Wanted, Kuya

29 01 2011

Sila ang mga pamangkin ko. Si Vhon ang nasa kaliwa, si Vince ang nasa kanan. Hindi ako yung astronaut. Sa litratong ito, makikita niyo ba kung sino ang mas pilyo? Clue, hindi yung astronaut.

Born a day after I turned 21, Vhon came in the most unexpected time. I remember he was the cutest little baby, walang bias. Para siyang si Jose Rizal, maliit ang katawan at malaki ang ulo. Si Kuya ko ang kinuhang ninong alinsunod sa nakasanayang tamang order ng pagpili ng ninong kahit na anong pilit ko na ako dapat kasi magkasunod lang kami ng birthday.

Nung lumalaki si Vhon, napansin kong napakatahimik niyang bata. Kapag may kakausap sa kanya, titignan lang niya; laging nakanganga. Todo effort patawanin or pangitiin kapag kinukunan ng picture pero hindi naman suplado or matatakutin sa tao.

Vince was born 2 years after his Kuya Vhon. Nauna akong pumunta sa center nung pinanganak siya. Siguro dahil sa ako ang naunang nagpunta nung pinanganak siya or alinsunod din sa nakagawian, ako ang piniling ninong.

Masungit, suplado at moody. Laging nakakabit sa nanay niya.

Naging busy ako sa trabaho kaya hindi ko nasubaybayan ang paglaki ni Vince. Nakita ko na lang siya ulet nitong December. Umuwi kasi sila mama at papa para dito magbakasyon; unang beses nilang makikita ang bunso nilang apo. Nagulat ako na ibang-iba na ang batang dati’y ayaw magpakarga sa akin. Ngumiti siya at tinawag akong “Dada” (tawag kasi ng mga kamag-anak ko sa akin ay Dan-dan). Pagsambit ni Vince ng Dada, pakiramdam ko kilalang kilala niya ako kahit na dun lang niya ako ulit nakita.

Napansin ko minsan habang naglalaro silang magkapatid, kasama ang mga anak ng mga pinsan namin, na si Vhon ang mas tahimik di tulad ni Vince na paikot-ikot at panay interact sa ibang kalaro. Nakuha ni Vince ang ugali ng daddy niya at nakuha naman ni Vhon ang ugali ko. Maya-maya pa’y dumating na ang kalaro nilang isang malaking bully. Pinagkukuha ang mga laruan at tinulak si Vhon. Hindi nag-react si Vhon at biglang lumapit si Vince at tinulak ang tumulak sa kuya niya. Nung umambang gaganti ang bully sa kanya, bigla namang sumipa si Vince para hindi na makalapit sa kuya niya ang bully. Syempre, bilang tiyuhin nila kunwari sinaway ko ang violence, pero sa loob ko tuwang-tuwa ako.

Don’t get me wrong, hindi ko tinuturuan na maging bayolente or basag-ulo ang mga pamangkin ko. Lalong hindi ko tino-tolerate ang sakitan. Ang kinatuwa ko ay kung paano pinakita ni Vince ang pagmamahal niya sa Kuya niya. Napansin ko na everytime may umaaway sa kuya niya, lumalapit siya sa kanya at hinaharang ang umaaway at pinagtatanggol ang kuya niya.

Dito ako naiinggit sa kanila. Hindi kasi ganun ang mga kapatid ko. Although we grew up together, magkakaiba ang paglaki namin. Si kuya, tahimik lang at hindi nakikisalamuha sa tao kahit kamag-anak. Yung bunso, lahat ng kapitbahay kilala. Ako, yung kilala ko lang kinakausap ko. Hindi ako lumaking may kakampi. Kaya naman nung nagkamuang na ako at nagkaroon ng kakayanang kumita ng pera, bumukod na ako sa mga kapatid ko. Bagay na hindi maintindihan nila mama.

Kapag naaalala ko ang mga pamangkin ko, naiisip ko kung paano ba dapat ang mga magkakapatid. Mas magkatugma ang DNA ng magkapatid kaya dapat mas malalim ang ugnayan. Naiinggit nga ako sa mga kwento ng magkakapatid na sobrang close. Minsan kapag may nakakausap ako, iniisip ko na sana, swap na lang sila ng mga kapatid ko. Hindi naman kasi uso ang heart to heart talk or bonding sa pamilya namin.

Tinitignan ko lagi ang mga picture ng mga pamangkin ko. Nakakatuwa lalo na kapag magkaparehas ang mga damit nila. Naaalala ko noon na sa lahat halos ng picture naming magkakapatid, lagi magkakaparehas ang damit naming. Naiisip ko tuloy, kung ang ugnayan naming magkakapatid ay gaya ng sa mga pamangkin ko. Sana nung may umaaway sa akin nung bata ako, may nagtatanggol din.

Posted with WordPress for BlackBerry

Advertisements

Actions

Information

10 responses

29 01 2011
Vajarl

Teka, hindi kase ako maka get over sa pangalan na VHON. Pano i pronounce yan? Nakakaubos ng hangin!

Emo emo shit ka? For what it’s worth, I am not in any way emotionally invested with any member of my family. I also have an older brother, but he’s I think 8 years older than me. In time I have learned that I can share myself more on people outside our family. That I feel better when I spend time with other people. It’s one of those things that other people think is weird and unacceptable, but it is what it is.

Siguro ang punto ko, kung kaya naman nating maging masaya sa kung anong meron tayo, regardless kung sa pamilya yan or kungh kanino man, keribels na. Yan naman ang gusto naten sa buhay, maging masaya. Hindi ko kailangan ng kapatid na magtatanggol saken kung meron namang ibang tao na pwedeng gumawa non.

Relationship by blood is overrated. People might say that those who are not directly related to you may leave you at any time. But that is not always the case. Posible ren naman na sarili mong kapatid ang manggago sayo.

So cheer up. May Blackberry ka naman eh!

30 01 2011
MD

kapatid ko ang may pakana na VHON ang pangalan. Pinapabago ko nga kasi ito so jejemon, pero maganda naman ang second names nila, Lieuie (like louie na pinaarte) and Liam.
Pareho tayo, mas close sa friends kaysa sa family members. Kaya naman nalungkot lang ako nung nakwentuhan ako ng ibang tao kung gaano sila ka-close sa mga kapatid nila. Kaiinggit much lang. Pero sabi mo nga, it is what it is and I have to make the most of what I am given na lang.
Pero mahal ko pa rin ang mga kapatid ko in a way… in a major way hehe

30 01 2011
J. Kulisap

Normal lamang ang hidwaan sa mga magkakadugo, hindi laging masaya ang tagpo pero naniniwala pa rin ako na ang pamilya ang siyang matatakbuhan kapag nasukol ka na at wala ng mga kaibigan ang dumadamay sayo.

Natutunan ko sa pamilya ko na dapat, magtulungan kami, na dapat pagbuklurin kami ng aming pagkakaiba dahil nga, sila ang kayamanang hindi mabibili ng kahit magkano pa.

Cheesy? Wala akong pakialam. Pakernut

30 01 2011
MD

Well, totoo nga yan pero hindi maiwasang mainggit ako sa ibang magkakapatid na matindi ang bonding.

31 01 2011
salbehe

Nagmana nga sa iyo si Vince.

Usapang kapatid, si Essy (kapatid ko) ang madalas mang-away sa akin and vice versa. Pero kapag may umaway sa akin, si Essy din ang umaaway sa umaaway sa akin. Ang gulo namin, promise!

31 01 2011
MD

Uy hindi ah! Nagmana siya sa ama niyang pilyo! Mabait ako! Mabait ako! MABAIT AKOOOOOO!

2 02 2011
glentot

Sagutin ko lang yung comment mo sa post ko hehehe. Actually unang-una sa list ko yung The Pale Man tapos kinwento ko pa nga kung anong scenario nila ni Ofelia kaso inalis ko kasi naisip ko hindi horror yung film, hindi tugma sa title eh meron na akong special mention na Passion of the Christ hehe kaya inalis ko na lang. Pero isa yung movie na yun sa mga all time favorites ko…

Base sa picture tama ang description mo kay Vince, mukha nga syang mambabasag ng ulo someday. Si Vhon naman yung tahimik na binubully, naku gabayan nyo yan baka maging psycho killer someday heheh joke lang! Wala kasi akong mga kapatid at malayo naman ako sa mga pamangkin ko kaya ganun.

3 02 2011
MD

Talagang dito ka nagpaliwanag ah!hehe
Pan’s Labyrinth is my comfort movie, it’s kinda like little prince and it’s like the little innocent child inside of me who was forced to be mature (and all that emo shit hehe)
Parehas ka sa mga prediction ng mga tita ko. Vhon is really sweet and he’s gonna grow up very pogi and smart like his tito MD hehehe!

6 02 2011
Esmina

WaHahaHa.. nGayuN LanG ako nAdaAn sa BahAy mo, EmdEe.. XenSa naMehN…

wEheHe bOy dRamaNg tuH?..

vhOn?.. Ang kuLit naMan nuNg naMe niYa.. hMn.. dobOL “N” mO Lang jEjemoN nAh..

“Vhon is really sweet and he’s gonna grow up very pogi and smart like his tito MD hehehe!” … -EmDeE

SaNa maY maGtuRo sa kAnYa nG hoNestY … nYeHeEhe..

8 02 2011
shea

padaan..

mema komento lang..

toingks.. pag usapang kuya, marami akong kwento dyan.. dahil LIMANG BARAKO ANG MGA KUYA KO… at ………………

gusto ko ng ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: