Kamalayang Malaya

14 06 2010

Sa wakas, ang isang taon sa isang tahanan ay natapos sa 6 na kahon. Ang ating pagsasama ay binuod sa 6 na kahon.

Iniwan ko ang mga bagay na hindi na natin kakailanganin pang muli… mga nakaraang nasaktan ka at nasaktan ako.

Hindi ako makapaniwalang malayo na rin ang ating narating.

Ngayon, nagsimula tayo sa anim na kahon, mga alaalang binitbit at gagawing pundasyon ng bagong yugto.

Hinanapan ng lugar sa bagong tahanan ang anim na kahon.

Dito ang mga damit, doon ang mga sapatos…

Konting punas, konting walis…

Urong doon, urong dito…

Buhat…

Inayos ang lahat para umayon sa atin. Lahat inayos para sa bagong simula.

Nawa’y umayon pati ang oras sa akin. Hayaan mong magsimula tayo muli. Itama ang nagawang pagkakamali, baguhin ang dating gawi.

Punuin ang tahanan ng pagmamahalan, gaya ng pagpuno natin ng mga gamit.

Pero kahit gaano kahirap, kapagod, natapos pa rin ang araw sa tabi mo.

Yakap ka.

Sa aking himbing, nakita ko ang mga araw na maaaring na nating gawin sa bagong tahanan. Gigising ako habang tulog ka pa. Hindi muna ako babangon dahil gusto ko munang pagmasdan ang paligid. Baka naman pinaglalaruan lang ako ng isip ko. Kapag humupa na ang mga takot at bumungad na ang kagalakang gumising nga ako sa tabi mo, babangon na ako para pagsilbihan ka. Maaaring magising ka habang pinaghahanda pa kita ng agahan, maaari ring gisingin pa kita sa aking halik para sabay tayong kumain ng agahan at pag-kwentuhan ang mga bagay na gagawin natin sa buong araw.

Kilala kita, matutulog kang muli pagkatapos mong kumain. Pagkatapos linisin ang mga pinagkainan. Uupo ka sa sala upang muling matulog, pero hindi naman ako makapapayag na hindi ka matulog sa aking kandungan.

Ayos na ako sa gano’n. Kahit buong araw ka pa matulog, ayos lang, basta sa aking kandungan ka matulog.

Sa muli mong pagtulog, ibubulong ko sa’yo ang mga salitang hindi ko sinasabi sa’yo. Gaya ng kung gaano kita talaga kamahal… na kung sana, ikaw na lang ang mamahalin ko habang ako’y nabubuhay.

Ikaw ang tahanan ko.

At araw-araw akong mananabik na umuwi sa iyong yakap at halik.

“Ang bahay ay hindi tahanan kung walang nagmamahalan”

Advertisements

Actions

Information

63 responses

14 06 2010
kuhracha

base!

14 06 2010
runmdrun

aba’t gising ka pa ah! ala ka sa plurk?!

15 06 2010
kuhracha

asa plurk ako kagabi. pinipimple pa nga ako sabi ko. tanong ko lang md… baket parang sweet ka?

15 06 2010
Pong

Kungrats mam kuhrach!

15 06 2010
J. Kulisap

Wala munang buhay ang mga salita ni Lolo mo. Palilipasin ko muna ang mga araw na nalalabi para sa paligsahan.

Maraming salamat.

15 06 2010
salbehe

Naalala ko ang kantang Kwarto ng Sugarfree.
Ang tagal mong bakasyon ah! Buti nag-update ka. 🙂

15 06 2010
runmdrun

ang totoo, tumutugtog din ang kantang yan sa isip ko habang sinusulat ko ito… busy kasi nagpe-prepare maglipat and maglipat kaya matagal bago nakapag-update. mushta, salbe? nai-salya mo na ba ang minimithi mo? 😀

15 06 2010
Pong

Ako naman naalala ko ang song na “Home”

Kumusta kuya MD?

15 06 2010
runmdrun

Akchooli, KUYA pong, yung kanta sa taas (kwarto) at ang kantang home ang naiisip ko habang sinusulat ko ito. masyado atang obvious sa naisulat ko. sa totoo lang, lahat naman ng sinusulat ko may connect sa kanta. pwera lang siguro sa tungkol sa PSP hehe…
ayush lang, KUYA pong! ito, masaya kasi bagong lipat na! whew, kapagod as in! pero sobrang worth all the effort and cost!

tumatakbo ka na?

15 06 2010
Pong

oo regular na tuwing thursday ang pagtakbo ko. kuya MD yung “Home” ba na song yung Christian Song ba tinutukoy mo?

15 06 2010
runmdrun

Pwede rin, Home is heaven, one day, Lord, I will live…

Pero yung home na iniisip ko ay yung Home ni Dianna Ross or yung sa Glee ni Kristin Chenowet. 😀

maganda yan… nawa’y ituloy-tuloy mo na. kasi ako, natitigil dahil sa pagod at katamaran hehe.. nawa’y makasabay kitang magtakbu-takbuhan! baka bumili na lang ako ng threadmill… may space na dito sa bahay eh 😀

15 06 2010
Pong

huwaw may pambili na ng threadmill si kuya md.
oo paguwi ko sama akong tumakbo sa iyo!

16 06 2010
runmdrun

ay kuya pong, wala pang pambili… dream pa lang muna.hehe

sana mauna ang pambili ng Lily 😀 para may kasabay na akong tumakbo at may mag-defend sa akin kung sakaling may magbalak ng masama sa akin hehe

15 06 2010
beeftapa

bagong lipat ka pala, bagong simula kasama ng mahal mo. naks naman! 😀

16 06 2010
etchosera

inggit ka tapa 😆

ang ganda ng entry na ito. punong puno ng damdamin.

simpleng pamumuhay pero punong-puno ng pagmamahalan.

padaan, pabasa at paiwan na rin ng bakas.

23 06 2010
beeftapa

hahaha! adik ka etchosera, talagang ako pa nainggit ha? hmmmm… cge na nga, inggit ako. ahahaha

15 06 2010
Ravy

nakatutuwa naman yung post na ito…

“Ang bahay ay hindi tahanan kung walang nagmamahalan”

sa tingin ko, ito ang isa sa mga pinaka magandang post na nagawa mo… md…

hmn… buti na lang may “kamalayang malaya” si kuya kulisap…

galing…

15 06 2010
runmdrun

uy, nako Ravy, ako’y sobrang nafa-flatter (ano ang flatter sa tagalog?)… salamat, salamat… tatlong linggo in the making ang artikulong ito… at pinilit ko talagang walang “hiram” na salita. hindi ko naman hinihiram ang mga salitang yun.. binili ko na yun eh..hehe
mushta kuya?

15 06 2010
Pong

magkano ang bili? ahahahaaha napatawa ako dun
may entry din ako

15 06 2010
timangkey

Nagkakaroon lang ng tahanan kapag me umiiyak. =)

15 06 2010
runmdrun

yung totoo… hindi ko gets?hehe

you mean like kapag may bebe na? or kapag may umiyak na isang miyembro ng tahanan? kapag may nag-away?

sorry kakagising ko lang… hindi pa buo ang sentido ko… wait, balikan ko ito… iniwan ko lang yung utak ko kanina sa may ref eh… mainit kasi, sobra! uy, unang takbo mo ito, timangkey!

salamat sa pakikipaghabulan!

16 06 2010
timangkey

Tahan. Iyak. gets? =)

17 06 2010
runmdrun

aaah, ukey! sabi ko nga eh, tahan… iyak… hehe

16 06 2010
Vajarl

Pati ikaw sumali ka ren! Kantahan kita ng Defying Gravity sige!

16 06 2010
J. Kulisap

Oo Vajee, dahil mahal ako ni MD, ako ba’y mahal mo Vajee? May ilang araw pa.

17 06 2010
runmdrun

oo, labs ko si kuya kulisap eh!

aba! eh, babanatan kita ng: “I’ll Stand By You” hehe

18 06 2010
Vajarl

SUMAMA KA SA VIDEOKE SA 26 AT KAKANTA KO NG TOTAL ECLIPSE OF THE HEART! Hahahahaha!

18 06 2010
runmdrun

saan kayo mag-videoke? baka naman sa mindanao?

17 06 2010
J. Kulisap

Magandang uamaga po sa lahat. Sir Md, how are you?

17 06 2010
runmdrun

okay lang po, lolo..
ito, nag-aadjust pa rin… mejo mahirap humanap ng taxi kapag papasok na… naa-appreciate ko na sila ngayon… hindi ko na inaaway ang mga taxi driver… mahal ko na rin sila. 😀

kaw kuya, musta?

18 06 2010
J. Kulisap

Natutuwa ako para sayo. I know naman mabait ka.

Maayos naman, nagpadala pala ako ng sulat sayo, nabasa mo ba? sa gmail yata ‘yon.

Ingat sila sayo Sir MD.

18 06 2010
runmdrun

nabasa ko na, kuya kuli! walang anuman. Ako ma’y nagulat rin sa nasulat ko. Punong-puno ako siguro ng pagmamahal nung ginawa ko ito. Outpour lang siguro yun ng tunay na nararamdaman ko.

maraming salamat din!

17 06 2010
chevybo

Ang sweet nga, alam mo yun. Pabibilisin niya ang tibok ng puso mo habang binabasa mo ito, pero kasabay nun ang matamis na pag-ngiti.

Tama ka Kuya, malaki ang pinag-kaiba ng bahay sa tahanan…

P.S. Ganda ng kanta ng Lifehouse na Simon. Tungkol san ba yung kanta? hehe. Gawa ka playlist kuya. hehehe. Nagrequest pa talaga.

Ingat at Godbless!

18 06 2010
runmdrun

“makes my heart go faster and slower at the same time” ba ang tinutumbok mo? siguro nga ganun ang nararamdaman ko. minsan maiinis, magkakatampuhan, at kung anu-ano pang bagay na nabanggit sa awiting “Martyr Niyebera” ng Kamikazee, pero at the end of the day, sa tabi niya pa rin ako matutulog. sana lang hanggang sa mag-tagal kami. may option na kasing matulog sa sala eh 😀

PS Uhm, siguro mas maipapaliwanag ko sa iyo sa pagbanggit ng ilang linya sa kanta, “Coz the weak will seek the weaker till they’ve broken… Could you get it back again? Would it be the same? Fulfillment to their lack of strength at your expense, can’t they see the consequence… they tore it down”
More like how people hurt another person as a way to tell themselves that they somehow are stronger than someone else just so they won’t feel so much sorry about themselves for being hurt by someone else.

sige gagawa ako ng playlist sa mga susunod na araw na chevyboi, may kaunteng pinagkakaabalahan lamang ako…

unang takbo mo ito, kaya ito ang sa’yo:

salamat sa pakikipaghabulan!

19 06 2010
chevybo

Tama Kuya parang ganun nga. Kahit gaano ka man naiinis minsan, kahit pinapakunot niya nuo mo sa mga pinag gagawa niya, sa bandang huli, wala ka paring magagawa at ngingiti na lamang sa pagtatapos nang araw. Mahal mo eh. Hehehe.

Tungkol ba yan sa mahihina’t nang aapi Kuya? hehehe. Sensya na islow ako eh. Hahaha. Huwaw, aasahan ko po yan Kuya. Lagay niyo yung mga paborito niyong songs, baka magustuhan ko rin. Hehehe. HIndi kasi puwede makinig ng music dito sa opis eh. Nyahaha.

P.S. Pa request ulet Kuya, palagay Yellow ng Coldplay at Freshman ng The Verve Pipe. nyahaha.

Maraming Salamat!

Ingat at Godbless!

18 06 2010
duking

napakaganda,md.

ang tahanan mo ng pag-ibig,nagbukas na sa iyong harapan.wala akong masasabi kundi namnamin mo ang bawat alingawngaw ng hagikhikan at mga bulong ng pag-ibig na iguguhit sa mga sulok niyan.

ngayon at sa habang buhay na ilalagi mo sa mundo,ariin mo yang sa’yo at ipaglaban ang karapatan araw araw ang inyong pag-ibig.

ramdam ko ang ligaya sa puso.at natutuwa ako para sa’yo.

muli,napakaganda!

18 06 2010
runmdrun

salamat, dukito! 😀

tama, ipaglalaban ang araw-araw ng pag-ibig… upang di magkalayo kailanman pagkat ang tulad niya ay minsan lang sa buhay kohowoh! 😀 na-miss kita dukits ah, musta?

19 06 2010
duking

pangako sa kanya?

hahaha!

peyborit ko yan!

19 06 2010
kayedee

maganda..my puso..hang swit mo naman..wata lucky girl! 🙂

19 06 2010
runmdrun

waha, salamat, mami kaye!

19 06 2010
J. Kulisap

Mommi kaye ka diyan, apo ko yan si Kayedee.

20 06 2010
runmdrun

kung gano’n ang gulo naman ng family tree natin! sino magiging mommy ko? sino daddy ko? who’s ya daddy?

19 06 2010
Pong

Api paders dey!

19 06 2010
runmdrun

happy dada’s day!

20 06 2010
Pong

yehey!

happy dada’s day din sa iyo waling md!

20 06 2010
Vajarl

Run MD, run! Takbo andyan na si MD nangangaen yan!

CONFETTI!

Hahaha.

20 06 2010
runmdrun

Huh?! hindi ko gets… bakit may confetti?

20 06 2010
Vajarl

Ay wala. Sa Plurk yan. Di mo ata nabasa. Hahahahaha

20 06 2010
J. Kulisap

Happy Father’s day daddy MD. How’s Lily?

20 06 2010
runmdrun

Lolo, sa kasalukuyan, wala pa rin si Lily… malamang hindi ko na siya makakasama… nauubusan na ako ng pag-asa… ayaw pumayag eh… sana sa kaarawan ko, makita ko man lang siya. 😀

21 06 2010
J. Kulisap

Aw, aw, aw,aw..dada Md..aw..aw..aw..kulisapaso here.

23 06 2010
pres

masarap umuwi sa tahanan na may naghihintay sayo. masarap tumira sa tahanan na punong puno ng pagmamahalan..

padaan po

24 06 2010
runmdrun

salamat sa pagdaan, pres!

siyang tunay, masarap mabuhay sa mundong puno ng pagmamahalan…

salamat din sa pakikipaghabulan!

29 06 2010
J. Kulisap

Ito po ay Entry Number 11. Salamat po.

1 07 2010
barrycyrus

ayos nung last line 🙂

1 07 2010
runmdrun

salamat din, barrycyrus! pansin kong isa kang fan ng Gossip Girl… sino’ng hula mong Gossip Girl? ako si Dorota! ikaw, sino?

salamat sa pakikipaghabulan! 😀

3 07 2010
Pong

magandang umaga waling md.

4 07 2010
runmdrun

magandang umaga kuya pong… akala ko ba mawawala ka? nakabalik ka na niyan? 😀

4 07 2010
Pong

oo nakabalik na ako kahit hindi naman talaga nawala ahahaha
be blessed waling md.

5 07 2010
J. Kulisap

Update na. I’m still sick

5 07 2010
runmdrun

agoy! wawa naman ang lolo… vaj, palitan mo na ang diapers ni lolo ampanghe na!

5 07 2010
Pong

Tama si kuya kulisap
waling md, update na!

6 07 2010
runmdrun

opo… may binubuo na ako… patience is a virtual 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: