Takbo!

Isa sa mga natutunan ko nung High School na ang salitang “Takbo” ay isa sa mga salitang maiko-consider nating isang pangungusap. Mayroong “Complete Thought”…

Bakit “Run, MD! Run!”? Bakit hindi? Bakit ka pakielamero?

Sa totoo lang, matagal-tagal na rin akong hindi tumatakbo. Nabuo ang blog pag na “Run, MD! Run!” sa blogspot noong panandaliang nawalan ng trabaho si MD. I’m uberly bored and often awake at around 3 in the morning and gaining so much weight from all the fast food I’ve been slobbing on, kaya I decided to jog. Masarap ang feeling kasi, sa oras na nagja-jog ka, wala kang pakielam sa paligid mo kahit ano pa ang suot mo. Masarap ang pakiramdam na pinagpapawisan ka kasi kumikilos ka. Masarap ang feeling kasi I don’t crave for a stick of cigarette or anything to eat.

But like I said, hindi naman talaga ako avid runner. I just felt at that time, na appropriate ang pangalan para ma-motivate akong mag-jog at least twice a week. Ibig sabihin ba nun ay hindi ko na tatawaging RunMDRun ang blog kong ito? Hell no! Unang una, mahirap maglipat ng mga artikols!

Naisip ko, marami rin pala akong beses na tumakbo sa buhay ko. Gaya noong lumayas ako sa bahay sa araw mismo ng pasko dahil sa pinagtulungan ako ng buong angkan.

Maraming beses na akong tumakbo para iwasan ang mga pangit na nangyari sa buhay ko. In short, layas ako!

Kapag may hindi na magandang nangyayari, tinatakbuhan ko.

Pero naisip ko, hindi naman nalulutas ng pagtakbo ang mga problema mo. Kapag naisipan mong bumalik na, andun pa rin… naghihintay na lutasin mo.

Ngayon, hindi na ako tumatakbo palayo. Tumatakbo na ako papunta sa kinabukasan. Tumatakbo akong may ngiti sa labi at handang harapin ang kung ano man ang humarang sa daan ko.

Tatakbo ako hindi para lumayo… tatakbo ako para marating ang lugar na naghihintay sa akin.

45 responses

2 04 2010
duking

hi about…hahaha!

2 04 2010
runmdrun

hala, bakit pati ito kinomentan mo? bored ka noh? hehehe

2 04 2010
runmdrun

ayusin ko na nga rin ito

6 04 2010
Animsè

huwaw! napaka laman ng pahinang ito?!!! haha!!!

6 04 2010
runmdrun

wag muna pakielaman… under construction pa ito… hayaan mo parangkasing tagal din ng farm ko ito
😀

16 04 2010
lee mi

pa-koment na rin.. kahit wala pang update..=)

14 05 2010
neil

hi MD. pwede mag rekwest? pwede bang pakipalitan yung name ko sa blog roll mo? yung Sa ilalim-Sa ibabaw. Iba na kasi name ng blog ko. Hehe. Sensya na. Epal lang. 😀

14 05 2010
runmdrun

Sure! Sige, update ko…

24 05 2010
yiN

Oh akala ko ba may update dito? Hahaha. Kokoment na rin ako ang tagal nung burgur eh!

24 05 2010
runmdrun

adik! adik! adik! sino naman nagsabi sa’yo na may update na iyan?!

27 06 2010
Ravy

“Tatakbo ako hindi para lumayo… tatakbo ako para marating ang lugar na naghihintay sa akin.” – MD

Nawa’y makita mo na ang finishline ng tinatakbo mo…

28 06 2010
runmdrun

ito naman, parang gusto mo na akong mamatay sa tono ng pananalita mo hehe

28 06 2010
Ravy

Hindi naman…

Kase, kapag napagod ka na…
Maaari ka pa rin namang bumalik, mula sa pagtakbo mo,

Kapag naisipan mo nang umuwi sa tahanan mo…

28 06 2010
J. Kulisap

Siguro nga. Sana magkasalubong tayo sa pagtakbo. Ay pano ba yan lumilipad ako.

28 06 2010
runmdrun

kapag may nag-splat na lang sa mukha ko at pagpahid ko kulay green, ibig sabihin lang nun masyado nang mabilis ang pagtakbo ko at nagkasalubong na tayo 😀

28 06 2010
ajlation

“Kapag may hindi na magandang nangyayari, tinatakbuhan ko.”

nung high school ako, sabi ni titser ko-

ano sa tingin mo ang pagkakaiba nang freedom at escape bilang isang bilanggo!?
then she said, “kung alam mo kung ano, then follow it for in the end you will know what i have told you!

magandang araw sayo kuya MD,,

28 06 2010
runmdrun

uy, nagbalik ka AJ! musta! napakamakabuluhan naman ng sinabi ng guro mo! naalala ko tuloy si Mrs. Tirones na naging dahilan kaya nagustuhan kong magsulat. Sabi niya kasi sa akin, “MD, aanga-anga ka na naman!” “What do you want people to remember you by?”

hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam.hehe

1 07 2010
ajlation

ahahah oo nga hanu!1 napaisip tuloy ako

ano na nga ba nagawa ko na makakapag paalala sa akin….
wala pa eh..parang aanga anga naman ako…

30 06 2010
alaehboi

run…

1 07 2010
runmdrun

uy, alaehboi… ikaw? makikitakbo ka rin?

