Ako… Ako… Lagi na lang ako!

12 04 2010

[An ode to Glee’s Season 1 Finale episode]

Finn: But that’s not fair! Why does it always come down to me? Why do I always have to be the bigger man?

Mr. Schuster: Because sometimes being special… sucks

Finn: I just want everything to be like… like it never happened, you know?

Mr. Schuster: Well, Finn… you can’t always get what you want!

Noong bata ako, madalas akong umiiyak hindi dahil sa inaway ako pero dahil sa ako ang tama. Lumaki ako sa mga salitang: “Hayaan mo na” or “Ganyan talaga”.

Pinakamalala noon nabugbog ako ng pinsan ko. Lasing siya at gabi na ako umuwi. Tanggap ko ang mali ko noon dahil sa gabi na ako umuwi. Pero dapat bang bugbugin ako ng pinsan ko hanggang sa magdugo ang buong bibig ko? Black and blue ang buong katawan ko pero ang malala kinampihan siya ng lahat ng tao sa amin. Sobrang galit ko noon, naglayas ako sa araw ng pasko.

Tumawag sa akin ang mama ko noon. Galit na galit. Sa galit ko ito ang sinabi ko: “Ako ang anak niyo, hindi niyo ako kinampihan? Kung namatay ako noon kakampihan pa rin ba ninyo ang pinsan kong wala nang ginawang tama kundi maglasing at mag-basag ulo?” Hindi makasagot ang mama ko.

Pagbalik ko, kinausap ako ng tiyuhin ko – bunsong kapatid ng mama ko. Malamang kinausap niya ako dahil nasabihan ni mama. Magkalapit lang kasi ang edad niya sa amin.

“Hayaan mo na. Wala tayong magagawa. Hinabilin ka ng mga magulang mo sa nanay ng pinsan mo.”

Upang hindi na humaba ang usapan, umayon na lang ako. Pero sa loob ko nagsusumigaw:

“Bakit lagi na lang ako ang dapat umintindi?”

Lumaki akong matinong bata. Wala akong kahihiyang binigay sa pamilya namin. Hindi ba dapat kahit minsan lang, ako naman ang intindihin… ako naman ang kampihan.

Pero wala akong magagawa. Hindi lahat ng gusto ko makukuha ko.

Hindi iikot ang mundo para sa akin. (teka, linya ko yan noon ah :D)

Being the bigger person indeed really sucks.

You can’t always get what you want.

You get what you need.

Advertisements