Dear Santa,

29 11 2010

Muli dumating na naman ang kaarawan ng pinsan mong si Papa Jesus. At gaya ng dati, muli mo na namang aagawin ang eksena ng mga batang nauto mo dahil mamumudmod ka na naman ng mga regalo. Hindi naman kasi kasing galante mo yung pinsan mo. At gaya rin ng dati, makakalimutan mo na naman daanan ang bahay ko. Alam ko, nag-usap na tayo dati na nung nakaraan hindi na naman ako naging good boy last year kasi ilang beses akong nag-agaw ng taxi, nagmura ng “putanginangshit” – na kahit ilang beses kong i-explain sa’yo na expression lang yun. Pero this time, I’m sure, naging mabait na ako.

Ngunit, subalit, datapwat, kung sa tingin mo ay hindi pa rin ako deserving mabigyan ng regalo, kinidnap ko ang head ng HR Department mo na si Dagul. Kung gusto mo pa siyang makitang buhay, susundin mo ang mga kagustuhan ko:

  • Una, gusto ko ng Mazda MX-5. Araw-araw naglalaway ako napapagod kakahintay ng taxi sa harap ng bahay namin. Panahon na para magkaroon naman na ako ng sarili kong sasakyan.

    Alam ko medyo short ka dahil narinig kong kababawas mo lang ng mga elf sa factory mo kaya okay na rin sa akin ang Mazda 3.

    *pwedeng same color din? Thanks!

  • Pangalawa, rest house sa Boracay. Ito ay suhestyon din ni Binibining Salbe, kaya naisip ko na kung bibigyan mo siya, bigyan mo rin ako, para magkatabi ang resthouse namin.

  • Pangatlo, sige, yung dalawang nauna ay pwedeng i-pending mo muna kasi alam ko matatagalan. Patient naman ako. Pero gusto ko muna bigyan mo ako ng eBook Reader na 3G. Alam mong malabo ang mata ko kaya maliliitan ako kung iPhone lang ang gamit ko.

  • Pang-apat, gusto ko ipa Fat-freezing mo ako para mawala ang mga bilbil ko at matupad na ang pangarap kong magkaroon ng billboard sa Guadalupe bridge. Nakita mo namang sinubukan ko na ang lahat pero wala pa ring epekto kasi tinamad ako bigla at kasalanan mo yan dahil kung pina-lip mo na lang ako ay hindi tayo aabot ditto. Pero ano ginawa mo? Pinlit mo pa rin akong mag-boxing at mag-jogging kahit muntik na akong himatayin nung huling beses.

  • Pang-huli, gusto ko ng DSLR. I know, it is cheesy kasi lahat ng tao mayrun na rin nito. Pero para lang mailabas ko ang creative side ko sa field ng imagery. Syempre isama mo na rin ang isang course ng digital photography. Ito EOS 500D yan. Good daw sa beginners yan eh.

    Sige na please?!

    Love,

    MD, the little boy who lives under the cupboard.

    Para sa Make A Wish List Raffle ni Salbehe

Advertisements

Actions

Information

34 responses

29 11 2010
Pong

beys ako!
bigaten ang mga wish!
go!

29 11 2010
MD

hindi naman masama mangarap, right?! by the way, yung naunang mag-comment yung magbibigay ng kahit isa diyan hehehe

29 11 2010
Tsiremo

Hanep!!! Ruuun DM Ruuun!!!

29 11 2010
mangpoldo

yes, gumaganun oh. pero trip ko yong kindle na yan. tamad na akong magbuklat buklat pa ng libro e.

29 11 2010
MD

hahaha, kasi mahirap naman talaga magbasa kapag napakaliit ng font gamit ang cellphone hehe…

salamat sa pakikipaghabulan mang poldo!

29 11 2010
cheese

ambilis ng comments

di ko pa nagagawa yung listahan ko

29 11 2010
MD

hanggang Dec4 pa naman, ayon kay binibining salbe!

29 11 2010
Pong

pwede niyo din namang bisitahin yung wish ko, namimilit?

29 11 2010
MD

haha, sige po, kuya pong!

29 11 2010
Pong

salamat naman at may natamaan sa pamimilit hahaha

29 11 2010
MD

kahit hindi naman pilitin. kuya kaya kita, kaya susundin kita. malakas ka sa akin eh

29 11 2010
rjbuela

Gusto ko din yung fat-freezing. Haha! πŸ™‚

29 11 2010
J. Kulisap

Mamahalin ang gusto ni Sir MD.

Pakainin lang ako sa turoturo ayos na sa akin. πŸ™‚

30 11 2010
salbehe

Ang taas ng wishlist mo MD, mas mataas pa sa wishlist ko! Salamat sa pagsali!

30 11 2010
athena

hanep yung mga wish ah.. pero oks lng yn go. go, go lng….

1 12 2010
Mental Climax

sana nga totoo si santa.

1 12 2010
MD

hahaha! Naalala ko tuloy yung article na Dear Virginia. Of course, totoo si Santa Claus. Let me quote the article, “Yes, VIRGINIA, there is a Santa Claus. He exists as certainly as love and generosity and devotion exist, and you know that they abound and give to your life its highest beauty and joy. Alas! how dreary would be the world if there were no Santa Claus. It would be as dreary as if there were no VIRGINIAS. There would be no childlike faith then, no poetry, no romance to make tolerable this existence. We should have no enjoyment, except in sense and sight. The eternal light with which childhood fills the world would be extinguished.”

Maligayang Pasko, Mental Climax! Salamat muli sa pakikipaghabulan! Taya ka na sa susunod πŸ˜€

1 12 2010
Mental Climax

ang tagal ko na rin kasing hinihintay si santa claus. bata pa lang ako palagi ko na siyang hinihintay bago sumapit ang pasko.

1 12 2010
MD

Huwag ka na mag-alala. For sure, matutupad din ang mga hiling natin. Maybe not now, and perhaps not in the way we wanted it. πŸ˜€

1 12 2010
kaye

Mental climax, palagay ko, yan ay dahil yung idea natin ng santa claus ay iba-iba. ako, bilang magulang sa mga anak ko ay tumatayo ding santa claus sa kanila tuwing pasko…and whether or not your idea of a santa claus exists only in a child’s imagination, tama ang nasabi sa taas ni MD, the santa clauses of this world exist to magnify the beauty in childlike faith. πŸ™‚

naranasan mo na bang bigyan ng regalo ng mga magulang mo nung bata ka pa lang? kung oo, palagay ko, dapat mo silang ituring na santa claus mo. dahil yun ang isa sa mga papel ng mga magulang na tulad ko. πŸ™‚

1 12 2010
J. Kulisap

Wala naman talagang Santa Klaws, lalo na sa Pilipinas pero ‘yong ‘persona’ na pinoportray ng isang Santa, marami niyan sa mga ordinaryong tao, kaibigan, kasamahan sa grupo, kabarkada, kapatid, magulang, kakilala.

Nasa puso at dugo lang ‘yan. Kapag ang isang tao kasi naniwala na walang “Santa Klaws”, buong buhay siyang alipin ng paghihintay at pagtatanong, at panigurado akong mabibigo lamang siya hangga’t hindi niya iminumulat ang sarili niya na may Santa Klaws, sa puso at isipan ng isang nilalang. πŸ™‚

2 12 2010
Art David

You are so amazing Marcus!!!! I like it!

2 12 2010
Art David

You are so amazing Marcus!!!! I like it! I hope I can read all your blogs its intresting!

2 12 2010
Mental Climax

Bakit naman bitter ang tawag sa akin?

2 12 2010
MD

Don’t you worry about a single thing. Yung post mo, yun na yata ang pinaka-brave mong ginawa and I admire your courage. To be honest with you, I too was furious at first with your comment on Pong’s post. Syempre, naging kuya ko na rin si Pong. But then, it was much too few words for people to be subjective and start calling you names and judging your character. Next time, ingat ka na lang sa mga nilalagay mo. Mga salita lang kasi yan, madaling malagyan ng ibang meaning. Nakita ko na rin ang post mo. Dadalaw ako in a few.

Magandang araw!

2 12 2010
kaye

MC, sorry for that… tingnan mo naman kasi ang sinulat mo kay pong, tas dito sa comment mo kay MD, you doubt the existence of Santa Claus…sunud sunod kasi…anyway, we have yet to really know you, so it’s not fair to judge you.

2 12 2010
Mental Climax

masama ba talaga kapag hindi pinaniniwalaan ang paniniwala ng iba?

3 12 2010
kaye

hindi sa masama. but a lot of times, they may be interpreted differently…at times, they may sound sarcastic even, and you won’t be able to control the way others would interpret it, unfortunately.

I think you should know that there’s a difference in how someone would read what you say and how the same would sound when it’s spoken. To you it may not mean anything but when it’s seen and read by others, pwedeng iba ang dating. Whether you like it or not, that’s really how powerful words are, especially the written kind. Anyway I don’t think I should expound further since you already know this firsthand.

Tulad na lang ng sinabi ko dito. Pwedeng isipin mo na nagagalit ako o pinagagalitan kita, but the truth is, I am just explaining and in my mind and heart, kalmado yan. Hehehe πŸ˜‰

3 12 2010
Mental Climax

πŸ™‚ Ok po. πŸ™‚ Thanks po πŸ™‚

3 12 2010
kaye

ayan, mas gusto ko kapag naka-smile ka. as in πŸ™‚

3 12 2010
MD

ayan, mabuti naman at ayos na kayo… kanina ko pa iniisip kung paano pakakalmahin ang air.. wala naman pala nag-aaway eh.hehe

mabait na bata yang si MC, atsaka si mommy kaye na ang pinaka puno ng love-love-love sa blogworld. mommy ko yan eh. mommy, ano ang dinner mamaya? πŸ˜€

4 12 2010
Jerro

i liked the DSLR thing. napakarami ko kasing pangarap at isa dun ang pag-express ko ng artistic side ko through photography..until then, magtatiyaga muna ako sa 2MP na cam ng f0ne ko.hehe.

4 12 2010
MD

waaah, oddblood! nabuhay kaaa!

5 12 2010
Jerro

yeah.nabuhay uli. gulat ka noh? anyway, masaya ako na after almost a year, maraming blogs pa din na binabasa ko dati ang buhay pa din hanggang ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: