Anne – Tokyo, Japan

28 02 2012

Dumaan na lang ang anniversary ng blog ko ng ganun-ganun lang. Wala man lang nakaalala kahit yung may-ari. Nakakadisappoint pero charito lang.LOLz

Oo, ako na ang busy.

Busy sa work

Busy matulog

Busy kapag weekend

Busy na lang palage

Buset!

Hindi naman ako nagrereklamo. In fact, I’m grateful for having a job that appreciates my skill. Yung tipong nagagamit ko talaga ang utak ko. At syempre nagpaka-bibo talaga ako at kinabog ko ang lahat sa process (mukhang pera kasi me).

Naisip ko lang ulet mag-blog kasi, hindi na naman ako makatulog. Surprisingly, sa tindi ng pagod ko, hindi ako makatulog. Sometimes, you can’t help but bring home your job. Yung tipong matutulog ka na lang iniisip mo pa yung nangyari sa office pati yung gagawin mo pa the next days. Kalurks lang.

I gained 10 pounds nitong last 3 months lang. Hayuk lang kumaen. Although hindi naman talaga agad pansin na tumaba na ako, pero kapansin-pansin lang na unti-unti na akong nagta-transition from medium-sized shirts, nagiging large na ang size ng shirts na suot ko. From size 30 waistline, naging 36 na! At unti-unti ko nang hindi nakikita si itlog ko kapag nagsha-shower ako. Alarming na itwu!

Tumatakbo na pala ako ulet. Kaso masyadong madalang para magkaroon ng impact bukod sa hinihingal lang ako. Ang masama ay nauuwi lagi sa kainan. Lumalakas talaga ang appetite ko. Konting kibot, kain. Kahit busog, more-more lafang lang.

Pero, like I said, hindi ako nagrereklamo. Kaysa naman sa magutom ako at walang matirahan. Masaya na ako dito.

Made-delay lang muna siguro ang pangarap ko magkaroon ng billboard sa Guadalupe.

9 months na pala si Roxy. Kukwentuhan ko kayo about her next time. Ito ang picture niya sa ibaba. Gustong-gusto niya ang A/C sa kwarto, pero hindi pwede kasi baka mawili.





Outside the Box

27 09 2010

I believe I’ve told everyone more than once that I’ve stopped running for a long time now. So long that I’ve started growing a beer belly even though I don’t even drink to even qualify as a beer drinker. I remember the days when I used to have a 26-inch waistline. Now, I’ve only managed to squeeze myself into a size 32-inch W pair of pants. Jeez! I can’t believe I’ve gained so much weight! Last time I’ve checked, I tipped the scales at 150+ lbs. Although for my height, they say that’s the ideal weight (I really don’t know, I’m not the health expert here), it gets really bad when most of that gained pounds is just a big chunk of bubbling fat and it’s all concentrated in my belly area!

Believe me, I’ve been trying! I try my best to avoid that rack of desserts after ordering my lunch at work and grab a bottle of L-Carnitine drink! But each time I would go straight to the cashier to pay for my food, those Sylvannas pulls me into thinking that if I munch down one of them sweet pastry and drink one can of Coke Zero, the Zero Calorie content of the soda will cancel all the calorie content of the sweet treat!

I haven’t been running because: First, I don’t have anyone to run with. Some runners say the best way to encourage yourself to run is to get someone you could run with. Second, I don’t have anywhere to go running. I didn’t want to run around The Fort and get everyone at work see me with my sweaty pits the size of Canada. Neither would I want to run along the Pasig River near where I live. Third, I’m too lazy. I figure that the time I’d spend running should be best spent sleeping so I won’t doze off at work… too often! Everyone at work knows whenever I’m sleepy – I stop talking.

My peers at work already started boxing but it can only be done on weekdays. I already planned on buying gloves and wraps, but I’m still not sure. If this takes too much time from my weekday rest, I’m sure to quit in a heartbeat. I also signed-up for the Run for Pasig River event on October 10th in MOA. With “signed-up” being the operative word (or is it words?), I could still cancel my registration or just ignore it since I haven’t paid for it just yet. I’m mostly in it for the celebs I’m about to see. I just hope it’s gonna be someone famous so I could at least have a picture taken with them and then post on to my Facebook page and boast that I met someone in the A-list!

I’m worried what would my body look like in a year. More than that, I’m more concerned with my health. Although, I’m still very young (don’t you dare object!), my family has a History of heart-related illness. I realized that the half a kilo of Chicharon I ate all by myself would someday come back and clog my arteries. Plus, with me smoking, if in case I didn’t inherit those heart-related illnesses from my parents, I would probably end up with lung cancer. I’m screwed!

So, what happens now?

I’ll tell you in a few days.

And oh, since I’ve already updated the driver for my laptop’s webcam, maybe next week I’ll start video blogging.

Dame ko gustong gawin. Sana magawa ko lahat kahit hindi na lang yung world domination. Sana kahit yung magkaroon ng poster sa Guadalupe. (insert song: Mangarap ka!)





Sana nabibili ang…

11 09 2010

I know, previously naihayag ko ang mga frustration ko sa pagiging dukha o sa hindi gaanong kayamanan. Pero hayaan niyo naman na ihayag ko ang mga bagay na sa katayuan ko ngayon, let me say again for the record na hindi ako mayaman, ay mga mahirap nang maatim. Kung sana lang nabibili ang…

  • Tulog

    Hindi kaila sa lahat na isa sa down-side ng pagiging kolzenner ay kulang ka lagi sa tulog. Andyan yung pauwi ka pa lang eh nasa utak mo na yung kamang hihigaan mo. Sana may makaimbento ng mga sasakyang pampubliko sa pinas na may higaan na at diretso na sa kwarto mo. Kung may pagkakataon mang makatulog, bihira akong makakuha ng mahimbing at diretsong tulog. Andyan yung magigising ka kasi yung kapitbahay naaliw mabuti sa pinapanood o may asong kakahol kasi may kumatok na kartero (muntik ko na makalimutan tagalong ng Mailman). Kung isang mapayapang tanghali naman, magigising ka naman sa init kasi nag-brownout or hindi lang nakayanan ng erkon. Kung minalas-malas ka, lahat ng bagay sa buong universe ay pumirma na sa pagtulog mo kaso hindi ka naman makatulog kasi… wala lang! Trip lang ng diwa mong sariwain lahat ng lyrics ng mga kanta o mag-shimmering flashback sa nakaraan kahit na may bitbit nang pouch ang eyebags mo!

  • Oras

    Although hindi naman talaga kolzenner ang pinapasukan ko, or yung trabaho ko mismo, sa gabi pa rin kailangang mag-trabaho. Gahol sa oras madalas. Pilit hinahabol ang isang bagay na hindi naman mahuhuli. Paglabas ng trabaho, oras naman para mag-enjoy or magpahinga. Marami akong kasamang mga pamilyado na. Sila yung ubod ng hirap ayaing tumambay muna or lumabas lalo na sa weekend kasi syempre naman, iyon lang ang oras nila sa pamilya nila. Sa akin naman, nauubos ng tulog at pahinga ang oras na sana ay ginugol ko para matutong mag-maneho (kahit wala akong tsikot) or magbasa ng libro para may matutunan naman (hindi yung puro sign-board na lang ng bus o laman ng kyumpyuter ang nababasa) or magtatakbo ulet para hindi na lumaki pa lalo ang tyan ko.

Kanina sa opisina dinaing ko ito. Sagot ng ungas kong kasama: “Oo naman, nabibili yan… mag-resign ka!”

Nagimbal ang mundo ko, peeps. Nag-shimmering flashback tuloy ang isip ko sa mga panahong wala akong trabaho at one-scratch-one-beak ako! Yung panahong ako’y nakatihaya sa sahig hanggang sa tubuan ako ng kabute at kabisado ko ang program sa radio at lifestyle network. Yung panahong lahat ng tulog at oras sa mundo ay nasa akin. Yung panahong inggit na inggit ako sa mga kakilala kong may pang-text araw-araw samantalang ako wala kahit pang reply sa napakaimportanteng text!

So mga bata… ano ang natutunan niyo kay MD ngayon?





If I were rich

4 09 2010

I wanna be a billionaire so freakin’ bad

Well, not so much that I’d become high profile, can’t get to places without a bodyguard or paparazzi following you, or people plot murderous plans to gain my wealth. Gusto ko yung tama lang.

Minsan narinig ko mga katrabaho ko nag-uusap.

Richguy1: Sasabay
ka ba mamaya? (they apparently carpool)

Richguy2: Hindi, umuulan kasi kaya may dala akong kotse

MD: (nakisabat) naks, rich kid! Imbes na payong ang dala, kotse ang dala!


O kaya naman, I’m rich enough that I go to work just to keep myself busy or I do it just for fun. O kaya naman, linya ko kapag sweldo na: “Huh?! Sweldo na naman?! Saan ko naman kaya ilalagay yung barya ko?”

Hindi naman ako nagrereklamo. Sa katunayan, masaya akong lumaki ako sa payak na pamumuhay. Nagpapasalamat ako sa magulang ko na tinuruan kaming pasalamatan ang lahat ng mayroon kami at pag-pursigihan ang lahat ng gusto makamit. Naawa lang ako sa sarili ko everytime papasok ako sa trabaho at umuulan. Gamit ang payong na humatsing lang ako ay babaligtad na, nag-aabang ako ng masasakyan na tumatagal ng 15 to 30 mins. Minsan, nakita ko ang sarili ko na parang yung lalake sa commercial ng bangko na nagsasabing, “Someday, I’m gonna have my own car.” So sad, mga tsong! Tapos biglang matatalsikan ka pa ng tubig ng isang rumaragasang Expedition! So sad, indeed! Daig ko pa ang inaping bida sa isang Soap Opera na pinagbibidahan ni Juday or ni Santino.

Minsan naisip ko, ano kaya pakiramdam ng pinanganak kang mayaman na? Napapag-usapan namin madalas yan.

Kakiskisang siko sila Ayala, Araneta, EDSA, at sila Kris. Breakfast in Hong Kong… followed by brunch in Dubai… lunch in Italy… dinner in Paris… weekends in Santorini… haaay inggit me much!

Tapos on a weekday, if you can’t sleep, you’ll drive out to anywhere in the Metro on your <insert high-end car’s name here>.

Naisip ko bigla, baka may down side din naman ang pagiging rich. Although hindi ko pa malaman ngayon kung ano man yun, ang alam ko na masaya ako ngayong nakaranas ako ng paghihirap sa buhay ko noon. Dahil ngayong nakakaluwang ng kaunti at Taxi na ang sinasakyan hindi na jeep, or naglalakad, mas nakikita ko ang rason kung bakit ko kailangan pagdaanan ang lahat. Mas maa-appreciate mo ang bunga ng lahat ng pinaghirapan mo. Mas iva-value mo lahat ng bagay na kahit paano ay nakamtan mo.

Ngayon masaya pa rin naman akong kakiskisang siko ko ang mga taong hinubog din ng payak na buhay, pinatatag ng paghihirap at pinayaman sa mabubuting loob. Breakfast at my house… followed by yosi brunch in the streets… lunch at work… dinner at my house at weekends with Nani! Oha!

Then again, masarap pa ring mangarap.





O Aking Irog!

6 08 2010

Pagbalik ko sa trabaho, may natagpuan akong “Love Letter” sa aking locker (Pasensya na JKuli, hindi ko talaga matagalog yun eh). Maghinay-hinay muna, dahil hindi naman nakapangalan sa akin ang liham na iyon. Siguro nagkamali lang ng hulog yung taong nagpadala ng liham o nilagay doon ng pinagpadalhan. Ewan ko. Basta, natawa lang ako sa kung ano ang nakasulat. Sa wikang ingles ang liham kaya isasalin ko ito sa wikang gamay na gamay ko hindi talaga.

Mahal kong Momay
(hindi tunay na pangalan),

Gusto kong makausap kang muli…
Makita kang muli…
Makasama… makayakap…
Gusto kong ikaw lang ang kapiling habangbuhay…
Gusto kong tumanda kasama ka…
Blah
Blah

Nagmamahal,
Noah
(hindi rin tunay na pangalan)

Agad ko itong pinakita sa mga kasama ko at sama-sama naming pinagtawanan at pinandirihan ang liham. May numero pa ito sa tupi ng liham na para bang hinahangad ni Noah na tawagan o i-text ni Momay. Lalo kaming nandiri! Pagtapos ay amin ring itinapon ang liham.

Naisip ko bigla, bakit kami nagkagano’n? Lahat naman kami’y mga nakakaranas o nakaranas na ng aming tikim sa pag-ibig pero bakit gano’n ang reaksyon namin sa liham na iyon. Oo, may pagka-baduy ang nilalaman ng liham pero hindi ba lahat naman tayo dumaan rin sa gano’n?

Naalala mo noong ika’y nagbibinata o nagdadalaga na sa tuwing dumadaan ang napupusuan eh hindi ka magkahumayaw sa pagtatago sa ilalim ng upuan mo na parang nakikita ka niya? Pero sa loob mo ay kinikilig ang lahat ng buto mo’t kalamnan.

Pag-uwi ko galling opisina at habang naglalakad papunta sa bahay namin, naisip ko ang lagay ng relasyon naming. Nasaang yugto na ba kami? Minsan parang nakakasawa na. Araw-araw na nakikita… minsan nakakainis pa… nakaka-urat!

Siguro normal nang nangyayari sa isang relasyon ang ganito. Plateau-nic stage daw sa wikang ingles. Yung hindi naman bumababa ang lebel ng pag-ibig kundi,”Steady” lang. Hindi nadaragdagan… hindi rin nababawasan.

Pero naisip ko, kung nasa ganoong estado na kami ng aming relasyon, ang susunod ba ay pababa na? Magiging isa na naman ba ako sa mga taong kumakapa sa kawalan at naghahanap ng iibigin muli?

Naisip ko rin ang napakaraming mag-irog na naghiwalay. Naisip kong nakakapanghinayang namang isipin na sa tagal na pinagsamahan, sa dami ng pinagdaanan, ang dalawang taong nagsimula ng may napakaraming bagay na magkaparehas ay maghihiwalay bilang dalawang magkaibang nilalang.

Pagdating sa bahay at pagbukas ko ng pintuan, nakita ko siya at muling napalagay ang loob ko. Naroon siya at ako’y sa kanya. Muli kong natikman ang kanyang halik at naalala kung bakit kami ang magkasama. Muli kong nalaman kung bakit sa kabila ng minsanang pagka-irita ko at kawalan ng pasensya niya ay magkasama pa rin kami. Muli kong naisip na dapat ipagpasalamat ko ang bawat saglit na nakikita ka. Muli kong naisip na sa kabila ng tampuhan, awayan at kung anu-ano pa ay yumayakap ka pa rin sa akin.

Pag-ibig nga naman!





Si Manong Driver

27 03 2010

Nagiging antukin ako lately. Hindi ako sanay kasi napaka-perky ko talaga lalung-lalo na sa mga pagkakataong maging super bibo kid ako. Kaya naman imbes na making ako, ito nakagawa ako ng bagong post. And disclaimer lang sa mga kasama ko na makakabasa nito, hindi po ako nabo-bore sa class natin kaya niyo ako laging nakikitang nagsusulat or nagdu-doodle. Ibig sabihin lang nun, pinipilit kong maging gising. Kasi kung talagang bored ako, matutulog na lang ako. Dapat yung face-off nila Gamu-gamo at Paru-paro ang ilalagay ko dito. Drafts pa rin eh. Kaya ito muna, mga kahabulan ko ah. Medyo mahaba kaya I expect walang magbabasa nito (sana meron).

I hate taxi drivers. Although I don’t generally think that all taxi/cab drivers are crooks, morons and/or assholes, but let just say for argument that most of them are. For someone who works on a night shift, like I do, we are most likely left with no other choice but to take a cab to work or else brave the dark city streets infested with crooks, morons and/or assholes.

For around 3 years, I’ve worked my way around the Metro via taxi. Kahit gaano kalayo pa yan, hanggat may magsasakay sa akin na taxi, magta-taxi pa rin ako kahit magkano pa ang babayaran ko. Kaya naman nabura na sa isip ko kung paano mag-commute (e.g. jeep, bus, MRT/LRT and the likes). Kaya naman siguro nakasakay na ako sa taxi ng halos lahat ng uri ng driver. I consider them all now my Frenemies. Kaya ito, inipon ko:

Driver Type: Choosy
Motto/Tagline: “Hmpf”
Favorite song: “I still haven’t found what I’m looking for” by U2

Sa mga ganitong uri ng driver ako buwisit eh. Namimili ng pupuntahan. Kaya naman natutunan ko na kung paano gumanti sa kanila. Choose one of two: Pagbagsakan ng pinto matapos silang murahin or pakyuhan; Pwede ring, wag mo na pagsarahan ng pinto.

Driver Type: Mangmang
Motto/Tagline: “Paki-turo na lang po ang daan…”
Favorite Song: “Where are you going” by Dave Matthews Band

Nakakainis din itong mga ito (actually lahat ng mga driver na maisusulat ko pa ay kinaiinisan ko). Bakit ka naging taxi driver kung hindi mo alam kung saan ka pupunta? Pero mabuti nang ganito kaysa sa naunang uri ng driver. Pero ang mahirap lang kapag pagod na pagod ka na at gusto mo na lang matulog sa taxi ay kailangan mo pa kung saan dadaan at pati siguro kung ano tatapakang pedal eh. Kaya sinasabihan ko, “Kaya ako, hindi ako magiging call center agent kung hindi ako marunong mag-english”

Driver Type: Parent
Motto/Tagline: “Matalino man ang matsing, naiisahan rin” (Hayup to, ginawa pa akong kapatid ni Kiko Matsing)
Favorite Movie: Ocean’s Eleven, Twelve, Thirteen and the likes.

Napansin ko rin lately, lumalaki ang binabayaran ko sa taxi. Normally, around PhP80 lang ang binabayad ko sa taxi from Buendia-P.Tamo to Global City. Pero napansin ko madalas pagpasok ko pa lang, hindi ko pa sinasabi kung saan ako pupunta, naka-flagdown na yung metro.

Driver Type: Ermetanyo
Motto/Tagline: “The end is near”
Favorite Song: “My Way”

Masaya makasakay sa taxi na ganito ang driver. Sila yung palaging may advice sa’yo. Opening Spiel nila: “Call Center ka?” Tapos nun hahaba ang usapan kahit ang sinabi mo pa lang, “Opo”. Pangangaralan ka niyan tapos pagbaba mo ng taxi feeling mo napakasamang tao mo na. Pero parang tipid ka rin kasi para ka na ring kumunsulta sa Therapist.

Driver Type: Manyakis
Motto/Tagline: “Wow, ang laki ng <d**e, p**e, t**e, or kung ano mang kabastusan>
Favorite Song(s): Kahit ano’ng kanta ng green republic.

May nakapagkwento sa amin dati noong nag-aapply na siya for promotion, sumakay siya ng taxi. At habang bumabiyahe ay hinahanda na niya ang sarili niya at kinakalma ang sarili hanggang sa maabot ang Zen mode, bigla siyang tinanong ng driver: “Pare, naka-kana ka na ba ng tomboy?” Ayun, basag ang Zen mode niya.

Driver Type: ATM
Motto/Tagline: “Barya lang po sa umaga, tanghali, hapon at gabi.”

Minsan nakasakay ako ng ganito ang driver ng taxi. Minsan palusot lang nila ito para mas lumaki pa ang patak ng metro. Kamag-anak sila ng mga Parent drivers.

Driver Type: Commentator
Motto/Tagline: “Alam mo kasi ang problema sa …”
Favorite Song: “Hoy Gising”

Mga avid listener ng AM radio. Laging nakaabang sa mga balita ng mga kurakot na government official. Ang tamang approach sa mga ganito ay tumango ka lang nang tumango and after every 3 nods, sabihin mo rin “Aah, oo nga”. Tapos biglang kabit ng earphone. 😀

Driver Type: Mysterious
Motto/Tagline: “…”

Madalas mga matatanda ito. Sila yung mga driver na walang imik. Ideal na driver. Kahit hanggang sa magbayad ka hindi ka pa rin kikibuin. Endangered Species sila.

Driver Type: Racer
Motto/Tagline: (hindi nakakausap, kasi abala kang magdasal)
Favorite Song: “Born to be Wild”

Para sila laging mauubusan ng kalsada. Mainam kapag nagmamadali ka na kasi hinahabol mong huwag ma-late para makakuha ka ng incentive dahil sa malinis mong attendance record.

Driver Type: Uzi
Motto/Tagline: (maraming tanong)
Favorite TV Show: The Buzz

Sila yung either, tatanungin ka ng Tough Ten (or more) questions habang bumabiyahe or silip nang silip sa rearview mirror habang may kalaplapan ka sa backseat (disclaimer: sabi ng mga kaibigan ko)

😀