Sana nabibili ang…

11 09 2010

I know, previously naihayag ko ang mga frustration ko sa pagiging dukha o sa hindi gaanong kayamanan. Pero hayaan niyo naman na ihayag ko ang mga bagay na sa katayuan ko ngayon, let me say again for the record na hindi ako mayaman, ay mga mahirap nang maatim. Kung sana lang nabibili ang…

  • Tulog

    Hindi kaila sa lahat na isa sa down-side ng pagiging kolzenner ay kulang ka lagi sa tulog. Andyan yung pauwi ka pa lang eh nasa utak mo na yung kamang hihigaan mo. Sana may makaimbento ng mga sasakyang pampubliko sa pinas na may higaan na at diretso na sa kwarto mo. Kung may pagkakataon mang makatulog, bihira akong makakuha ng mahimbing at diretsong tulog. Andyan yung magigising ka kasi yung kapitbahay naaliw mabuti sa pinapanood o may asong kakahol kasi may kumatok na kartero (muntik ko na makalimutan tagalong ng Mailman). Kung isang mapayapang tanghali naman, magigising ka naman sa init kasi nag-brownout or hindi lang nakayanan ng erkon. Kung minalas-malas ka, lahat ng bagay sa buong universe ay pumirma na sa pagtulog mo kaso hindi ka naman makatulog kasi… wala lang! Trip lang ng diwa mong sariwain lahat ng lyrics ng mga kanta o mag-shimmering flashback sa nakaraan kahit na may bitbit nang pouch ang eyebags mo!

  • Oras

    Although hindi naman talaga kolzenner ang pinapasukan ko, or yung trabaho ko mismo, sa gabi pa rin kailangang mag-trabaho. Gahol sa oras madalas. Pilit hinahabol ang isang bagay na hindi naman mahuhuli. Paglabas ng trabaho, oras naman para mag-enjoy or magpahinga. Marami akong kasamang mga pamilyado na. Sila yung ubod ng hirap ayaing tumambay muna or lumabas lalo na sa weekend kasi syempre naman, iyon lang ang oras nila sa pamilya nila. Sa akin naman, nauubos ng tulog at pahinga ang oras na sana ay ginugol ko para matutong mag-maneho (kahit wala akong tsikot) or magbasa ng libro para may matutunan naman (hindi yung puro sign-board na lang ng bus o laman ng kyumpyuter ang nababasa) or magtatakbo ulet para hindi na lumaki pa lalo ang tyan ko.

Kanina sa opisina dinaing ko ito. Sagot ng ungas kong kasama: “Oo naman, nabibili yan… mag-resign ka!”

Nagimbal ang mundo ko, peeps. Nag-shimmering flashback tuloy ang isip ko sa mga panahong wala akong trabaho at one-scratch-one-beak ako! Yung panahong ako’y nakatihaya sa sahig hanggang sa tubuan ako ng kabute at kabisado ko ang program sa radio at lifestyle network. Yung panahong lahat ng tulog at oras sa mundo ay nasa akin. Yung panahong inggit na inggit ako sa mga kakilala kong may pang-text araw-araw samantalang ako wala kahit pang reply sa napakaimportanteng text!

So mga bata… ano ang natutunan niyo kay MD ngayon?





If I were rich

4 09 2010

I wanna be a billionaire so freakin’ bad

Well, not so much that I’d become high profile, can’t get to places without a bodyguard or paparazzi following you, or people plot murderous plans to gain my wealth. Gusto ko yung tama lang.

Minsan narinig ko mga katrabaho ko nag-uusap.

Richguy1: Sasabay
ka ba mamaya? (they apparently carpool)

Richguy2: Hindi, umuulan kasi kaya may dala akong kotse

MD: (nakisabat) naks, rich kid! Imbes na payong ang dala, kotse ang dala!


O kaya naman, I’m rich enough that I go to work just to keep myself busy or I do it just for fun. O kaya naman, linya ko kapag sweldo na: “Huh?! Sweldo na naman?! Saan ko naman kaya ilalagay yung barya ko?”

Hindi naman ako nagrereklamo. Sa katunayan, masaya akong lumaki ako sa payak na pamumuhay. Nagpapasalamat ako sa magulang ko na tinuruan kaming pasalamatan ang lahat ng mayroon kami at pag-pursigihan ang lahat ng gusto makamit. Naawa lang ako sa sarili ko everytime papasok ako sa trabaho at umuulan. Gamit ang payong na humatsing lang ako ay babaligtad na, nag-aabang ako ng masasakyan na tumatagal ng 15 to 30 mins. Minsan, nakita ko ang sarili ko na parang yung lalake sa commercial ng bangko na nagsasabing, “Someday, I’m gonna have my own car.” So sad, mga tsong! Tapos biglang matatalsikan ka pa ng tubig ng isang rumaragasang Expedition! So sad, indeed! Daig ko pa ang inaping bida sa isang Soap Opera na pinagbibidahan ni Juday or ni Santino.

Minsan naisip ko, ano kaya pakiramdam ng pinanganak kang mayaman na? Napapag-usapan namin madalas yan.

Kakiskisang siko sila Ayala, Araneta, EDSA, at sila Kris. Breakfast in Hong Kong… followed by brunch in Dubai… lunch in Italy… dinner in Paris… weekends in Santorini… haaay inggit me much!

Tapos on a weekday, if you can’t sleep, you’ll drive out to anywhere in the Metro on your <insert high-end car’s name here>.

Naisip ko bigla, baka may down side din naman ang pagiging rich. Although hindi ko pa malaman ngayon kung ano man yun, ang alam ko na masaya ako ngayong nakaranas ako ng paghihirap sa buhay ko noon. Dahil ngayong nakakaluwang ng kaunti at Taxi na ang sinasakyan hindi na jeep, or naglalakad, mas nakikita ko ang rason kung bakit ko kailangan pagdaanan ang lahat. Mas maa-appreciate mo ang bunga ng lahat ng pinaghirapan mo. Mas iva-value mo lahat ng bagay na kahit paano ay nakamtan mo.

Ngayon masaya pa rin naman akong kakiskisang siko ko ang mga taong hinubog din ng payak na buhay, pinatatag ng paghihirap at pinayaman sa mabubuting loob. Breakfast at my house… followed by yosi brunch in the streets… lunch at work… dinner at my house at weekends with Nani! Oha!

Then again, masarap pa ring mangarap.





Pangarap sa Bayan

17 07 2010

Tuwing umuuwi ako mula sa trabaho, pinipili kong bumaba sa may EDSA, sa may MRT station para baybayin pababa ang kalsada patungo sa building ng bahay namin. Pauwi, madadaanan ko ang isang palengke. Normal na eksena na sa palengke, lalo na sa umaga, ang ingay ng kalsada, dagsa ng mga taong namimili, mga kargador na may bitbit na kalakal, at ang tambak na basurang umaalingasaw sa baho. Sa tuwing nadadaanan ko ang tambak ng basura na ito, naiisip ko: “Lagi na lang ba ganito ang eksena dito? Wala man lang bang gagawa ng paraan para malinis ito at gagawan ng mas maaliwalas na imbakan ng basura?”

Paglakad ko pa ng kaunti, madadaanan ko naman ang isang hilera ng mga bahay na nasa gilid ng kalsada. May mga munting talyer, tindahan, talipapa at paradahan ng mga jeep. Dahil sa isa sa mga kahilera nito ay isang talipapa, nagkalat din ang mga basurang mas masangsang pa sa amoy ng tambak ng basura sa palengke. Ang kaibahan lang eh may mga bahay sa tabi nito. Sa tuwing nadadaan ako dito, naiisip ko: “Paano sila namumuhay sa tambak ng basurang ito? Paano nila nasisikmurang kumain sa amoy ng basura sa labas ng bahay nila? Paano sila nakakatulog sa ingay at gulo ng kalsada? Bakit hindi sila umaalis sa lugar na iyon? Ayaw ba nilang umalis o wala lang silang ibang pagpipilian?”

May nakapagsabi na sa akin dati, at malamang naisingit ko na sa isang nakaraang poste, na hindi totoong kulang ang trabaho sa Pilipinas. Ang totoo, sobra-sobra pa at may mga kumpanyang kulang pa sa trabahador. Ang siste ay ang mga tao ang underqualified. Naniniwala pa rin ako doon. Pero, sa eksenang nakikita ko araw-araw pag-uwi ko, hindi naman siguro tamad lahat ng Pilipino. May mga taong masipag naman, minamalas nga lang sa pagkakataon.

Sabi nila, disiplina ang kailangan ng bansa. Maaaring totoo nga. Mantakin mo nga namang simpleng pagtawid lang ng kalsada hindi pa magawa ng maayos. Sa tuwing pumapasok ako, inaabot ako ng mahigit 5 minuto sa isang 3-way intersection dahil sa gitgitan ng mga sasakyang nagsisingitan, mga taong tumatawid at mga jeep na pilit na nagsasakay sa intersection kung saan hindi pwedeng magsakay. Nadadaanan ko rin ang isang eskwelahan na makikita ko ang mga estudyante sa high school ay nakatambay at ayun may hithit na sigarilyo. Nasasabi ko na lang sa sarili ko, “Ayos! Samantalang ako nagsimulang magkaroon ng bisyo noong kumikita na ako ng sarili kong pera – at tinatago ko pa yun!”

Sa araw-araw na nakikita ko ang mga eksenang ito, nakakapanghinang isipin na baka wala nang bukas ang bansa natin – na kahit sino pa ang mailuklok sa pwesto, ganito at ganito pa rin ang kahihinatnan.

May pag-asa! Ito na yata ang pinaka-nagahasang linya ng mga pulitiko. Sa mga ilang pangakong hindi na natupad at kinalimutan na sa sandaling mapuno ang mga kaja de jiero nila ng salapi. Ito na rin ang linyang inabuso ng mga mamamayan sa pag-aakalang sa pagluklok nila sa napupusuang pulitiko, maaari na silang tumunganga sa harap ng TV habang ang mga anak nila ay nasa kalsada at nanlilimos ng panghahapunan nila sa pag-aakalang dadating na lang ang grasya sa kanila’t biglang kakatok sa pintuan nila.

Sa frustration ko sa kapapanood ng balita sa telebisyon, iniiwasan ko munang manood sa local channels, History tayo ngayon. Natiyempuhan ko ang isang palabas tungkol sa isang Greek mythology. Pinadala ni Zeus, ang Greek chief god, si Pandora para pakasalan si Ephemetheus. Binigyan siya ng isang kahon sa mahigpit na bilin na huwag itong bubuksan. Dahil sa kalahi siguro ni Pandora si Dora, naintriga siya sa laman ng kahon at sinilip ang loob nito. Sa pagangat niya ng takip ng kahon, sumambulat ang lahat ng kasamaan sa mundo. Sumanib siguro sa mga ninuno ng mga pulitikong corrupt, mayayabang, tamad, at mamamatay-tao. Pero matapos lumabas ang lahat ng kasamaan mula sa kahon, ang tanging natira sa loob ay “Pag-asa”.

Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Hindi TAYO dapat mawalan ng pag-asa. Mabugbog man ito sa haba ng araw at mamatay sa ating pagtulog, muli itong babangon sa ating pag-gising.

Ito ang pangarap ko sa bayan, ang manatiling buhay ay ang pag-asa sa bawat isa – na sa bawat pag-hihirap natin ay may matitira pa ring pag-asa.

Ang posteng ito ay lahok sa LLM





Spectacular!

18 05 2010

Matagal-tagal na rin akong tumitingin sa mundo gamit ang antipara. Nagsimula noong kolehiyo ako, unti-unti nang lumalabo ang paningin ko.

Akala ko noon, mga matatalino lang ang nagsusuot nito. Totoo pala!

Sinubukan ko dati noong bata pa ako na suotin ang salamin ng Mama ko. Ayun, pag-uwi ng bahay, nagsuka ako buong araw!

Mabalik tayo sa unti-unting paglabo ng mga mata ko. Akala ko noon, normal lang na nakakalampas na ang mga Jeep na sinasakyan ko pauwi bago ko mabasa ang signboard. Iniisip ko baka naman kasi kapag gabi lang lumalabo ang mata ko. Hanggang sa kahit umaga, hindi na ako nakakarecognize ng mukha ng tao.

Hinala ko, dahil ito sa pagbabasa ko ng libro kahit madilim. Kahit kasi bago matulog, may bitbit pa rin akong libro. I used to share rooms with my older brother. Nauuna siyang matulog at kapag nawili ako sa pagbabasa, minsan magigising na lang yun at bubulyawan ako na patayin na ang ilaw. Kahit na patay ang ilaw, tuloy pa rin ako sa pagbabasa gamit ang ilaw ng cellphone. At alam niyo naman kung gaano kaliwanag ang mga naunang cellphone.

Matagal rin bago natigil ang masamang habit na iyon.

Dumating ang panahon at hindi na ako umuupo sa likuran ng klase. Hindi ko na nagagawa ang mga nakasanayan ko – matulog sa klase, mangodigo, makipagkulitan, makipagkopyahan, makipagdaldalan, mag-drawing ng professor, at kung anu-ano pa. Napilitan rin akong pag-aralan mabuti ang asignatura, dahil siguradong kapag may tanong ang guro, magtatanong iyon sa taong nasa harap.

Hanggang sa nagpagawa na rin ako ng salamin. Nakakapanibago. Maraming gawain noon ang may kahirapang gawin kapag naka-salamin gaya ng paglalamutak ng mukha kapag nababanas ka o ang pagpupunas ng pawis sa mukha. Pero napansin ko na nagsimulang seryosohin na ako ng mga tao simula noong nagsalamin ako. Nanalo ako ng sa isang patimpalak ng mga manunulat.

Pagpasok ko naman sa pagtatrabaho, nadiskubre ko naman ang contact lens. Marami nanibago at nagustuhan ang sinasabi nilang pagka-aliwalas ng mukha ko kapag hindi ko suot ang mga salamin ko. Pero noong panahon na noong nag-apply ako ng promotion para maging Team Leader, pinayuhan akong magsuot ng salamin sa Interview ko. Ayaw raw kasi ng Site Director ng mga bata. Sinunod ko ang payo niya at nakapasa nga naman ako.

Malayo ang narating ko sa mga salaming ito. Ang mga salaming ito ang tumulong sa akin upang makita ang mundo ng mas malinaw – may direksyon. Maaari akong magsuot ng contact lens para maging kaaya-aya sa mata ng iba, pero mas marami pa rin akong magagawa suot ang mga salamin na ito. Pwede akong matulog, mag-swimming, magpuyat at kung anu-ano pa.

I may look like more of a dork when I wear it… at least, uhm…

Yeah, who am I kidding! Ok, I look like a dork! Whatever!

😀
Gusto pang magbasa ng tungkol sa salamin? Dalawin ang Pitong Maskara





With or Without You

27 04 2010

Hindi ko alam kung bakit mo ako kailangang papahirapan ng ganito. Sa kasalanang ginawa ko, ganun ba kabigat sa’yo na hanggang ngayon ay hindi mo makalimutan ang ginawa ko.

Oo na. Nagkamali na ako noon. Patawad na.

Hindi pa ba sapat ang makita mo akong ganito araw-araw?

Ano pa ba ang pwede kong gawin para lang makalimutan mo na iyong ginawa ko?

Siguro nga hindi mo ako ganoon kamahal ‘di gaya ng sinasabi mo. Ayon sa mga natutunan ko kasi, “Lahat ng taong marunong magmahal, marunong magpatawad.” At ang nagmamahal, hindi nagtatala ng pagkakamali.

Hanggang kalian mo ba gagawin sa akin ito?

Magsalita ka naman.

Please?





Knock-knock… Who’s there?

9 04 2010

May ishe-share lang akong mabilis.

Kanina pag-uwi ko sakay ako ng isang Jeepney (oo, marunong na akong mag-commute)… Habang bumabiyahe ang sasakyan sa kahabaan ng Ayala, may kumatok sa jeep para pumara…

Pasahero: *knocks on roof… Ma, sa kanto lang…

Driver: Sige, pasok… bukas ‘yan…

MD: LOLz