Salamat sa pakikipaghabulan! 😀

1 07 2010
geylii

gusto ko din tumakbo, lalo na kung palapit sayo . hahaha !
*basa.mode*

1 07 2010
runmdrun

habulin mo ako! 😀

2 07 2010
geylii

ahahaha! .. gusto ko sa beach para nag tatampisaw pa tyo sa tubig

2 07 2010
runmdrun

gusto mo slow-mo? tapos kumikinang-kinang pa yung dagat? at may 30 minute long scene na wala tayong ibang linya kundi ang pangalan ng isa’t isa (nagva-vary lang sa taas at baba ng tono, as long as papalit-palit)?

robot na lang na malaki, daimos na yun ah?! 😀

3 07 2010
geylii

pwede . gustong guto ko yang idea mo, at pag sawa na tayo, sa damuhan naman tayo tatakbo, ako naman dapat hahabulin mo tapos maaabutan mo daw ako .. tapos magpapagulong gulong tayo sa damuhan hahahahahah !

4 07 2010
runmdrun

tapos magugulungan natin ang isang malaking a-a ng kalabaw! hehe

5 07 2010
geylii

hahaha . sweet!:D

6 07 2010
runmdrun

isinit-it?! so sweet, bees envy us! 😀

2 07 2010
chevybo

Naala ko tuloy yung taytel ng isang Chinikulang galing sa Hollywood. Hehehe. Yung “Run Fat Boy Run”. Pero tama ka Kuya, masarap talagang tumakbo, pero hindi para takasan ang problema subalit para tumakbo para sa tagumpay. Naka naman daw yun oh! hahaha. Ingat!

4 07 2010
runmdrun

so pinalalabas mong ako yung fat boy? hindi ako mataba… lumiliit lang yung mga damit ko hehehe

21 08 2010
sunnystarfish

nakitakbo…pero masaya talagang tumakbo…pag nasisira na ulo ko tumatakbo ako…

21 08 2010
MD

salamat sa pakikipaghabulan…

sa susunod ikaw naman ang taya!hehe

3 09 2010
cheesecake

palitan po tayo ng link…

nagwoworkout din ba kayo? me matindi akong tanong tungkol sa pag-gi-gym. hehehe.

4 09 2010
MD

work-out? not anymore. matagal ko nang tinigil kasi nauubos ang oras ko pagtulog hehe

tumatakbo na lang pero paminsan-minsan na lang kapag hindi na tinatamad

ano ba ang matinding tanong mo sa paggi-gym?!

8 09 2010
cheesecake

nasagot na din ser

tungol lang naman sa pagda-diet

kung ano ba dapat kainin para lumaki ang katawan at the same time di lalaki ang chan hehe.

sabi ng fitness expert, wag daw mag diet (panalo to). saka na lang daw kapag malakas na kami bumuhat. 😀

8 09 2010
MD

to gain weight, i’ve read once na dapat you need more calories kaso dapat you match it with more exercise – cardios, cardios, cardios! protein rich, less fat! eggs are surprisingly good for losing weight, sabi daw! pero syempre, too much of something is bad. look for someone you can be with para hindi ka tamarin mag-tatakbo! gaya ko ngayon. wala akong kasama, kaya naman tinatamad na akong tumakbo. medyo dyahe naman tumakbo mag-isa!hehehe

24 09 2010
cheesecake

bukas takbuhan kami dyan sa ayala

first time ko after some years just last week, ayun sumakit ang dibdib ko hehe

30 09 2010
chingoy

pertaymer dito… adding you to my daily reads… 🙂

2 10 2010
MD

sorry, your comment got lost in the spam queue, don’t ask me why.. thanks for visiting my blog… who am i kidding, ganito talaga ang pagbati: Salamat sa pakikipaghabulan! Sa uulitin!

14 02 2011
davmel

Makikitakbo ako para sayo hihihi… ganda ng about page mo, very inspiring tama ka, hindi dapat tinatakbuhan ang mga problema dapat nilulutas, 😀

15 02 2011
MD

naku, salamat sa pakikipaghabulan Davmel!

6 03 2011
f

sakto…may tula ako para sa pagtakbo..hihihi

12 03 2011
doon po sa amin

hello. “]

masarap tumakbo – palayo man o palapit.

napadaan lang po. 😀

16 03 2011
queenjg

May idea ako sa blog na to. During hard times, pwede mo sya palitan ng name: Run, MD! Run! In stilletos!

16 03 2011
MD

Haha, maganda yan JG!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: