iCaptain Backfire

13 07 2010

Para kay “Ngaw-Ngaw” a.k.a Kreng, Bata, atbp.

I said too much again.

Nagbibiruan lang nung una. Nagtatawanan. Nagaasaran.

Hanggang sa…

Ayun, may nasabi akong hindi mo nagustuhan.

Hindi ka na kumibo.

Sabi nila, “It’s only words”. Pero hindi natin alam na mas matindi pa ang salita.

Isipin niyo nga ang mga salitang nasabi sa inyo na nasaktan kayo, mapa-sadya o hindi…

Marami noh?

Patunay lang yan kung gaano katindi ang epekto ng salita sa tao. Hanggang sa pagtanda mo, madalas matatandaan. Although you learn to forget some, it’s mostly because you got so used to it.

Sticks and stones…

Mas mahirap gamutin ang sugat na dala ng mga salitang nasambit kaysa sa mga sugat na gawa ng mga patpat o bato.

Madalas akong sabihan ni Mrs. Tirones noong high school ako kapag ako’y tinatawag niya para mag-recite at hindi ko masabi ng maayos ang sasabihin ko, “Compose your thoughts”. Pero hindi pa rin ako natuto na mag-isip ng mangilang ulit bago magsalita.

Sa galit mo, may nasabi ka rin. Ouch! I deserve that for being a jerk.

Pero I’m glad na nakita ko rin kung paano ka magalit. At least for now alam ko na kung saan at paano ako lulugar.

Again, sorry! Peace na tayo.

Wag na init ulo, baby.

Dinggin mo, please, payong ito…

Inom tubig, nood ng TV…

Advertisements

Actions

Information

25 responses

13 07 2010
kuhracha

base kami ni pong?!

13 07 2010
runmdrun

ikaw pa lang… wala pa si pong 😀

13 07 2010
kuhracha

si pong at ako ay iisa pagdating sa base. may special power of attorney kami.

14 07 2010
Pong

@waling md
tama si mam kuhrach partner kami sa base
tsaka base talaga kami hindi lang ako nakapagkoment kahapon

ehehehe

14 07 2010
runmdrun

teka, proprietary partnership ba ito?hehehe

13 07 2010
kuhracha

sa mga kapalagayang loob ko, taklesa ako. di ko na pinagiisipan mga sinasabi ko. dun ako madalas makasakit. pero mabilis akong kumambyo once marealize ko pagkakamali sa wordings ko. anu ba sinasabi ko? wala. basta base kami ni pong! yehey!!!

13 07 2010
runmdrun

too much comfort talaga minsan kaya hindi na natin napapansin na may laman na pala sa iba ang sinasabi natin… kaya… ingat! maging sensitibo sa pakiramdam ng iba kung ayaw maubusan ng mga taong gustong kumausap sa’yo.. pwera na lang kung emo-suicidal ka hehe!

tandem na ba kayo ni pong? package deal?hehe

13 07 2010
Ravy

2nd base…

hmn…

mas mahirap talaga kapag hindi mo na rerendahan ang sarili mong dila…

yung maling pilantik lang…

nagkakamali ng impresyon ang bang tao ukol sa sinabi mo…

pero…

ang mga masasamang nasasabi natin sa kapwa…

may pinanggagalingan yan…

maaaring galit…

o inis sa ibang tao…

pero nagkakamaling itinatago natin sa ating puso…

at parang isang basong puno n tubig…

ang ilan sa mga patak nito ay natatapon kapag nababangga…

magandang post md…

13 07 2010
runmdrun

wow, salamat sa magandang ilustrasyon… tubig na naman! hehe

and speaking of tubig kailangan ko nang kumilos kundi sandamakmak na tubig mula sa kalangitan ang bubuhos.. babalikan ko ang mga kument ninyo… salamat ng marami… sorry din ngayon lang nakapag-update… maarte lang 😀

14 07 2010
J. Kulisap

Si Ravy, madalas kong asarin sa chat.
Meron din akong mga inaasar na iba pa, nilayasan ako sa chatting. Sorry naman.
Kapag ganun, hindi na ako nagkukusang makipag-usap sa mga sensitibo, maliban na lang kay Ravy syempre, malulungkot ako kapag hindi ko siya naasar.

Isa lang naman talaga ang ayaw ko, ang mag-inarte ng hindi bagay at wala sa panahon, tinatanggalan ko talaga ng libog sa katawan.

Bihira lamang ang makakaintindi sa akin pero palagay ko maswerte yon, dahil kahit hindi ko sabihing I care, mararamdaman naman ng mga taong iyon.

Normal lang ang asaran pero kapag sobra na at nakakasakit pwedeng humingi ng pang-unawa na nanggaling mismo sa puso ang paghiling nito.

14 07 2010
runmdrun

may mga taong ganyan nga, the way they express how they care is by pang-aasar… madalas nga lang nami-misinterpret nga mga tao… may kilala akong mga taong imbes na manlambing eh mang-aasar at ngayon ko bigla naisip, “aww they really care” hehehe

na-miss ko kayong lahat, sobra.
although, hindi naman ako nawala… tinamad lang mag-update… musta?

15 07 2010
J. Kulisap

Ayos na po pakiramdam ko Sir. Maharot na ako ulit.

May mga totoong tao din naman, iilan lang ‘yan kaya dapat paramihin ang lahi. dapat, kahit hindi mo sabihin ng tahasan, nararamdaman ang totoong layunin mo at niya sa buhay.

14 07 2010
Pong

Naalala ko lamang ang unang post ko ng Storm’s Aftermath
Makapangyarihan ang mga Salita
Ang dila ay hindi tabak ngunit nakakasugat
lahat halos yata guilty sa aspetong ito
Ang maganda talaga ay alam natin ang boundaries at limits natin pagdating sa pananalita o pakikipagbiruan.

Be blessed po!

14 07 2010
runmdrun

try nga natin, asaran tayo!hehehe

hindi naman na daw ako masyadong pikon sabi ng mga kasama ko sa trabaho ngayon… ‘di tulad dati, napaka pikon ko kaya wala na ako masyadong friend nung bata ako. pa’no sinusumbong ko agad sa mama ko hehehe

15 07 2010
salbehe

I forgive you.. Bati na tayo. =)

15 07 2010
runmdrun

talaga?! patunayan nga?! 😀

15 07 2010
kaye

hmm…relate much.

mga lalaki tlaga pag may nagawang kasalanan…

napatawad ka na ba?

15 07 2010
runmdrun

mukha naman pong napatawad na niya ako… nag-uusap na kami at tsaka hindi na niya ako binubugahan ng apoy at nilulusaw ng laser eyes kapag nagkakatinginan kami 😀

i’ve learned my lesson na po

16 07 2010
Vajarl

Para saken, masakit lang ang salita pag nanggaling sa taong uber impurtant sayo. Pero mas masakit kase yung actions na walang kapartner na salita. Yung mga bagay na ginagawa nalang ng walang paliwanag, tapos ikaw maiiwan pag iisip ng ano ba talaga. Hanggang sa mangungulit ka na sa pagbigay nya ng paliwanag, kahit alam mong masasaktan ka. Kumbaga, ikaw na mismo nag iinvite ng words na alam mo namang makakasakit sayo. Pero mas mabuti na yon kesa sa blangko pagdating sa paliwanag, pero nakikita mong may mali.

Teka, may pinaghuhugutan lang. Haha. Atribida.

16 07 2010
runmdrun

tingin ko nga! care to expound, vajayjay?

16 07 2010
Vajarl

Walatulogumales! Bohahahaha!

16 07 2010
MD

paluin kita eh! dun ka na nga, sabi ko tawagin mo si dudung drayber para ihatid na ako sa office eh…

16 07 2010
aninipot

hmmmm, minsan may mga words na lumalabas satin na di naman talaga sinasadya.. lalo na pag masayado kayong close, once nasabihan ako ng insensitive, start nun paranoid na ko sa mga sinasabi ko….hehe

pero sa totoo lang sa part ko mas gugustuhin kong marinig ang totoong nakikita ng taong yon sakin, kahit masakit pero mas gusto kong malaman ang totoo, mahirap kasing mangapa kung tama ba o mali ang nagawa mo.

pero magkaiba naman ang tao, dati lahat dinadamdam ko, pero ngayon trini-tressure ko na ang taong nagsasabi ng totoo… hehe, medyo iba yata ang point ko.. lumihis.

16 07 2010
runmdrun

haha, may point ka rin naman. may mga tao namang OA sa pagkamaramdamin. sa mundong ito, you’ve got to have a thicker skin.
if you get criticized, be mature enough naman na lawakan ang pag-iisip, lahat yan mapa-good or bad ikabubuti ng katauhan mo.

pero syempre, dapat alam rin natin ang limits natin. kapag nakasakit, matutong humingi ng patawad at syempre… subukan at piliting hindi na maulit! hindi naman tayo lahat perpekto, si yasay lang yata!

25 07 2010
duking

kasalanan ng dila,bumubuo o sumisira.kaso,kapag nasabi natin,wala nang salitang makapag papanumbalik pa ulit ng nabitiwan na.

bago mo sabihin,maka-pitong isipin.

totoo yang kasabihan na yan at oo,nagsisinungaling ako kung sasabihin kong ganyan ako.kung anu anu rin ang nabibitiwan ko na salitang nakakasakit minsan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: