Not myself

31 05 2010

Would you love me when I’m not myself?

Sa likod ng nabuo mong imahe kung sino ako, mamahalin mo pa rin ba ako kapag nakita mong iba ako?

Galing ako sa isang ubod na nakakapagod na biyahe papauwi at biglang may bumunggo sa akin, magbabago ba ang isip mo tungkol sa akin kapag bigla kong sinapak ang nakabunggo sa akin?

Minsan naiisip kong may sanib ako. Yung ilang pagkakataon sa buhay ko na hindi ko mawari kung ano ang nakain ko at nagawa ko ang ilang bagay na pinagsisisihan ko.

Gaya nung minsang may hinila akong babae sa loob ng taxi dahil nauna ako sa kanya at inagaw niya ang taxi na iyon. Hindi ako proud sa pangyayaring iyon, pero naunahan ng galit, pagod at init ng panahon ang judgement ko.

O kaya naman, kapag bigla akong nagagalit at hindi ka na kinikibo noong nag-order tayo sa Chowking at biglang naputol ang linya.

Kapag hindi na ako ang nakilala mo – iyung taong minahal mo dahil sa kabaitan, pagiging maunawain, tahimik – mamahalin mo pa rin ba ako?

Kapag nalaman mong hindi pala totoo ang mukhang pinakita ko sa’yo simula ng makilala mo ako, ititigil mo na rin bang mahalin ako?

Hindi ko masisigurado kung hanggang kalian ako ganito sa paningin mo. Pero kung magbago man ako sa paningin mo, magbabago rin ba ang pagmamahal na binigay mo sa akin?

Mamahalin mo pa rin ba ako?

Advertisements

Actions

Information

67 responses

31 05 2010
J. Kulisap

Seryoso o tatak Jakuli? Maharot.

Gusto kong magseryoso.

Sabihin mong sinusukat ang lalim ng pagmamahal, magkagayon nga, laging malawak ang inilaang pag-ibig kapag tunay ang pinipintig ng puso.
Magiging mali sa iyong pang-unawa pero lilinisin naman ng puso mong mapagkumbaba ang bawat dumi na ikinulapol na sa iyo.
Dati hindi ko ito nauunawaan, dati sarado ang daan ng aking pagmulat pero sinimulan itong baguhin ng matuto akong magparaya dahil sa pag-ibig.
At dahil sa pag-ibig nakilala kong higit ang sarili ko. May mundo na hawak ang ilaw na magtatanglaw sa mapanglaw kong daan. Sana matagpuan ko rin siya.

Ako ba ang base? Salamat naman.

31 05 2010
runmdrun

ikaw nga ang base, pero hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko…hehe

balik po ako, maghanda lang akong pumasok sa opis!

31 05 2010
J. Kulisap

Aling tanong Utoy? Saan yan?
Pag nagpuputa ako, tanging blog at gmail lamang ang nabubuksan ko.
Ang FB, isang oras lamang.

Kapag may mga tanong ka alam mo naman ang email add ko po ‘di ba?

Yon din ang gamit ko, balido yan.

O sige po, ingat po kayo Sir.

31 05 2010
runmdrun

ito po yung tanong:

“Would you love me when I’m not myself?”

hehe

naghahanap lang ng affirmation…hehe

31 05 2010
J. Kulisap

Para sa akin ba ang tanong?

Naipaliwanag ko na yata sa itaas sir.
Pero ulitin natin na hindi mabigat sa lalamunan.

Kapag tinanggap mo ang isang tao, hindi lamang ang kagandahan niya ang iyong tinatanggap pero hindi rin tamang lagi kang magmamakaawa para magbago siya (kung maling gawain lagi ang ipinakikita nito), hindi na pagsasamahan ang binubuo don kungdi isang relasyong mas matibay pa sa tawag ng pangangailangan lamang ng isa. Ikinukusa ang pagtanggap maging sa negatibong atribyut ng tao. Walang nakapag-uutos na magbago dahil may sariling utak ang bawat nilalang.

Tanging malawak na pag-iisip po lamang ang tatanggap sayo maging sino ka man.

Kung sakaling batid ka na ng aking puso, ‘don mo lamang masasabi na tama ba ang sinabi ko sa ginawa ko?

Kung ang tanong ay para sa akin pero hindi ako ang kausap mo sa artikulo mo. Inilagay ko lamang ang aking sarili para mabuhay ang diskusyon.

Ingat lagi Sir. Idol kita, alam mo ‘yan.

31 05 2010
runmdrun

Salamat, idol!

natutuwa naman ako sa kalawakan ng iyong pang-unawa pati bokabularyo

salamat muli, lolo kuli!

1 06 2010
J. Kulisap

Walang anuman apo.

1 06 2010
runmdrun

mano po, lolo. malapet na po ambertdey ko! regalo ko po!hehe

1 06 2010
J. Kulisap

Kailan ba? Pasensya na makakalimutin si Lolo mo. Ipaalala mo sa akin.

Bibilhan kita bagong sinelas, yong tigbebente.

31 05 2010
kuhracha

hindi lamang magagandang katangian ang bumubuo sa ating pagkatao. ang ating tunay na sarili ay binubuo ng magaganda at pangit na katangian. kaya pag nagmahal, hindi lamang positibo ang dapat mahalin kundi pati ang negatibo. kundi man natin ito lubusang mahalin, kahit papano ay atin itong dapat tanggapin.

pero sa tanong mo, oo mamahalin pa rin kita. hindi ko iisipin na nagbago ka na, bagkus iisipin ko na yan ang side mo na di ko nagisnan noon kaya dapat kong kilalanin ngayon. maaaring di ko magustuhan, pero di nangangahulugan na di na kita mamahalin. pero ako ito. maaring magkaiba kami ng pananaw ng taong pinatutungkulan mo ng post na ito.

1 06 2010
runmdrun

sana lahat ng taong nagmamahal, kasing lawak ng mga pang-unawa ninyo.
‘di ba, kapag nagmamahal, dapat naman talaga ganun? nagmamahal ka nang lubos. walang, “Kasi” or “Kapag”… mayrun lang, “basta” or “aah, basta” or long moment of silence kasi wala naman talagang dapat dahilan. nagmamahal dahil pinili mong mahalin ang kabuuan ng isang tao – maganda, panget, mabaho, mabango o anuman, ang taong nagmamahal ay lagi pa ring nakikitang sumusikat ang araw sa mga mata mo.
aaaaah-men!

1 06 2010
salbehe

Seryoso: Mamahalin kita maging sino ka man.

Maharot: Mas una kitang nakilala kung ano ka dito sa kuta mo. Nagustuhan ko na ang istilo mo, labas na dun ang panglabas mong kaanyuan. Kaya anong problema mo? πŸ˜€

Parang pareho lang. Har!

1 06 2010
runmdrun

salamat, salbe.. mahal na mahal din kita!

pero alam kong mas magugustuhan mo ang kakisigan ko. kahit na alam kong pinagnanasahan mo ang bayseps at trayseps ko..hehehe

affirmation lang ang gusto ko. maarte ako eh πŸ˜€

1 06 2010
kuhracha

tumpak. di man natin gusto pero sadyang napapamahal sa atin pati mga negative traits ng partner natin. kaya sana, kung alam naten na may pangit tayong ugali, mag-effort naman na tayo kahit papano, kahit paunti-unti, na bawasan ang ugaling yun. di lang isa ang dapat mag-adjust. kelangang dalawa ang sumasayaw sa tugtog ng pag-ibig. kung ayaw, eh di wag. baka pwede lang naman.

gudlak sayo, md. =)

1 06 2010
J. Kulisap

Naninibago ako kay Kuhra.

Mas nakikilala ko siya sa bahay ng iba.

1 06 2010
kuhracha

eh panu, nde naman na ako nagpapaskil ng seryoso sa bahay ko. puro kabulastugan na lang. pero ako ito. matagal na akong ganito, kulisap. isa itong side ko na di mo nagisnan noon, dahil walang pagkakataon.

1 06 2010
J. Kulisap

Hindi ba nagtagpo ang ating sariling panahon? Pwede pa nating gawan ng paraan.

Ako muna tao dito.

Tulog pa apo ko.

1 06 2010
kuhracha

gagawan ng paraan? panu, kulisap? magha-heart to heart talk tayo? baka hindi makayanan ng puso mo. =)

pasensya na MD. tumambay na kami dito ni lolo.

1 06 2010
J. Kulisap

Yari ba saan ang puso mo Kuhra? Kung pareho lang ang yari ng puso natin, kakayanin ‘yan.

Pero hindi ko rin alam. Tingnan natin.

Hi MD, kami na ang may-ari ni Kuhra nito.

Nabili na namin ang site na ito. Visitor ka na lang paggising mo.

1 06 2010
kuhracha

nang-angkin ng ibang bahay. na-vote out si MD? ahahaha

kulisap, ang puso ko’y abnormal. pero sa tingin ko naman makaka-konek pa rin ang puso ng isang insekto.

1 06 2010
J. Kulisap

Oo tayo na muna ang bahala dito. Kahit mga isang buwan siyang mawala Kuhra. Ang kailangan mo lang gawin, hingin mo ang username and password niya para makapagposte tayo ng mga makatirik matang artikulo dito.

1 06 2010
runmdrun

asan ba kasi ang bahay mo?

1 06 2010
kuhracha

susmiyo. napaka wholesome ng bahay ni MD. siguro hanggang usapang pagibig na lang tayo.

papaswelduhin daw tayo ni MD. sabi ko kahit pampa kape na lang.

MD, ayan na ang link. click mo na lang. gudlak!

1 06 2010
runmdrun

add mu ku sa plurk, 11 pa lang karma points ko 😦

1 06 2010
runmdrun

minsan susubukan magpost ng mahahalay dito… iniipon ko lang ang lakas ng loob ko hehehe

1 06 2010
J. Kulisap

Kung tama ang presyo, ilatag ang kontrata.
Kailangan ko ng kwarta

1 06 2010
runmdrun

lolo kuli, gagawan ko pa lang ng kontrata… teka, lolo kita, di ba dapat libre na?! labor of love kumbaga!hehe

2 06 2010
J. Kulisap

Ha? Pag-iisipan ko muna.

Dumadaan lamang.

1 06 2010
aninipot

mamahalin kita dahil gusto kung mahalin ka… ganun lang naman sigoro kasimple yon.

pag minahal ka, kasama na yong ugaling kakaiba, di man swak sa panlasa pero di pwedeng iwala, paano ka mamahaling ng buo kung may maiiwang di ko gusto..

naiiintindihan mo pa kaya tong pinagsasabi ko MD.

basta! pag mahal kita yon na yon! period…

1 06 2010
runmdrun

salamat, anini… mahal din kita…
gusto ko dumami ang karma points ko… ikaw ba ay nasa plurk?hehe

nagustuhan ko ito “paano ka mamahaling ng buo kung may maiiwang di ko gusto..”

in short, wag choosy! πŸ˜€

1 06 2010
Vajarl

Hindi ka naman masyadong Emo ngayon MD noh? Haha. Sino ba yang sinasabian mo? Si inday ba yan? O si Dodong? Tama na ang pag eemo at maraming problema sa pang tuition ng mga bata! Hala, kilos!

On a more serious note, sometimes we can’t help but limit the people we know to the boxes of how much we know them. We have built a certain person inside our heads that represents each person we know. And when we have done that, we expect them to act in a certain way, and you can’t blame people for being surprised when your actions were not the ones people expect from you.

Ganun talaga, sa tingin ko MD boy. Patas lang para sa pagiging social animal ng mga tao. Masyadong malawak ang personalidad ng bawat isa para malimitahan sa pagkakakilala natin. Kaya kung ako sayo, sapakin mo na yang nakabunggo sayo! Joke. πŸ˜€

1 06 2010
runmdrun

si inday at dodong ang loveteam of the century. wala akong balak sirain ang labtim nila. at teka, hindi pa naman nag-aaral ang mga bata ah! at kung mag-aaral man sila, hindi ko na paaabutin ng college.. tuturuan ko na lang sila mag-english na may twang para kolzenner na sila agad hehe

“Masyadong malawak ang personalidad ng bawat isa para malimitahan sa pagkakakilala natin.” -tamaaa!

“Kaya kung ako sayo, sapakin mo na yang nakabunggo sayo!” -mas tamaaa! πŸ˜€

2 06 2010
Vajarl

Kolzenner FTW!! :))

2 06 2010
runmdrun

ano ang FTW?!

For The World?

Feeling Too Weird?

Face To Work?

Fact To Wonder?

F**k Two Women?

ano?hehe

4 06 2010
Vajarl

FuTa Wala!

LOL

1 06 2010
Pong

Maskara ikaw ba yan?

1 06 2010
runmdrun

waaah, hanggang ngayon ba naman eh minumulto pa rin ako ng mga maskara?!hehehe

si MD po ito… agen, hindi po ako isa sa mga maskara at hindi po ako si yvarro hehehe

1 06 2010
runmdrun

kamusta kuya pong?

1 06 2010
Pong

ahahhaah

mabuti naman ako kuya md,

seryoso: kapag pag-ibig na ang usapan, nagbibigay ito ng positibong bukal sa aking puso at nagiging maaliwalas lahat ng makulimlim.
palagay ko naman hindi ka nagbalat-kayo nung minahal ka niya at sa kalilaliman ng inyong pagkakilala ay may mga hindi ka perpektong parte ng buhay mo, pero minahal ka niya.

ang pag-ibig ay tumatakip ng kasalanan

1 06 2010
runmdrun

akala ko ba waling ako?!

ganun nga kapag nagmamahal, biglang lumalabas ang mga rainbow, ang araw na naka-ngiti at mga puno’t halaman na nagsasayawan at nag-aala-high school musical!hehehe

“ang pag-ibig ay tumatakip ng kasalanan” -natumbok mo, kuya pong!

kamusta, kuya? nakapagsimula ka na ba sa pagtakbo mo?

1 06 2010
Pong

oo nga pala, noong huwebes nakasimula na akong tumakbo sa disyerto at si Run MD Run ang unang naisip ko sino yun?

oo nga pala waling md.

1 06 2010
runmdrun

malay mo, biglang mapadpad ang pagtakbo ko diyan sa disyerto! penge na lang pamasahe pauwi kung sakaling bigla mo akong nakita diya… dalawa lang yun, either napunta ako diyan at napagisipang tumakbo or tumatakbo ako at biglang napadpad diyan..hehe

wala pa naman akong dalang wallet kapag tumatakbo ako hehehe

1 06 2010
Pong

ganun ba, sige hihintayin kita dito sa disyerto, magbaon ka ng madaming tubig ha, 4,900 miles ang tatakbuhin mo waling md, eheeh

1 06 2010
runmdrun

teka, andaming tubig ang kailangan kong dalhin nun ah! baka naman may bilihan diyan! may mini-stop ba diyan? 7-eleven?hehe

1 06 2010
runmdrun

sige, go! hintayin mo ako ah!

1 06 2010
Pong

walang 7/11 dito waling md,
bilisan mo ang pagtakbo!

1 06 2010
shea

hmmm… as long as hindi ako yung sasaktan mo pag wala ka sa sarili mo.. nyahaha… ok lang yun, lahat naman may mga ganung moment, narrow minded na lang yung taong hindi makakaintindi sayo o hindi ka mahal kung dahil lang dun eh ayaw na niya.. hmmm at least para sa akin, napapakita mo ang tunay na ikaw…

1 06 2010
runmdrun

eh parang ikaw yung nakabunggo ko ko nung isang araw eh! oo nga, medyo hawig mo hehehe

uy, shea… i believe, unang takbo mo rito! Welcome at salamat sa pakikipaghabulan!

eh shea, paano kung totally different person yung nakita mo sa taong minamahal mo? mamahalin mo pa rin ba? yung tipong hindi pang one time lang.. hmmn, teka medyo creepy na yun ah. parang naging the astronaut’s wife na hehe

1 06 2010
Ravy

hmn, hind ko alam kung kaya ko pang tanggapin, (o mahalin) ang isang taong hindi mo na kilala…

pero, kung hihingiin ng isang tao…

kahit hindi ko pa siya kilala…

kaya ko iyong ibigay…

hmn… md, anung trip ba ito?…

sinapian ka na rin ba ng ikatlong maskara?…

2 06 2010
runmdrun

bawal mag-emo?! bawal?! ha?! ha?!
wag mong solohin ang titulo ng pagiging emo-suicidal hehehe

5 06 2010
Ravy

hmn.. hindi naman… sige.. paka emo ka ah?…

6 06 2010
runmdrun

πŸ˜›

2 06 2010
duking

parang piso lang…laging may other side na kasama mismo nung kabuuan.(na kung susuriin pa…may edge din na isa pa uling side).mapalad ka kung minahal ka nya na sing lalim ng mga nakatago mo pang ugaling hindi pa nya nakikita.

mas mapalad ka kung matutuklasan mong minahal ka nya na specific lang pala dun sa magagandang mong ugali.

pero hindi mo pa rin s’ya masisisi.ganun talaga ang pag-ibig.minsan,hindi laging bulag.

2 06 2010
runmdrun

gusto ko ang pagsabi mong parang piso… hindi mo pwedeng kuning ang isang side lang, kailangan parehas.

hindi ba pwedeng 10-peso coin naman? parang may 25-cents sa gitna… na-try mo na bang tanggalin yun?hehe may nakita na ako na yung nasa gilid lang. hindi ko alam kung paano ginawa. pero sigurado ako, adik yung gumawa nun πŸ˜€

amushta?

4 06 2010
beeftapa

nakakarelate ako. sobra.
Kapag hindi na ako ang nakilala mo – iyung taong minahal mo dahil sa kabaitan, pagiging maunawain, tahimik – mamahalin mo pa rin ba ako?

4 06 2010
runmdrun

uuy, si kuya bip! welkambak!

kamusta?

5 06 2010
J. Kulisap

Musta po?

6 06 2010
runmdrun

ayuz naman kuya kuli… naghahanda nang maglipat… at muli makita si Lily! excited na ako! πŸ˜€ kaw kuya, musta?

6 06 2010
J. Kulisap

Maayos naman. Magsabog ng bigas sa bagong tahahan para swerte, subuan ng asukal si Lily. Bakit si Lily?

6 06 2010
runmdrun

si Lily yung asong gusto kong bilhin… matagal na..

6 06 2010
J. Kulisap

Ako, pwede akong asong-kulisap. Kyut, try mo.

9 06 2010
runmdrun

uhmmn, ano po nikakain ng asong kulisap?! pwede rin ba silang kasamang mag-jogging? hindi kaya matapakan ko? πŸ˜€

10 06 2010
J. Kulisap

Uhmmmm, pumapapak ako ng runner.

6 06 2010
Vajarl

Anyare MD? Nawawala sina Inday at Dodong! Nagtanan ata!

6 06 2010
runmdrun

sinasabi ko na nga ba’t may nangyayari diyan kina dudung at enday!

sige, pakikuha ang shotgun! baka maabutan pa natin sila!

9 06 2010
petitay

pa link naman po ako ho. hehe.. thanks. http://www.simplypetitay.blogspot.com salamat po ulit i will link you too on my blog.. im on blog hopping mode. πŸ™‚

10 06 2010
runmdrun

sure thing, petitay!

ano naman ang sagot mo sa tanong^^? πŸ˜€

salamat sa pakikipaghabulan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: