bang i transfer yung game na yan sa laptop?…

26 05 2010
duking

tol md,sumungkit ka na ng 360.panalong-panalo yun kung hilig mo ang mga hi-res at quality gaming.lagi pang may advance copy yung mga title dahil available sila in pirated copy.hahaha!!!

final fantasy VII.sa playstation.dun ko nakuha yung unang suspension ko sa work.3 days dahil napa absent ako ng ilang araw kakalaro.natuwa naman ako dahil yung 3-days na suspension,inubos ko ulit sa FFVII.

ang espada ni cloud.tsk tsk.

27 05 2010
runmdrun

ay, duking. hindi pwede sa akin yang mga gadget na nafo-fold or de-slide. alam mo naman siguro ang special talent ko, makasira ng mga bagay na sobrang hi-tech. minsan pati aircon nasira ko.hehe

naalala ko tuloy nung nahuli ako ng Operations Manager ko na naglalaro ng PSP sa TL’s station ko! Buti na lang malamig ang ulo at hindi ako nabigyan ng DA.hehe

FF? hindi ko pa muli nasusubukan yan, pero naka-hilera na yan sa mga lalaruin ko pag natapos ko na ang MHFU. nalaro mo rin ba yun?

27 05 2010
duking

xbox 360 bro.console gaming.hindi de-fold.saka tingin ko matibay ‘to.ilang beses ko nang nabalibag yung controller nito kapag natatalo ko sa laro namin ng kapatid ko pero buhay pa din.

hahaha!!!MHFU.nalaro ko na yung original ng monster hunter.sa playstation pa dati.maganda rin yan katulad ng final fantasy.

27 05 2010
runmdrun

mayrun na ba sa pilipinas niyan? (malamang, kasi nalaro niyo na magkapatid, hehe)

sige nga, makahanap nga niyan. magkano naman?

27 05 2010
runmdrun

adik, nabobo lang ako… xbox pala! tungeks na naman! sabaw pa ang utak. kakagising lang! hmmmn, akala ko naman something like PSP. siguro pag-iipunan ko muna yan. nasa mga something to buy when i get richER.hehe

sa ngayon, ayos na muna sa akin ang PSP. hindi naman ako gamer talaga. more like, hobbyist?! tama ba yung term ko?

potek, hindi pa rin ako maka-get over sa psp360!hehe

27 05 2010
siamea's aninipot

waah! di ako makarelate…wala akong alam sa mga larong yan… kahit nga super mario dati di ko maperfect yan pa…haha

27 05 2010
Hussaind

Hi

27 05 2010
salbehe

HR2, 360, FFVII, TL, DA, FF, MHFU. Pwedeng magtanong? Taga saang planeta kayo? 😉

27 05 2010
duking

miss salbehe.mga games yan.parang farmville kaso mas kumplikado ng konti.addictive din.hahaha!

27 05 2010
aninipot

huh! wala man lang akong naintindihan…haha, kahit nga super mario di ko maperfect yan pa….

27 05 2010
runmdrun

Bb. Anini, sa simula lang yan. sanayan kumbaga. dati sigaw ako ng sigaw kapag nabibigla ako or natatamaan ng kalaban… actually, hanggang ngayon. pero ngayon, nagmumura na at parang hunter, mas nagagalit! outlet ko na yata ito ng anger management issues ko eh.hehe

musta?

27 05 2010
Vajarl

Sige na, ako na ang walang kaalam alam sa latest na games. Haha.

Dahil di ako makarelate sa post mo, sasagutin ko nalang ang huling tanong:

Na try mo na ba ang Valkyrie Profile? Isa yan sa mga uber peborit games ko. Sobrang luma na, elementary palang ata ako nung nalaro ko yan. Pero isa yan sa mga pinaka challenging na RPG na nalaro ko. Wala akong psp saka ps2 at 3 kaya wala akong alam sa mga bagong games. Hehe.

28 05 2010
runmdrun

mala-red alert ba ito?

naka-adikan ko rin yun eh. kasama niyan yung Sims sa mga rason kung bakit nagkanda sirasira ang PC namin dati.

kamusta?

28 05 2010
duking

rpg rin yang Vaj-kiri Profile sa playstation.nalaro ko rin yan with 2 different endings yata.sbrang ganda rin nung story n’yan.
hehehe.

28 05 2010
runmdrun

parang Resident Evil? or Tomb Raider?

30 05 2010
Vajarl

3 endings yon Dukingsters. Adik ka loser gamer ka pala talo kita. Behlaaat

30 05 2010
J. Kulisap

Meron naman pala akong nalaro dati at nahawakan ko ang aparatu (aparatu?). Brick Game.
Susyal na akon niyan Md.

3 06 2010
stefania

aylab patapon!pata-pata-patapon.racing games, juice o nfs.hehe.nakisilip lang. 😀

3 06 2010
runmdrun

uy, ang kyot naman ng gravatar mo stefania!

salamat sa pakikipaghabulan!

4 06 2010
stefania

hmmm..laro! gusto ko ng kalaro. habulan. mapapadalas pagsilip at pakikipaghabulan ko sayo/senyo, i-add na kita sa mga link ko hah. 😀

4 06 2010
runmdrun

sure, stef!

basta ikaw muna taya! habulin mo akooooh hehehe

5 06 2010
stefania

huuuuuuuu……leeee!huli ka!kaw na taya. 😛

6 06 2010
runmdrun

ang daya naman… yoko na… hehe

sige, ulet… kaw ulet taya… hindi kasi ako nakatingin kanina eh…hehe

9 06 2010
stefania

(-____-“) bawal madaya! umf.

9 06 2010
runmdrun

sige na nga, ako na ang taya…

taya!

yan ah, kaw na ang taya! 😀 ang kulet!hehe

9 06 2010
stefania

nyaw na kitang kalaro!daya2x mo.umf.di pa ko nakakatakbo..tinaya mo na ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: