If I were rich

4 09 2010

I wanna be a billionaire so freakin’ bad

Well, not so much that I’d become high profile, can’t get to places without a bodyguard or paparazzi following you, or people plot murderous plans to gain my wealth. Gusto ko yung tama lang.

Minsan narinig ko mga katrabaho ko nag-uusap.

Richguy1: Sasabay
ka ba mamaya? (they apparently carpool)

Richguy2: Hindi, umuulan kasi kaya may dala akong kotse

MD: (nakisabat) naks, rich kid! Imbes na payong ang dala, kotse ang dala!


O kaya naman, I’m rich enough that I go to work just to keep myself busy or I do it just for fun. O kaya naman, linya ko kapag sweldo na: “Huh?! Sweldo na naman?! Saan ko naman kaya ilalagay yung barya ko?”

Hindi naman ako nagrereklamo. Sa katunayan, masaya akong lumaki ako sa payak na pamumuhay. Nagpapasalamat ako sa magulang ko na tinuruan kaming pasalamatan ang lahat ng mayroon kami at pag-pursigihan ang lahat ng gusto makamit. Naawa lang ako sa sarili ko everytime papasok ako sa trabaho at umuulan. Gamit ang payong na humatsing lang ako ay babaligtad na, nag-aabang ako ng masasakyan na tumatagal ng 15 to 30 mins. Minsan, nakita ko ang sarili ko na parang yung lalake sa commercial ng bangko na nagsasabing, “Someday, I’m gonna have my own car.” So sad, mga tsong! Tapos biglang matatalsikan ka pa ng tubig ng isang rumaragasang Expedition! So sad, indeed! Daig ko pa ang inaping bida sa isang Soap Opera na pinagbibidahan ni Juday or ni Santino.

Minsan naisip ko, ano kaya pakiramdam ng pinanganak kang mayaman na? Napapag-usapan namin madalas yan.

Kakiskisang siko sila Ayala, Araneta, EDSA, at sila Kris. Breakfast in Hong Kong… followed by brunch in Dubai… lunch in Italy… dinner in Paris… weekends in Santorini… haaay inggit me much!

Tapos on a weekday, if you can’t sleep, you’ll drive out to anywhere in the Metro on your <insert high-end car’s name here>.

Naisip ko bigla, baka may down side din naman ang pagiging rich. Although hindi ko pa malaman ngayon kung ano man yun, ang alam ko na masaya ako ngayong nakaranas ako ng paghihirap sa buhay ko noon. Dahil ngayong nakakaluwang ng kaunti at Taxi na ang sinasakyan hindi na jeep, or naglalakad, mas nakikita ko ang rason kung bakit ko kailangan pagdaanan ang lahat. Mas maa-appreciate mo ang bunga ng lahat ng pinaghirapan mo. Mas iva-value mo lahat ng bagay na kahit paano ay nakamtan mo.

Ngayon masaya pa rin naman akong kakiskisang siko ko ang mga taong hinubog din ng payak na buhay, pinatatag ng paghihirap at pinayaman sa mabubuting loob. Breakfast at my house… followed by yosi brunch in the streets… lunch at work… dinner at my house at weekends with Nani! Oha!

Then again, masarap pa ring mangarap.

Advertisements

Actions

Information

22 responses

5 09 2010
Vajarl

Eh baket may password na ang previous post mo?

5 09 2010
MD

gusto ko eh! 😛

8 09 2010
cheesecake

eto rin yung itatanong ko e

5 09 2010
Pong

2nd beys!

5 09 2010
Pong

ako gusto ko din yumaman, walang masamang magaing mayaman
wala! WALA! WALA!

mangarap ka pong. sige lang!

5 09 2010
MD

tama! walang masamang mangarap!

6 09 2010
duking

marami rin namang cool features ang pagiging mahirap.una,masarap mag amoy araw kahit gabi na.pangalawa,andun lagi yung challenge kung anung tanghalian mo sa halagang 25 pesos.pangatlo,self service ang lahat pati pangarap.

6 09 2010
Vajarl

Nung college ako hindi ako gumagamit ng payong. Hindi dahil sa wala akong pambili kundi dahil ayokong nababasa sya pag umuulan dahil ang hassle magdala pag di ko mapasok sa bag. So anong silbi nya? WALA. Kaya wag ka ng magmaktol sa payong. Pano pa ang kotse, pano mo lalagay sa bag yon aber?

Pag ako yung mayaman as in uber yaman pupunta kong states at mag popropose kay Ed. Tapos magpapakasal kame sa North Pole para maraming elves.

6 09 2010
salbehe

Sa tingin ko, mas masaya tayong may konti lang sa buhay. Konti = tamang pangangailangan lang. Kasi yung mga mayayaman hindi na nila pinaghihirapan kung sakaling may gusto sila. Tayong may konti lang kapag nakuha ang pangarap, major major ang saya.

Then again, masarap pa ring maging mayaman.

6 09 2010
-=cuteberl=-

tama dapat makontento tayo pero di din naman msama ang mangarap basta tam lang ang attitude dito…

6 09 2010
Pong

buhay na ang mga maskara!

at andyan pa din yung LLM Badge waling MD
tapos na ang kontest!

6 09 2010
MD

eh, hindi ko pa nakukuha yung premyo ko eh!

6 09 2010
Pong

sorry naman waling md. huhuhuhuhu

6 09 2010
MD

wag ka na mag-sorry hindi naman ako galet eh! ikaw pa, kuya pong kita eh!

7 09 2010
J. Kulisap

Mayaman ka na MD.

May downside din kahit hindi ako mayaman.

Dati gusto ko ring maging mayaman pero huwag na lang pala. Ok na ako.

Bilang ang kilos mo, may bodyguard ka, wala ka nang magawa kasi parang madali na ang lahat sayo.

Tingnan mo si Paris Hilton ba yan, yong mayamang heredera sa US, gusto lang magpapansin kaya kung anu-anong tinitira. Mayaman daw yon.

7 09 2010
J. Kulisap

Maidagdag ko lang.

Paano mo ba idedefine yong pagiging mayaman? Kung sa pera at materyal, hindi lahat don nakukuha ang kapayapaan ng loob, yong simpleng banat na tawa lamang.

pero depende rin yan kung sino ang Panginoon ng tao.

8 09 2010
cheesecake

masarap maging mayaman (sa materyal na bagay) kung galing ka sa pagiging mahirap. kasi mas naapreciate mo ang mga nakakamit mo kapag pinagpaguran mo ito simula sa umpisa. dito mo malalasap ang tamis ng tagumpay.

kung pinanganak ka na mayaman wala ng thrill. isa pa, sa kabaligtaran kung mayaman ka tapos bigla ka naghirap, ayun patay ka.

8 09 2010
MD

good point yan! pa’no nga naman yung mga likes nila Bill Gates or Kris Aquino kung bigla na lang naging mahirap?

8 09 2010
cheesecake

alam ko si bill gates galing mahirap.

ewan ko lang kung naging pulubi si kris. baka mabaliw yun.

8 09 2010
aninipot

oo nga masarap pangarapin na maging mayaman pero naiisip ko parin ang mga gusto ko lang naman ay mga simpleng bagay na di kayang bilhin ng pera… priceless lahat… aanhin ko naman ang pera kung walang oras ang parents sayo o kaya, madalas trabaho ang nasa isip… at di ka makakapunta sa lahat ng lugar dahil pwedeng kidnapin..hehehe

pero masarap pa ding isipin na once mayaman ka..hahaha, ano ba talaga gusto ko?.. hahaha

8 09 2010
MD

oo, libre lang naman mangarap eh! sa kabilang banda, kung mayaman ka nga pero araw-araw mong iisipin ang seguridad mo… or anytime biglang mawawala lahat ng yaman mo, eh wala ring peace dun! naks!

8 09 2010
sunnystarfish

oo minsan masarap yung magshopping ka ng todo, walang pakialam sa presyo, kumain kahit saan mo gusto, mag out of town pag weekend pero diba nga di lahat binibigay satin kasi kung ganun wala ng thrill ang buhay kung wala ka ng hahanapin pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: