Pangarap sa Bayan

17 07 2010

Tuwing umuuwi ako mula sa trabaho, pinipili kong bumaba sa may EDSA, sa may MRT station para baybayin pababa ang kalsada patungo sa building ng bahay namin. Pauwi, madadaanan ko ang isang palengke. Normal na eksena na sa palengke, lalo na sa umaga, ang ingay ng kalsada, dagsa ng mga taong namimili, mga kargador na may bitbit na kalakal, at ang tambak na basurang umaalingasaw sa baho. Sa tuwing nadadaanan ko ang tambak ng basura na ito, naiisip ko: “Lagi na lang ba ganito ang eksena dito? Wala man lang bang gagawa ng paraan para malinis ito at gagawan ng mas maaliwalas na imbakan ng basura?”

Paglakad ko pa ng kaunti, madadaanan ko naman ang isang hilera ng mga bahay na nasa gilid ng kalsada. May mga munting talyer, tindahan, talipapa at paradahan ng mga jeep. Dahil sa isa sa mga kahilera nito ay isang talipapa, nagkalat din ang mga basurang mas masangsang pa sa amoy ng tambak ng basura sa palengke. Ang kaibahan lang eh may mga bahay sa tabi nito. Sa tuwing nadadaan ako dito, naiisip ko: “Paano sila namumuhay sa tambak ng basurang ito? Paano nila nasisikmurang kumain sa amoy ng basura sa labas ng bahay nila? Paano sila nakakatulog sa ingay at gulo ng kalsada? Bakit hindi sila umaalis sa lugar na iyon? Ayaw ba nilang umalis o wala lang silang ibang pagpipilian?”

May nakapagsabi na sa akin dati, at malamang naisingit ko na sa isang nakaraang poste, na hindi totoong kulang ang trabaho sa Pilipinas. Ang totoo, sobra-sobra pa at may mga kumpanyang kulang pa sa trabahador. Ang siste ay ang mga tao ang underqualified. Naniniwala pa rin ako doon. Pero, sa eksenang nakikita ko araw-araw pag-uwi ko, hindi naman siguro tamad lahat ng Pilipino. May mga taong masipag naman, minamalas nga lang sa pagkakataon.

Sabi nila, disiplina ang kailangan ng bansa. Maaaring totoo nga. Mantakin mo nga namang simpleng pagtawid lang ng kalsada hindi pa magawa ng maayos. Sa tuwing pumapasok ako, inaabot ako ng mahigit 5 minuto sa isang 3-way intersection dahil sa gitgitan ng mga sasakyang nagsisingitan, mga taong tumatawid at mga jeep na pilit na nagsasakay sa intersection kung saan hindi pwedeng magsakay. Nadadaanan ko rin ang isang eskwelahan na makikita ko ang mga estudyante sa high school ay nakatambay at ayun may hithit na sigarilyo. Nasasabi ko na lang sa sarili ko, “Ayos! Samantalang ako nagsimulang magkaroon ng bisyo noong kumikita na ako ng sarili kong pera – at tinatago ko pa yun!”

Sa araw-araw na nakikita ko ang mga eksenang ito, nakakapanghinang isipin na baka wala nang bukas ang bansa natin – na kahit sino pa ang mailuklok sa pwesto, ganito at ganito pa rin ang kahihinatnan.

May pag-asa! Ito na yata ang pinaka-nagahasang linya ng mga pulitiko. Sa mga ilang pangakong hindi na natupad at kinalimutan na sa sandaling mapuno ang mga kaja de jiero nila ng salapi. Ito na rin ang linyang inabuso ng mga mamamayan sa pag-aakalang sa pagluklok nila sa napupusuang pulitiko, maaari na silang tumunganga sa harap ng TV habang ang mga anak nila ay nasa kalsada at nanlilimos ng panghahapunan nila sa pag-aakalang dadating na lang ang grasya sa kanila’t biglang kakatok sa pintuan nila.

Sa frustration ko sa kapapanood ng balita sa telebisyon, iniiwasan ko munang manood sa local channels, History tayo ngayon. Natiyempuhan ko ang isang palabas tungkol sa isang Greek mythology. Pinadala ni Zeus, ang Greek chief god, si Pandora para pakasalan si Ephemetheus. Binigyan siya ng isang kahon sa mahigpit na bilin na huwag itong bubuksan. Dahil sa kalahi siguro ni Pandora si Dora, naintriga siya sa laman ng kahon at sinilip ang loob nito. Sa pagangat niya ng takip ng kahon, sumambulat ang lahat ng kasamaan sa mundo. Sumanib siguro sa mga ninuno ng mga pulitikong corrupt, mayayabang, tamad, at mamamatay-tao. Pero matapos lumabas ang lahat ng kasamaan mula sa kahon, ang tanging natira sa loob ay “Pag-asa”.

Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Hindi TAYO dapat mawalan ng pag-asa. Mabugbog man ito sa haba ng araw at mamatay sa ating pagtulog, muli itong babangon sa ating pag-gising.

Ito ang pangarap ko sa bayan, ang manatiling buhay ay ang pag-asa sa bawat isa – na sa bawat pag-hihirap natin ay may matitira pa ring pag-asa.

Ang posteng ito ay lahok sa LLM

Advertisements

Actions

Information

77 responses

17 07 2010
Vajarl

Ang haba naman pakshet pitong mahahabang entry ang tinapos ko kagabe! Babalikan ko to pag sinipag na ko!

Base muna! Bohaha.

17 07 2010
MD

Base ka, vajayjay! beri gud! beri gud!

17 07 2010
Vajarl

Obkors golf course.

17 07 2010
MD

mainam… mainam! gawa ka na rin ng poste mo para yun naman ang chatroom natin!

17 07 2010
Vajarl

Hindi ako sasali dyan Mr. MD man po.

Magalang na bata ako.

17 07 2010
MD

sige na, sali ka na.. it’ll be fun!

17 07 2010
Vajarl

Bigyan mo muna kong lalake.

17 07 2010
MD

isasakripisyo ko na lang sarili ko… basta wag ka mangangagat!

17 07 2010
Vajarl

Pucha MD, walang bastusan. Tao ang hanap ko. TAO.

BOHAHAHA.

17 07 2010
MD

ano akala mo sa akin?! sabagay, isa akong gamu-gamo… may punto ka… (whew, akala ko kakagatin mo na ang pain ko eh) πŸ˜€

17 07 2010
Vajarl

Hindi ako nangangagat. Nanlalapa ako.

Ano, may irereto ka pa? Hahahaha.

17 07 2010
MD

si jakuli! teka, asan na ba yun?! siya na lang muna πŸ˜€

17 07 2010
Vajarl

Tao sabe kolet. Ipis yun, maitim budhi aliping sagigilid gawgaw.

Haha. Inapi eh.

17 07 2010
MD

ayang si Barn! Barn meet Vajarl… Vajarl meet Jesus!hehe

18 07 2010
Pong

yehey vajarl meets Jesus yehey!

17 07 2010
arnie

awwwwww….nauna na pala c vajarl…

secan base…mahaba nga…teka babalik din ako…hahahaha

17 07 2010
MD

sabi ko nga… mahahabaan kayo! sige, balik ka kahit kailan mo gusto.. medyo mainit pa naman eh… i-micro mo na lang pagbalik mo πŸ˜€

17 07 2010
arnie

hehehehe…me music pala kinig muna..

teka walang kuryente atsaka wala din akong micro…

isa lng akong dukha…

17 07 2010
MD

hmmn, lutasin natin yan… magtatakbo ka paikot ng bahay or kahit jog in place lang… tapos ipitin sa kili-kili… siguradong iinit yun… aalat nga lang hehehe

17 07 2010
arnie

need ko din ng lense para mabasa ko…ahahahahaha

hang liliit…ang reklamo ko nman…

teka yang ang pangarap ko…

maubos na ang mga reklamador sa mundo…toinks

bow!!

17 07 2010
MD

wait, ano ba ang internet browser mo? ano gamit mong mouse… may scroll ba ito? laptop?

17 07 2010
arnie

ano ba ang mga yun…hahahaha

17 07 2010
MD

do either one of the following:
> press and hold the CTRL key on your keyboard, while you’re doing that, scroll up or down on your mouse using the wheel thingie in between the left and right mouse button

> if you’re using internet explorer browser, go to View Menu and choose Text size.. choose medium or large

> if you’re near-sighted… hold your head two inches away from your screen and now read!hehe

17 07 2010
arnie

ahahahaha….salamat salamat salamat

17 07 2010
MD

sorry naman, may topak ang wordpress. inakalang spam! hehe

17 07 2010
Vajarl

*evil laugh*

17 07 2010
Vajarl

Wala kang kwentang kausap MD. ASAN KA? ASAN KAAA?!

WALANGYA KA ANONG GINAWA MO KAY ALING BABY?!!

17 07 2010
MD

walang nangyari sa amin ni aling baby! nagkwentuhan lang kame! πŸ˜€

17 07 2010
Vajarl

Nag ano? Nag kwen.. ano? WALANGYA KA! SUSUMBONG KITA KAY MANG BURNEDISYO! YARI KA NANTUTULI YON NG TUMATAKBONG SUPOT (plastic bag)!!

17 07 2010
MD

egsyus me, vajayjay…

isang kasinungalingan yan… hindi ako….

tumatakbo!hahaha

17 07 2010
Vajarl

ANONG IBIG SABIHIN NYANG ‘RUN’ SA RUN MD RUN ABERRR?

Wag mo sabihing ROOOON ang basa dyan?

Pakulong kita dyan eh!

17 07 2010
MD

Run.. as in run for president! or run amok… or run out of time… run dry… Rundy Santiago! πŸ˜›

17 07 2010
arnie

ikaw ba mismo ang tumatakbo na yan sa header mo????

curiuos lang…hahahahaha

17 07 2010
MD

to answer your question… wala akong ganyang sapatos..

effort sa Adobe Photoshop yang header na yan.. bumula kili-kili ko kaka-edit niyan!

17 07 2010
arnie

ayan nasa 1 fourth na ng 100 ang comments natin….hahahaha

gang ngaun di ko pa din nababasa yung post mo MD…lol

17 07 2010
MD

gujab sa atin!hehehe

salamat sa pakikipaghabulan, barn-barn!

17 07 2010
Vajarl

Antagak ng 100 comments inaantok na ko!

17 07 2010
MD

seryoso ka talaga na paabutin sa 100 comments?

17 07 2010
Vajarl

Kung saan kaya. Napipikit na ko. Haha.

17 07 2010
MD

ano ka ba? ok lang.. hindi ko naman gusto manalo dahil sa comments… trip lang tong paabutin sa 100 comments hehehe

17 07 2010
JowJow

ayaaaaan… o sya sige, eto contribution ko… hahaha!!!

17 07 2010
MD

Halu, Jo! Salamat! Dahil diyan “As per ESimara, Cancel N** request” πŸ˜€

17 07 2010
JowJow

hahaha!!! tama!

eto…

rcvd posting inq frm md. cu wants to me to leave a comment on his blog. as per esimara, posting comment on md’s wall. closing w/c…. jm***

hahaha!!!!

17 07 2010
MD

ito: Received request to release the Hounds! Released the hounds via the gates. Sending message to Customer stating “Who let the dogs out?” naks… wag na nating dalhin ang trabaho dito… baka may kung ano pa tayong masabi hehehe

17 07 2010
Ravy

Sang ayon ako sa iyo…

yung pangarap na lang na iyon ang natitirang dapat nating panghawakan..

18 07 2010
MD

tumpak! sali ka rin sa pakontes?

18 07 2010
Vajarl

Hindi ko paren binabasa.

Dumaan lang ako para sabihing tinatamad paren ako basahin. Ang liliit ng letters.

Mareklamo? Hahahaha.

18 07 2010
MD

teka, paano ko ba palalakihan ang mga letra?! hmmn, kung papanoorin ko kaya ng porn! πŸ˜€

18 07 2010
Vajarl

WAHAHAHAHAHA

SHET ANLAKAS NG TAWA KO DON HAHAHAHAHA.

18 07 2010
J. Kulisap

Pag-asa, kapag umaasa, sinasamahan ng gawa.
Ibang katauhan ni Md ang nakikita ko dito.
Sana, inimis mo ang basura, mas hahangaan kita. Sana winisikan mo ng pabango ang amoy sangsang para mas hahangaan kita.
Kung ang ating mga mata at isip ay makapangyarihan, ano pa kung ang kamay ay bibigyan natin ng kapangyarihang kumilos.

18 07 2010
MD

sa totoo lang, yun din ang naisip ko pagtapos kong isulat ito.. puro ako reklamo… sana may ginawa din ako… 😦 opo, lolo jakuli! kikilos na rin ako… pwedeng paunti-unti? hindi naman kaya siguro na biglaan hehe

19 07 2010
J. Kulisap

Hindi naman, by doing our share, di mo mapapansin..ang laki na pala ng pagbabago.
Kahit ako magaling lang akong sumigaw, pero ang kamay ko..kulang sa ginagawa.
Hindi ito bibilhin ng iba, pero walang basagan ng trip.

18 07 2010
yin

THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

18 07 2010
MD

I don’t believe in chain comments! Please post this to 15 blogs to totally end all chain comments!
πŸ˜€

18 07 2010
Pong

Natuwa ako dun sa Pandora at Dora malamang dun kinuha ang name ni Dora ahahaah

Pag-asa wag mawalan nito. When life hurts most…hope…
kailangan ko din yan ngayon.

Plipinas may pag-asa! yun nalang muna dinadigest ko pa.

18 07 2010
MD

kuya pongskie! kamusta?! isa ka rin bang Dora?hehe

18 07 2010
J. Kulisap

Paramihin natin koments ni MD, para manalo siya.

ahahaha.

18 07 2010
MD

haha, salamat sa suporta, kuya jakuli! kamusta po?

18 07 2010
kuhrach

sa tingin ko mananalo kayong lahat. mejo sana makisama lang un trackbak mo kulisap. hahahaha

18 07 2010
MD

hindi, walang pang-showbiz na sagot! sino mananalo?! sumagot ka!hehehe

kamusta mam kuhrach! hindi kayo nakapag-base ni pong! saan na naman kayo nagpunta, aber?! πŸ˜€

18 07 2010
18 07 2010
Vajarl

KUNGRESHEMELEYSHENS!

Default naman pala napagod pa ko mam spam. Haha.

18 07 2010
MD

oo nga eh.. pero kung ano man… salamat pa rin, vajayjay!

19 07 2010
arnie

MD bat ganon….

di ko pa din binabasa…hahahha

cge magbabasa na ako…

πŸ™‚

19 07 2010
MD

mahaba ba masyado?! πŸ˜€

19 07 2010
otep

hi po! maraming salamat sa pagsali.

paki email na lang po yung detalye kung paano ko po maibibigay sa inyo yung t-shirt

real name:
address:
contact number:
size ng t-shirt:

yun lang po. salamat

-otep

19 07 2010
otep

toink. nakalimutan ko kung saan mo e-sisend sa email ko po zef_21@yahoo.com

salamat uli.

20 07 2010
J. Kulisap

Congratulations, panalo tayo. Ahahahha.

20 07 2010
MD

congrats din, kuya!

20 07 2010
Dorm Boy

Ang galing naman tama ka dapat wag mawalan ng pag-asa. Pareho tayong dumadaan sa EDSA. tuloy lang ang buhay! have faith move on move forward Pinas!

21 07 2010
J. Kulisap

Good morning Utoy ko.

21 07 2010
salbehe

Edit ko yung isang paragraph na ginawa dahil na-inspire ako.

______________________

May nakapagsabi na sa akin dati, na hindi totoong kulang ang pag-ibig sa mundo. Ang totoo, sobra-sobra pa at may mga taong kulang pa sa pagmamahal. Ang siste ay ang mga tao ang underqualified. Naniniwala pa rin ako doon. Pero, sa eksenang nakikita ko araw-araw, hindi naman siguro tanga lahat ng Pilipino. May mga taong masipag naman, minamalas nga lang sa pagkakataon.
______________________

Da vah??? Hhihihi. Pumapagibig lang.

21 07 2010
MD

gumaganun talaga?! di bale, may darating din na magmamahal sa’yo… malapit na! πŸ˜€

22 07 2010
Taragis

magaling nag pagkaka gawa! sana nga ay magsimula talaga ang pagbabago sa ating sarili. at magbago rin sana ang pananaw ng marami na hindi lang gobyerno ang dapat kumilos para sa ikagiginhawa ng buhay..

salamat din po sa pagbisita sa http://www.taragis.com ^^ cheers!

25 07 2010
duking

ang hirap mangarap para sa bayan.may mga pangarap kasi ang lahat na kailangan munang isakatuparan.pag satisfied na siguro ang lahat,saka masasabi nating ang pangarap mismo ng bayan para sa sarili nya ay natupad na.

masaya,malusog,may nasyonalidad na lipunan.kung mangangarap siguro ang bayan,yan naman ang gusto nya.

nice post MD.sa ngayon,pag-asa at pag asam lang at munting mabubuting gawa natin ang maaari nating ibahagi para sa napakalaking pangarap ng lahat para sa bayan.

magandang araw!

25 07 2010
Vajarl

Hantamad mag update.

HOY BAT DI KA SUMAMA KAGABE!

25 07 2010
MD

teka lang naman.. busy lang mag-prepare sa HK trip

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: