Pangarap sa Bayan

17 07 2010

Tuwing umuuwi ako mula sa trabaho, pinipili kong bumaba sa may EDSA, sa may MRT station para baybayin pababa ang kalsada patungo sa building ng bahay namin. Pauwi, madadaanan ko ang isang palengke. Normal na eksena na sa palengke, lalo na sa umaga, ang ingay ng kalsada, dagsa ng mga taong namimili, mga kargador na may bitbit na kalakal, at ang tambak na basurang umaalingasaw sa baho. Sa tuwing nadadaanan ko ang tambak ng basura na ito, naiisip ko: “Lagi na lang ba ganito ang eksena dito? Wala man lang bang gagawa ng paraan para malinis ito at gagawan ng mas maaliwalas na imbakan ng basura?”

Paglakad ko pa ng kaunti, madadaanan ko naman ang isang hilera ng mga bahay na nasa gilid ng kalsada. May mga munting talyer, tindahan, talipapa at paradahan ng mga jeep. Dahil sa isa sa mga kahilera nito ay isang talipapa, nagkalat din ang mga basurang mas masangsang pa sa amoy ng tambak ng basura sa palengke. Ang kaibahan lang eh may mga bahay sa tabi nito. Sa tuwing nadadaan ako dito, naiisip ko: “Paano sila namumuhay sa tambak ng basurang ito? Paano nila nasisikmurang kumain sa amoy ng basura sa labas ng bahay nila? Paano sila nakakatulog sa ingay at gulo ng kalsada? Bakit hindi sila umaalis sa lugar na iyon? Ayaw ba nilang umalis o wala lang silang ibang pagpipilian?”

May nakapagsabi na sa akin dati, at malamang naisingit ko na sa isang nakaraang poste, na hindi totoong kulang ang trabaho sa Pilipinas. Ang totoo, sobra-sobra pa at may mga kumpanyang kulang pa sa trabahador. Ang siste ay ang mga tao ang underqualified. Naniniwala pa rin ako doon. Pero, sa eksenang nakikita ko araw-araw pag-uwi ko, hindi naman siguro tamad lahat ng Pilipino. May mga taong masipag naman, minamalas nga lang sa pagkakataon.

Sabi nila, disiplina ang kailangan ng bansa. Maaaring totoo nga. Mantakin mo nga namang simpleng pagtawid lang ng kalsada hindi pa magawa ng maayos. Sa tuwing pumapasok ako, inaabot ako ng mahigit 5 minuto sa isang 3-way intersection dahil sa gitgitan ng mga sasakyang nagsisingitan, mga taong tumatawid at mga jeep na pilit na nagsasakay sa intersection kung saan hindi pwedeng magsakay. Nadadaanan ko rin ang isang eskwelahan na makikita ko ang mga estudyante sa high school ay nakatambay at ayun may hithit na sigarilyo. Nasasabi ko na lang sa sarili ko, “Ayos! Samantalang ako nagsimulang magkaroon ng bisyo noong kumikita na ako ng sarili kong pera – at tinatago ko pa yun!”

Sa araw-araw na nakikita ko ang mga eksenang ito, nakakapanghinang isipin na baka wala nang bukas ang bansa natin – na kahit sino pa ang mailuklok sa pwesto, ganito at ganito pa rin ang kahihinatnan.

May pag-asa! Ito na yata ang pinaka-nagahasang linya ng mga pulitiko. Sa mga ilang pangakong hindi na natupad at kinalimutan na sa sandaling mapuno ang mga kaja de jiero nila ng salapi. Ito na rin ang linyang inabuso ng mga mamamayan sa pag-aakalang sa pagluklok nila sa napupusuang pulitiko, maaari na silang tumunganga sa harap ng TV habang ang mga anak nila ay nasa kalsada at nanlilimos ng panghahapunan nila sa pag-aakalang dadating na lang ang grasya sa kanila’t biglang kakatok sa pintuan nila.

Sa frustration ko sa kapapanood ng balita sa telebisyon, iniiwasan ko munang manood sa local channels, History tayo ngayon. Natiyempuhan ko ang isang palabas tungkol sa isang Greek mythology. Pinadala ni Zeus, ang Greek chief god, si Pandora para pakasalan si Ephemetheus. Binigyan siya ng isang kahon sa mahigpit na bilin na huwag itong bubuksan. Dahil sa kalahi siguro ni Pandora si Dora, naintriga siya sa laman ng kahon at sinilip ang loob nito. Sa pagangat niya ng takip ng kahon, sumambulat ang lahat ng kasamaan sa mundo. Sumanib siguro sa mga ninuno ng mga pulitikong corrupt, mayayabang, tamad, at mamamatay-tao. Pero matapos lumabas ang lahat ng kasamaan mula sa kahon, ang tanging natira sa loob ay “Pag-asa”.

Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Hindi TAYO dapat mawalan ng pag-asa. Mabugbog man ito sa haba ng araw at mamatay sa ating pagtulog, muli itong babangon sa ating pag-gising.

Ito ang pangarap ko sa bayan, ang manatiling buhay ay ang pag-asa sa bawat isa – na sa bawat pag-hihirap natin ay may matitira pa ring pag-asa.

Ang posteng ito ay lahok sa LLM

Advertisements




Blangko

25 04 2010

Walang laman ang isip ko.

Kung meron man, I don’t think it’s worth writing about.

Magsulat kaya ako about my fears on turning 25? Clichѐ.

Gusto kong simulan sa pag-hingi ng paumanhin sa inyong mga taga-subaybay ng pagtakbo ko sa aking matagal na pagkawala dahil sa nag-crash ang PC ko. Kaso wag na lang.

Gusto ko rin sanang ituloy ang storya ng “Gamu-gamo: Ang kulisap na nangarap na maging Paruparo”, kaso hindi pa tapos sa utak ko. Natatakot lang ako na baka magaya lang ito sa mga nasimulan ko noon na hanggang simula lang. Hindi natapos.

Singit muna: Muli na namang wumagayway ang hinlalato ko habang pinapalabas ang commercial ng isang pulitikong nag-plagiarize ng music video ng isang yumaong icon. Mangingibang bansa talaga ako kapag naging pangulo yung mokong na iyon. I quote Yin “God, if [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law] will win as President, please give us a sign, Send an asteroid to the Philippines.” I feel the same way if his son becomes president. Mas gugustuhin ko na lang magkatotoo yung 2012 Prophecy ng Mayans.

Where was I?

Oh, sa mga local and national politicians po na mapapadpad sa neighborhood po namin. May mensahe lamang po ako. And it goes a little something like this:

Dear Politicians,

I understand that you desperately have to win. I understand that it’s because you think that you’re not rich enough so you want to steal from us in a way that we won’t label you as Thieves but as Corrupt Politicians instead. That way, if you get ousted, there’s a good chance that you’ll be given parole because apparently, stealing from everyone’s taxes is much less of a crime than murder or any other crime in that case. I also understand that to reach this status, you will first need to be elected. And to do that you will need to use catch-y songs to infiltrate voters with low IQs who will vote for someone because they’ve caught the LSS of your campaign jingle.

Please don’t mind me raising my middle finger every time your campaign convoy passes by the street where I live. Also, if you are one of my followers, please ignore my trash talk and still visit my blog from time to time. That way, I would talk less trash about you.

I only ask of you not to block the following streets around 8:00pm on weekdays: Pasong Tamo, Ayala Ave, McKinley Dr, Buendia, C5, EDSA, Jupiter St, Makati Ave, Paseo, Rizal Dr and 32nd Ave. Well, basically, the whole Makati and some parts of Taguig. I pass by these streets when I go to work. As you may have known, sweat and formal wear don’t look well together.

Most importantly, avoid playing your stupid campaign jingle within the 3-mile radius of our humble abode. I swear by my dead Fortune Lobster, Mokmok, I’ll throw anything I can grab on to your van if my sacred afternoon sleep gets interrupted. Worst, I won’t vote for you or anyone on your party.

A very influential voter,

MD

Bago ko tapusin ang “Rant, MD! Rant!” edition nitong post na ito, dahil sa mahilig magbigay ng takdang aralin si kuya JKulisap, ako rin ay magbibigay na kani-kaniyang assignment:

Mga Maskara, o kahit isa lang sa inyong pito, mangalap ng mga dahilan upang iboto ko si [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law].

Duking, iguhit ang magiging itsura ng Pilipinas kapag naging pangulo si [deleted in fear of getting jailed for the Anti Cybercrime Law].

Lolo Kuli-kuli, i-recite ang May Bilog na Hugis Itlog sa wikang Hobbit.

Pong, mangalap ng mga imahe at balita kung may paparating na Asteroid, Meteorite, Comet o kahit ano’ng bagay sa Outer Space na babagsak sa Pilipinas bago mag-2012.

Biro lang po yung mga assignment. Pwede niyo ring seryosohin kung napag-tripan.

Thank you so much,

MD





Knock-knock… Who’s there?

9 04 2010

May ishe-share lang akong mabilis.

Kanina pag-uwi ko sakay ako ng isang Jeepney (oo, marunong na akong mag-commute)… Habang bumabiyahe ang sasakyan sa kahabaan ng Ayala, may kumatok sa jeep para pumara…

Pasahero: *knocks on roof… Ma, sa kanto lang…

Driver: Sige, pasok… bukas ‘yan…

MD: LOLz