If I were rich

4 09 2010

I wanna be a billionaire so freakin’ bad

Well, not so much that I’d become high profile, can’t get to places without a bodyguard or paparazzi following you, or people plot murderous plans to gain my wealth. Gusto ko yung tama lang.

Minsan narinig ko mga katrabaho ko nag-uusap.

Richguy1: Sasabay
ka ba mamaya? (they apparently carpool)

Richguy2: Hindi, umuulan kasi kaya may dala akong kotse

MD: (nakisabat) naks, rich kid! Imbes na payong ang dala, kotse ang dala!


O kaya naman, I’m rich enough that I go to work just to keep myself busy or I do it just for fun. O kaya naman, linya ko kapag sweldo na: “Huh?! Sweldo na naman?! Saan ko naman kaya ilalagay yung barya ko?”

Hindi naman ako nagrereklamo. Sa katunayan, masaya akong lumaki ako sa payak na pamumuhay. Nagpapasalamat ako sa magulang ko na tinuruan kaming pasalamatan ang lahat ng mayroon kami at pag-pursigihan ang lahat ng gusto makamit. Naawa lang ako sa sarili ko everytime papasok ako sa trabaho at umuulan. Gamit ang payong na humatsing lang ako ay babaligtad na, nag-aabang ako ng masasakyan na tumatagal ng 15 to 30 mins. Minsan, nakita ko ang sarili ko na parang yung lalake sa commercial ng bangko na nagsasabing, “Someday, I’m gonna have my own car.” So sad, mga tsong! Tapos biglang matatalsikan ka pa ng tubig ng isang rumaragasang Expedition! So sad, indeed! Daig ko pa ang inaping bida sa isang Soap Opera na pinagbibidahan ni Juday or ni Santino.

Minsan naisip ko, ano kaya pakiramdam ng pinanganak kang mayaman na? Napapag-usapan namin madalas yan.

Kakiskisang siko sila Ayala, Araneta, EDSA, at sila Kris. Breakfast in Hong Kong… followed by brunch in Dubai… lunch in Italy… dinner in Paris… weekends in Santorini… haaay inggit me much!

Tapos on a weekday, if you can’t sleep, you’ll drive out to anywhere in the Metro on your <insert high-end car’s name here>.

Naisip ko bigla, baka may down side din naman ang pagiging rich. Although hindi ko pa malaman ngayon kung ano man yun, ang alam ko na masaya ako ngayong nakaranas ako ng paghihirap sa buhay ko noon. Dahil ngayong nakakaluwang ng kaunti at Taxi na ang sinasakyan hindi na jeep, or naglalakad, mas nakikita ko ang rason kung bakit ko kailangan pagdaanan ang lahat. Mas maa-appreciate mo ang bunga ng lahat ng pinaghirapan mo. Mas iva-value mo lahat ng bagay na kahit paano ay nakamtan mo.

Ngayon masaya pa rin naman akong kakiskisang siko ko ang mga taong hinubog din ng payak na buhay, pinatatag ng paghihirap at pinayaman sa mabubuting loob. Breakfast at my house… followed by yosi brunch in the streets… lunch at work… dinner at my house at weekends with Nani! Oha!

Then again, masarap pa ring mangarap.

Advertisements