O Aking Irog!

6 08 2010

Pagbalik ko sa trabaho, may natagpuan akong “Love Letter” sa aking locker (Pasensya na JKuli, hindi ko talaga matagalog yun eh). Maghinay-hinay muna, dahil hindi naman nakapangalan sa akin ang liham na iyon. Siguro nagkamali lang ng hulog yung taong nagpadala ng liham o nilagay doon ng pinagpadalhan. Ewan ko. Basta, natawa lang ako sa kung ano ang nakasulat. Sa wikang ingles ang liham kaya isasalin ko ito sa wikang gamay na gamay ko hindi talaga.

Mahal kong Momay
(hindi tunay na pangalan),

Gusto kong makausap kang muli…
Makita kang muli…
Makasama… makayakap…
Gusto kong ikaw lang ang kapiling habangbuhay…
Gusto kong tumanda kasama ka…
Blah
Blah

Nagmamahal,
Noah
(hindi rin tunay na pangalan)

Agad ko itong pinakita sa mga kasama ko at sama-sama naming pinagtawanan at pinandirihan ang liham. May numero pa ito sa tupi ng liham na para bang hinahangad ni Noah na tawagan o i-text ni Momay. Lalo kaming nandiri! Pagtapos ay amin ring itinapon ang liham.

Naisip ko bigla, bakit kami nagkagano’n? Lahat naman kami’y mga nakakaranas o nakaranas na ng aming tikim sa pag-ibig pero bakit gano’n ang reaksyon namin sa liham na iyon. Oo, may pagka-baduy ang nilalaman ng liham pero hindi ba lahat naman tayo dumaan rin sa gano’n?

Naalala mo noong ika’y nagbibinata o nagdadalaga na sa tuwing dumadaan ang napupusuan eh hindi ka magkahumayaw sa pagtatago sa ilalim ng upuan mo na parang nakikita ka niya? Pero sa loob mo ay kinikilig ang lahat ng buto mo’t kalamnan.

Pag-uwi ko galling opisina at habang naglalakad papunta sa bahay namin, naisip ko ang lagay ng relasyon naming. Nasaang yugto na ba kami? Minsan parang nakakasawa na. Araw-araw na nakikita… minsan nakakainis pa… nakaka-urat!

Siguro normal nang nangyayari sa isang relasyon ang ganito. Plateau-nic stage daw sa wikang ingles. Yung hindi naman bumababa ang lebel ng pag-ibig kundi,”Steady” lang. Hindi nadaragdagan… hindi rin nababawasan.

Pero naisip ko, kung nasa ganoong estado na kami ng aming relasyon, ang susunod ba ay pababa na? Magiging isa na naman ba ako sa mga taong kumakapa sa kawalan at naghahanap ng iibigin muli?

Naisip ko rin ang napakaraming mag-irog na naghiwalay. Naisip kong nakakapanghinayang namang isipin na sa tagal na pinagsamahan, sa dami ng pinagdaanan, ang dalawang taong nagsimula ng may napakaraming bagay na magkaparehas ay maghihiwalay bilang dalawang magkaibang nilalang.

Pagdating sa bahay at pagbukas ko ng pintuan, nakita ko siya at muling napalagay ang loob ko. Naroon siya at ako’y sa kanya. Muli kong natikman ang kanyang halik at naalala kung bakit kami ang magkasama. Muli kong nalaman kung bakit sa kabila ng minsanang pagka-irita ko at kawalan ng pasensya niya ay magkasama pa rin kami. Muli kong naisip na dapat ipagpasalamat ko ang bawat saglit na nakikita ka. Muli kong naisip na sa kabila ng tampuhan, awayan at kung anu-ano pa ay yumayakap ka pa rin sa akin.

Pag-ibig nga naman!

Advertisements

Actions

Information

62 responses

6 08 2010
kuhracha

“… taong nangangapa sa kawalan at naghahanap ng iibigin muli.” – napataas ang kamay ko sabay sabi ng “present!” Shet. I’m one of them lonely people in the world and it’s gonna be fine. Oh no!

Come to mama, you hunkadoodle. Mama’s waiting.

Nice, MD!

8 08 2010
MD

natuwa naman ako’t nagustuhan mo, Ms. Kuh… kamusta?

7 08 2010
Vajarl

Eh tatanga tanga naman pala yan eh! Mag lalableter nalang di pa siguraduhin ang locker! Pano kung napunta sa locker ni Hannibal yan? Boplaks!

MD, umamin ka, nagtatrabaho ka ba sa factory ng biskwit? Hahahaha. Labletter amp. Hahahaha. May number pa. Hahahaha. Akina sasabay ako sa pandidiri! Hahahahahaha.

Hoooooy! Nainlab na ko pero di naman ako ganyan kakurne! Bohahaha. Ansarap manlait. Whew.

O sige na ikaw na may kalantari. Hanapan mo nga ako! :))

Ang totoo eh ayoko muna magseryoso. Ayoko magseryoso sa usaping pag ibig. Maskait sa puso. Mahapdi. Makirot. Oha. Olols.

7 08 2010
Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

[…] 39. MD, Makati 407 Comments by J. Kulisap  /  July 29, 2010  /  Posted in: Buhay at Pag-ibig Pinoy, Pilipino Ako, Usaping Panlipunan Tagged: Akdang Tuluyan, Aliw Pinoy, Di-Pormal, Pag-ibig, Pangangatwiran, Panitikan, Sanaysay, Titik Pinoy « Previous postBundok ng Susong Dalaga […]

7 08 2010
J. Kulisap

Salamat sa love letter ni Noah, nagkaroon ka ng entry.

Ang relasyon ay isang responsibilidad. Hindi lamang kagustuhan ng isa ang laging tama at ang isa ang mali. Kumbaga sa sabong, kahit may tari ang kalaban kung walang susugatan, walang duguan.

Tama ka, bawat araw…ipagpasalamat mo dahil sa bilyong tao sa mundo meron kang naikukuwento.

Paano yong wala

7 08 2010
kayedee

shaks! pag-ibig nga naman!
eto ang nilagay u sa plurk?
gnun tlga minsan pag sobrang inlab ka kakadiri na minsan! lolz

8 08 2010
MD

oo, yan yung nilagay ko sa plurk.

7 08 2010
Lambing

katulad ng sinabi ni mam kuracha present din ako ouch!

kaya dapat ingatan kapag nahanap na ang pag ibig

hahayz pag ibig nga naman 🙂

8 08 2010
MD

tumpak!

7 08 2010
roomboy1987

namarkahan ko na

sana ikaw ang manalo

8 08 2010
MD

salamat, roomboy!

7 08 2010
jongskie721

nagpapasalamat ako dahil ang lalaking natagpuan ko ngayon ay marunong pa din magpadala ng liham-pag ibig 😀 (yan ba ang translation ng love letter?) ehehehe

8 08 2010
MD

napaka-complex kasi ng Filipino language… will love-email count?! 😀

10 08 2010
jongskie721

siguro 😀 ehehehe pwede na yun, sa panahon ngayon na lahat ng bagay eh instant 😀 pwede na yung instant email message wahaha

9 08 2010
leemi

naalala ko yung love notes ni brian mcknight sa music video nya ng Still, pero kinikilig ako dun..
alam ko na kung bakit kayo natatawa dun sa loveletter sa locker, hindi kayo natawa dahil ganun yung nakasulat dun, natawa kayo kase nakarelate kayo dun.. parang symbol lang yung letter kase sa isang part ng life natin, naging ganun tayo kakorni pagdating sa Pa-ibig.. 🙂

9 08 2010
MD

tama ka, leemi! nakikita namin ang mga dati naming kakornihan!

9 08 2010
salbehe

Ang sweet. Pag-ibig nga naman!

9 08 2010
MD

sweet ba, salbe?! i can be so much sweeter!

9 08 2010
kaye

tama ang iyong reflection sa dulo… ang pagibig ay nariyan hindi dahil sa masaya at nakakakilig ang bawat tagpo, kundi dahil sa kabila ng mga minsanang tampuhan ay magkahawak kamay pa rin kayong pinatatawad ang isa’t isa kasabay ng panibagong pagsisimula 🙂

9 08 2010
MD

natumbok mo, mami kaye!

9 08 2010
Super Balentong

sapul na sapul mo parekoy! ganda!

9 08 2010
MD

salamat, super balentong! kaanu-ano mo si duper balentong? o ikaw din yun kapag nag-lebelap!

9 08 2010
J. Kulisap

Maligayang kaarawan.
Ngayon ba o bukas. Ah basta, yong tsokolate ko.

9 08 2010
MD

bukas pa! pero mga ilang oras na lang! wala ngang pinagkaiba ang chocolate sa HK kaysa sa chocolate dito!hehe

10 08 2010
J. Kulisap

Ngayon na? Maligayang Kaarawan.
Wala na akong iba pang sasabihin. Alam mo na.

Basta balik ka HK, para sa tsokolate ko.

9 08 2010
aninipot

hmmm, saa panahon ngayon pag naka-received ka pa ng love letter, isa ka na sa pinakswerteng tao…aba! nag-effort, makaluma man pero aminin natin, it is still one of the sweetest thing na matatanggap natin galing sa ini-irog diba?

9 08 2010
MD

oo naman! wala pa ring tatalo sa old school!

9 08 2010
etchosera

ngayon ko lang nabasa sensia naman MD alam mo naman naiinis kahapon si WP hahaha

10 08 2010
MD

ayos lang! ay oo nga, may 11 pa akong gegreydan!

9 08 2010
duking

ako rin natatawa sa mga kwento’t paraan ng mga pagpapahayag ng pag ibig.

pero minsan,lagi ko pa ring nakikita ang sarili ko.sirang romantiko.hindi ko na magawang tumawa.yun ang nangyayari.

yung huling paragraph,its everything.wala na kong masasabi pa.yun na ang pag ibig sa pinakapayak niyang anyo at pinaka malalim na kahulugan.

10 08 2010
MD

naks! salamat, duking!

10 08 2010
duking

birthday mo daw?happy birthday!

10 08 2010
MD

opo mr duking! salamat ng marami!

10 08 2010
yiN

NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

padaan at patakbo MD!

10 08 2010
MD

salamat sa pakikipaghabulan, yin!

10 08 2010
arnie

pag-ibig nga naman…maxadong mapangharot…hahahaha

teka baka nman ikaw talaga yun…hehehehe

10 08 2010
MD

hindi nga! nagkamali nga lang siguro ng lagay yung nagpadala! hahalughugin ko muli ang locker ko kung mayrun pa hehehe

10 08 2010
Pong

once again has come your birthday
once again the time is here
what a lovely gift from Jesus
He has given you one more year
Happy time on your birthday
Happy time the time is here
What a lovely gift from Jesus
He has given you one more year

Happy birthday to you
Through Jesus with you
God bless you and keep you
The whole worl is in you!

10 08 2010
MD

uhmmn, in tagalog plees!?

biro lang…

salamat, kuya pong!

10 08 2010
Pong

mahirap itagalog yan ahahahaha

pi berdey
anong handa mo?

10 08 2010
MD

uhm, nagluto ako ng sinigang na baboy dito sa bahay!hehe

10 08 2010
-=cuteberl=-

Muli kong naisip na dapat ipagpasalamat ko ang bawat saglit na nakikita ka. Muli kong naisip na sa kabila ng tampuhan, awayan at kung anu-ano pa ay yumayakap ka pa rin sa akin.

tama yang linyang yan. pasok ka doon MD.

10 08 2010
MD

apir! salamat sa pakikipaghabulan!

10 08 2010
Sows

aw. tameees.

buti wlang naligaw kina agua at ronnie..
😆

10 08 2010
MD

may naka-embedd na bendita sa article… tignan mo ulet hehehe

11 08 2010
Vajarl

MD yung widgets mo! Haha. :p

11 08 2010
MD

ano problema sa widgets ko?!

11 08 2010
gnehpalle02

pupuntos muna po ako, balik ako para magkomento…
inunawa at nagmarka… 😀

11 08 2010
MD

aabangan ko ang pagbalik mo! tatandaan ko mukha mo!hehe

11 08 2010
beeftapa

ay may birthday. belated Happy birthday MD 🙂
sana may pasalubong

11 08 2010
MD

naku, paumanhin, davin… wala akong nabiling champoy! 😀 pero salamat sa pagbati!

11 08 2010
Pong

kumusta ang haberdei kahapon?

11 08 2010
MD

natulog lang ako buong maghapon!hehehe rest para sa akin… sa weekend pa ang celebration!

12 08 2010
Vajarl

Suplado neto. Hagisan kita ng butiki eh.

12 08 2010
MD

ano na naman ginawa ko?!

12 08 2010
Arnie

takot sya sa butiki???hahaha

12 08 2010
MD

@Arn-arn… oo, tignan mo ito
–>https://runmdrun.wordpress.com/2010/03/22/si-md%E2%80%A6/

nakakadire kaya!

12 08 2010
Arnie

wala nmang link MD…asan na?? gusto ko ding mandire…toinks 😀

12 08 2010
simplysaycheese

try mo rin hanapin yung mga love letter mo nung sobrang in lab ka

mandidiri ka din at matatawa lol

12 08 2010
MD

sa totoo lang, worse pa sa love letter ni noah ang mga nagawang lableyter ko dati… hehehe salamat sa pakikipaghabulan!

14 08 2010
J. Kulisap

Pabasa MD, para mabuska.

20 08 2010
neil

tsk tsk. mga pakialamero. LOL 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: