Tips Para Sa Mga Susunod Na Bagyo

1 07 2011

We’ve been bombarded by Typhoon Falcon last week and just recently, Davao was devastated by flash floods. Matagal na tayong ganito. Taon-taon sinasalanta tayo ng mga bagyo pero hindi tayo madala-dala. Kaya naman naisip ko na makipag-negotiate na lang sa mga susunod na bagyo.

1. Huwag Kang Kupal. Konting lakas ng hangin, konting ulan… Yun lang, wag kang masyadong pasikat. Wag masyadong manalanta. Third world country kami, maawa ka naman. Dapat steady lang.

2. Iwasan ang weekdays. Dapat weekends lang. Maraming maabala. Oo, matutuwa ang mga batang nag-aaral dahil suspended ang classes. Pero hindi naman waterproof ang mga empleyado.

3. Snow. Instead of puro tubig ka, try mo namang mag-snow. Remember, climate change, yan ang uso. Ulanan mo naman kami ng snow para mauso rin ang trench coat and fur boots. Swear, matutuwa ang 9 Million Filipinos.

4. Forget Legacy. Ok, hindi ka man maalala at magmarka forever sa history bilang isa sa mga memorable bagyos in the country since hindi na nauulit ang pangalan ng mga malalakas na bagyo, may chance ka naman maipangalan ulet next year. Imagine the publicity?!

5. 11 to 3 Window. Kung hindi mo man talaga mapigilan ang iyong hinagpis dahil nautusan ka lang ni Papa God, baka naman pwedeng sa loob ng window na ito ka lang manalnta? I know, 4 hours lang pero sorry, ito lang ang nakikita kong pwede. 11am to 3pm, ito ang oras na pinakamainit. 11pm to 3am, ito yung oras na lahat ng tao ay either tulog or nasa safety na ng opisina.

Anyhow, inihaw, in the end ikaw pa rin ang masusunod. Kahit may issue ngayon sa population control pero sad pa rin malaman na maraming namamatay sa pananalanta ng mga bagyo. Oo, kinukunsensya kita. T@ng#n@ m*, maawa ka naman!

Posted with WordPress for BlackBerry.

Advertisements

Actions

Information

19 responses

1 07 2011
bino

ayun! tama ung oras na un 11am to 3pm para pagpasok ko ng gabi, wala ng ulan. ata msarap ang tulog sa tanghali. hehehe

2 07 2011
MD

Kaysa naman kasi malaking pagsubok ang susuungin para lang pumasok.hehe

1 07 2011
salbehe

I miss this kind of blogging. Yung steady lang, easy reading, witty. 🙂

3 07 2011
MD

Salamas! Huuuy, gusto ko ng avatar mo… Saan mo nakuha?

4 07 2011
salbehe

Bakit ganyan ang tanong mo? Parang magnanakaw akong kumuha na lang ng avatar. Dugo’t pawis ang hirap ko sa paggawa nyan! Joke, nagmakaawa ako kay Eli (busyok.com) na igawa ako ng bagong avatar. 🙂

16 07 2011
MD

Nagtatanong lang naman. Hindi naman kami close kaya ayos na itong avatar na pinagawa at ginawa ko.

1 07 2011
kaye

two thumbs up, MD!

3 07 2011
MD

Thanks, Mommy Kaye!

1 07 2011
Glentot

Hahaha LIKE! Huwag dapat snow, sana bumagyo ng pera. Ewan ko lang kung hindi talaga lumangoy ang mga tao sa baha, at pag pumasok pa ang baha sa bahay ay iwewelcome kahit lagpas tao pa.

Sana maidagdag rin na ang mga next na bagyo ay maging gentle naman sa mga payong. Kung malakas na ang ulan, wag nang hahangin. Kung malakas na ang hangin, wag nang uulan. Scheduling lang.

3 07 2011
MD

Haha, natawa ako sa pera. Ang tawag sa bagyong yun ay: Willie!

2 07 2011
J. Kulisap

Uso naman na ngayon ang teknolohiya, baka may cellphone na rin ang mga bagyo, magtext man lang sa mga tao. Para alam. Piso lang naman. Gasino na ‘yon

3 07 2011
MD

Kuya, ano yung Gasino?

4 07 2011
kaye

ahaahah ! like ko to, pwamis!

MD, ang gasino, ay ginagamit para ipahayag na ang isang bagay ay may di-kalakihang halaga. 🙂

10 07 2011
Chippy

Lavet!!!!!!asteg!!!

12 07 2011
cheesecake

Sure ka sa Bagyo + Snow? hehehe.

patay tayo dyan.

16 07 2011
MD

Huwaynat choknat bundat poknat?! Well, snow lang siguro. Hirap naman ng blizzard, di ba?

21 07 2011
Zen

Pwedeng pwede.. ahehehe.. Natuwa ako dun sa forget the legacy.. Ayan, di tuloy kasi natin malimutan si Ondoy at Rosing, mga nangarir yan eh.. 🙂

31 07 2011
Yvarro

gusto ko din ung eleven to three window .. 😀 saka yung pangarap mong trenchcoat…

usto ko din yung legacy vs publicity.. ewan ko ba… feeling ko may mga mark downs din sila pag hindi nila na meet yung mga metrics nila.. 😀

19 09 2012
Aj Banda

hahaha.. natawa ako sa suggestions mo ah..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: