Sana nabibili ang…

11 09 2010

I know, previously naihayag ko ang mga frustration ko sa pagiging dukha o sa hindi gaanong kayamanan. Pero hayaan niyo naman na ihayag ko ang mga bagay na sa katayuan ko ngayon, let me say again for the record na hindi ako mayaman, ay mga mahirap nang maatim. Kung sana lang nabibili ang…

  • Tulog

    Hindi kaila sa lahat na isa sa down-side ng pagiging kolzenner ay kulang ka lagi sa tulog. Andyan yung pauwi ka pa lang eh nasa utak mo na yung kamang hihigaan mo. Sana may makaimbento ng mga sasakyang pampubliko sa pinas na may higaan na at diretso na sa kwarto mo. Kung may pagkakataon mang makatulog, bihira akong makakuha ng mahimbing at diretsong tulog. Andyan yung magigising ka kasi yung kapitbahay naaliw mabuti sa pinapanood o may asong kakahol kasi may kumatok na kartero (muntik ko na makalimutan tagalong ng Mailman). Kung isang mapayapang tanghali naman, magigising ka naman sa init kasi nag-brownout or hindi lang nakayanan ng erkon. Kung minalas-malas ka, lahat ng bagay sa buong universe ay pumirma na sa pagtulog mo kaso hindi ka naman makatulog kasi… wala lang! Trip lang ng diwa mong sariwain lahat ng lyrics ng mga kanta o mag-shimmering flashback sa nakaraan kahit na may bitbit nang pouch ang eyebags mo!

  • Oras

    Although hindi naman talaga kolzenner ang pinapasukan ko, or yung trabaho ko mismo, sa gabi pa rin kailangang mag-trabaho. Gahol sa oras madalas. Pilit hinahabol ang isang bagay na hindi naman mahuhuli. Paglabas ng trabaho, oras naman para mag-enjoy or magpahinga. Marami akong kasamang mga pamilyado na. Sila yung ubod ng hirap ayaing tumambay muna or lumabas lalo na sa weekend kasi syempre naman, iyon lang ang oras nila sa pamilya nila. Sa akin naman, nauubos ng tulog at pahinga ang oras na sana ay ginugol ko para matutong mag-maneho (kahit wala akong tsikot) or magbasa ng libro para may matutunan naman (hindi yung puro sign-board na lang ng bus o laman ng kyumpyuter ang nababasa) or magtatakbo ulet para hindi na lumaki pa lalo ang tyan ko.

Kanina sa opisina dinaing ko ito. Sagot ng ungas kong kasama: “Oo naman, nabibili yan… mag-resign ka!”

Nagimbal ang mundo ko, peeps. Nag-shimmering flashback tuloy ang isip ko sa mga panahong wala akong trabaho at one-scratch-one-beak ako! Yung panahong ako’y nakatihaya sa sahig hanggang sa tubuan ako ng kabute at kabisado ko ang program sa radio at lifestyle network. Yung panahong lahat ng tulog at oras sa mundo ay nasa akin. Yung panahong inggit na inggit ako sa mga kakilala kong may pang-text araw-araw samantalang ako wala kahit pang reply sa napakaimportanteng text!

So mga bata… ano ang natutunan niyo kay MD ngayon?

Advertisements

Actions

Information

16 responses

11 09 2010
salbehe

Wala. Bwahahaha!

11 09 2010
MD

gano’n?!

11 09 2010
Kristinna

Gusto ko yung sagot ng ungas mong opismeyt. Wahaha 😆

11 09 2010
kuhracha

totally agree with salbe. hehehe

11 09 2010
MD

isa ka pa!

11 09 2010
J. Kulisap

Wala din, makikigaya..pag inunahan ng iba. Wala na ‘yan.

Pero magsishare din naman ako. Gatong lang.

Walang madaling trabaho, lahat gugugol ka ng oras at panahon.

Uso na ang call center companies na mas mataas nga naman ang kinikita kumpara sa iba pero ‘yon nga lang, isasakripisyo mo yong normal na “oras” na nakasanayan natin dati.

May choice ka naman. Either, maghanap ng work na pang-umaga or sasanayin mo na lamang ang iyong sarili sa kalakarang ganiyan para makapag-adjust ang iyong katawan.

Ingat.Biogesic.

12 09 2010
Mineas

Run. So veryvery meaningful naman ng kantang yan ni Kitchie nadal. Sinabayan pa ng major major effortless na mind opening na post, ganda: Tma, it’s better to become busy dreaming to have more spare time, rather than to dream na sana magka trabaho ka..

ok na yung may tarbaho.. kesa puro abel cain lang… abel.. cain, abel, cain.. abel, unabel.. aux4 tas cain… cain lang ng cain… 🙂

13 09 2010
MD

waw, natuwa naman ako sa comment na “major major effortless na mind opening na post”! hoy, saan ka nanggaling ah?! ano’ng pinaggagawa mo’t ang tagal-tagal ko nang naghahanap sa’yo!?

14 09 2010
Pong

@mga maskara
tama matagal ka na namin hinhanap

@waling md
baka need mo lang ng leave

15 09 2010
MD

wala nang leave na available… iilang piraso lang kami kaya agawan sa leave… naunahan na ako until the end of the month… kaya naman tinutulog ko na lang nang husto yung weekends ko. kaya pa naman, kuya pong.

17 09 2010
Mineas

ahahaha! ikaw na ang maging beauty queueing! weheheh…

hmn.. nanggaling ako sa wonderland.. balik ulit dun.. sama ka?, or should I say: wander land… 😛

17 09 2010
Mineas

at miss ko na rin naman kayong lahat.. @sir pong…

15 09 2010
aninipot

tama ang officemate mo.. kung gusto mong makuha yong mga sinsabi mong reklamo, magresign ka…hehehe

pero totoo, lahat may kapalit na sakripisyo, baka ngayon lang yan..kelangan mo lang magtiis, kung di kaya maghanap ng ibang trabaho… parang ganun lang kadali no?..pero wala ngang madali.

18 09 2010
Pong

ok nangangampanya ako waling MD
entry #18 ako sa PEBA
entry #14 naman si kuya anjong

kaway!
boto na!

20 09 2010
Sows

natutunan ko pong mgpasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap.

tcher, anong oras po ang lunch break?
😛

20 09 2010
MD

walang lunch break! the whole class IS the lunch break!hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: