4:20am

19 01 2011

VL ko ngayon kaya ito nagawi na naman ako sa blog ko. Kawawa naman ang blog ko, kahit yung may-ari hindi man lang bisitahin. Nakapag-VL ako ngayon kasi ito yung mga natirang VL ko from last year na hindi ko naman nagamit. Since hindi naman convertible to cash, pinagamit na sa amin for this month.

Galing ako kanina sa dati kong pinagtatrabauhan. Sinamahan ko ang dati kong agent na nag-aapply ulit dun. Bago na ang mga guard na dati ay bumabati pa sa akin ng “Good Morning, Sir!” every time na pumapasok ako at binubuksan pa ang pintuan para sa akin na parang ako ang may-ari ng building. Although andun pa rin yung mga maintenance na dati ay nauutusan ko pang magpagising ng mga agent ko kapag natutulog sila sa sleeping quarters or magpakabit ng mga kung anu-ano sa bulletin board. Hindi na nila ako siguro namumukhaan kasi tumaba na ako or ayaw na lang talaga nila ako kausapin kasi sa dinami-dami ng pinag-uutos ko sa kanila noon (buti nga hindi ko sila inutusang bumili ng pagkain ko eh, kasamaan nang tunay yun)!

Bigla tuloy akong napa-reminisce ng last year ko. Exactly a year ago, nakatunganga ako sa bahay naghihintay magsimula sa trabaho. Hindi ko mawari noon kung nanghihinayang ba ako sa pag-alis ko sa dati kong kumpanya or kinakabahan lang kasi aalis ako sa supervisory position at babalik sa agent post.

Ngayon, wala nang bumabati sa akin pwera lang yung guard sa baba ng building na sa tingin ko lahat naman ginugudmorning niya. Wala na rin akong nauutusan na kumuha ng tubig sa pantry para sa akin. Wala na rin akong urge na pumasok 1 hour before my shift kasi wala naman na akong hahabuling reports na isa-submit sa manager namin.

Pero ‘ika nga, nagkaka-stiff neck lang ang taong walang ibang ginawa kundi pagsisihan ang nagdaan na. Oo, ako lang nagsabi nun.

Bakit 4:20am? Kasi around 4:20am ko rin sinimulang itipa itong post na ito. At konting trivia: Alam niyo bang ang lahat ng orasan sa pelikulang “Pulp Fiction” ay 4:20 ang oras?! Oha, sabi sa inyo may matututunan kayo sa mga blog ko eh.

Advertisements

Actions

Information

14 responses

19 01 2011
Vajarl

Mas gusto ko maging tagasunod in the mean time bago maging bisor. Marame kaseng mga empleyado ang hindi tinetake as seriously as they would older ones sa mga kagaya kong chikiting pa.

Anyways, kung pagbati lang naman ang gusto mo, kaya mo naman mag bati mag isa. Mag bati ka sa office. Sa CR. Ikaw bahala. Hahahaha.

19 01 2011
MD

Nagsimula naman ako sa pagiging agent muna bago ako naging bisor. Nakaka-miss lang yung mga datting perks na nakukuha nung bisor pa ako.
Vajayjay, ang baboy mo! Uy hindi yung ginagawa sa CR sa office ha! Mahirap kaya, baka may makahuli!hehe

19 01 2011
J. Kulisap

Yong totoo, hindi ko pa naranasan ang maging boss. Pano kaya kapag naging boss ako? Boss ba ako o busa-boss? 🙂 Ewan ko lamang, though at some point, may offer naman pero hindi ko tinanggap. Maaaring hindi ko pa kaya ang pasanin na hinihingi ng kumpanya dahil kailangan ko pang matuto nang mas marami pa kesa sa kung ano ang alam ko.

ang gusto ko lamang ngayon, mas malaki-laking sahod, saka na ang pagiging boss. Saka na.

19 01 2011
MD

Although, ngayon same pa rin naman yung sinasahod ko as compared tto what I was earning as a sup… Nakakamiss lang yung mga panahong pwede akong mangaral sa mga ahente ko at boss ang tawag sa akin ng mga tao. Natutunan ko ang gamot sa stiff neck ay aang tumungo. Happy naman ako ngayon sa trabaho ko. At least, sarili ko muna iisipin ko ngayon.

20 01 2011
J. Kulisap

Tama din naman. Minsan masarap magtrabaho ng wala masyadong demand dahil nasa posisyon nga.

Pero ang hinahangaan ko sayo Boss MD ay may pangarap ka. Darating ulit ‘yan. Malay mo, sa labas ng bansa. Singapore, Malaysia o kahit saan sa Asya, maging sa Batanes. 🙂

25 01 2011
MD

agoy si kuya! well, kung alam ko naman kasi sa sarili ko na kaya ko bakit hindi ko papangarapin… ika nga ni Nelson Mandela, there’s nothing enlightened about shrinking so that other people won’t feel insecure around you.
I know I can be the best, so I strive to be the best. Naks… sunod ko ngang post tungkol dito. musta na kuya?

19 01 2011
salbehe

Bukod sa trivia sa pelikula ng Pulp Fiction, natutunan ko sa post mo ito:

“Pero ‘ika nga, nagkaka-stiff neck lang ang taong walang ibang ginawa kundi pagsisihan ang nagdaan na.”

Pak na pak.

19 01 2011
MD

Ayos ba? Ano’ng sinabi nila Aristotle at Confiucius sa akin? Alaws sila!

20 01 2011
glentot

Paborito ko yan si Kuya Quentin at isa ang Pulp Fiction sa mga nagustuhan kong movies nya… Pero hindi ko napansin yung mga relos…

21 01 2011
MD

Malugod akong malaman na paburito mo si Quentin Tarantado, pero wala pa akong napapanood na movie niya – ang loser ko ba? Hindi ko alam kung relos or orasan. Nabasa ko lang yang trivia na yan.

24 01 2011
glentot

Watch mo na dali! Unahin mo Kill BIll, tapos Inglourious Basterds…

25 01 2011
MD

ipon akong DVDs then isang malupet na VL then panonoorin kong sunod-sunod walang kurapan!

24 01 2011
Pong

ako naman 4:30am ako nagigising wala lang hahahaha
ako din minsan iniisip ko kung hindi na lang kaya ako umalis sa pagtuturo?
pero may mga bagay tayong natutunan aminin man natin o hindi.
sabi nga if we want to get up we should know first how to get down and move it all around (song yan)hahaha

enjoy the rest of you VL waling MD.

25 01 2011
MD

komedyante ka rin pala, kuya pong!hehe

well, natuto akong magpakumbaba.

kuya pong, sana pala naka-online ka nung VL ko.. sayang.. na-miss ko na ang walang humpay nating kwentuhan 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: