Dear Santa,

29 11 2010

Muli dumating na naman ang kaarawan ng pinsan mong si Papa Jesus. At gaya ng dati, muli mo na namang aagawin ang eksena ng mga batang nauto mo dahil mamumudmod ka na naman ng mga regalo. Hindi naman kasi kasing galante mo yung pinsan mo. At gaya rin ng dati, makakalimutan mo na naman daanan ang bahay ko. Alam ko, nag-usap na tayo dati na nung nakaraan hindi na naman ako naging good boy last year kasi ilang beses akong nag-agaw ng taxi, nagmura ng “putanginangshit” – na kahit ilang beses kong i-explain sa’yo na expression lang yun. Pero this time, I’m sure, naging mabait na ako.

Ngunit, subalit, datapwat, kung sa tingin mo ay hindi pa rin ako deserving mabigyan ng regalo, kinidnap ko ang head ng HR Department mo na si Dagul. Kung gusto mo pa siyang makitang buhay, susundin mo ang mga kagustuhan ko:

  • Una, gusto ko ng Mazda MX-5. Araw-araw naglalaway ako napapagod kakahintay ng taxi sa harap ng bahay namin. Panahon na para magkaroon naman na ako ng sarili kong sasakyan.

    Alam ko medyo short ka dahil narinig kong kababawas mo lang ng mga elf sa factory mo kaya okay na rin sa akin ang Mazda 3.

    *pwedeng same color din? Thanks!

  • Pangalawa, rest house sa Boracay. Ito ay suhestyon din ni Binibining Salbe, kaya naisip ko na kung bibigyan mo siya, bigyan mo rin ako, para magkatabi ang resthouse namin.

  • Pangatlo, sige, yung dalawang nauna ay pwedeng i-pending mo muna kasi alam ko matatagalan. Patient naman ako. Pero gusto ko muna bigyan mo ako ng eBook Reader na 3G. Alam mong malabo ang mata ko kaya maliliitan ako kung iPhone lang ang gamit ko.

  • Pang-apat, gusto ko ipa Fat-freezing mo ako para mawala ang mga bilbil ko at matupad na ang pangarap kong magkaroon ng billboard sa Guadalupe bridge. Nakita mo namang sinubukan ko na ang lahat pero wala pa ring epekto kasi tinamad ako bigla at kasalanan mo yan dahil kung pina-lip mo na lang ako ay hindi tayo aabot ditto. Pero ano ginawa mo? Pinlit mo pa rin akong mag-boxing at mag-jogging kahit muntik na akong himatayin nung huling beses.

  • Pang-huli, gusto ko ng DSLR. I know, it is cheesy kasi lahat ng tao mayrun na rin nito. Pero para lang mailabas ko ang creative side ko sa field ng imagery. Syempre isama mo na rin ang isang course ng digital photography. Ito EOS 500D yan. Good daw sa beginners yan eh.

    Sige na please?!

    Love,

    MD, the little boy who lives under the cupboard.

    Para sa Make A Wish List Raffle ni Salbehe

Advertisements