Spectacular!

18 05 2010

Matagal-tagal na rin akong tumitingin sa mundo gamit ang antipara. Nagsimula noong kolehiyo ako, unti-unti nang lumalabo ang paningin ko.

Akala ko noon, mga matatalino lang ang nagsusuot nito. Totoo pala!

Sinubukan ko dati noong bata pa ako na suotin ang salamin ng Mama ko. Ayun, pag-uwi ng bahay, nagsuka ako buong araw!

Mabalik tayo sa unti-unting paglabo ng mga mata ko. Akala ko noon, normal lang na nakakalampas na ang mga Jeep na sinasakyan ko pauwi bago ko mabasa ang signboard. Iniisip ko baka naman kasi kapag gabi lang lumalabo ang mata ko. Hanggang sa kahit umaga, hindi na ako nakakarecognize ng mukha ng tao.

Hinala ko, dahil ito sa pagbabasa ko ng libro kahit madilim. Kahit kasi bago matulog, may bitbit pa rin akong libro. I used to share rooms with my older brother. Nauuna siyang matulog at kapag nawili ako sa pagbabasa, minsan magigising na lang yun at bubulyawan ako na patayin na ang ilaw. Kahit na patay ang ilaw, tuloy pa rin ako sa pagbabasa gamit ang ilaw ng cellphone. At alam niyo naman kung gaano kaliwanag ang mga naunang cellphone.

Matagal rin bago natigil ang masamang habit na iyon.

Dumating ang panahon at hindi na ako umuupo sa likuran ng klase. Hindi ko na nagagawa ang mga nakasanayan ko – matulog sa klase, mangodigo, makipagkulitan, makipagkopyahan, makipagdaldalan, mag-drawing ng professor, at kung anu-ano pa. Napilitan rin akong pag-aralan mabuti ang asignatura, dahil siguradong kapag may tanong ang guro, magtatanong iyon sa taong nasa harap.

Hanggang sa nagpagawa na rin ako ng salamin. Nakakapanibago. Maraming gawain noon ang may kahirapang gawin kapag naka-salamin gaya ng paglalamutak ng mukha kapag nababanas ka o ang pagpupunas ng pawis sa mukha. Pero napansin ko na nagsimulang seryosohin na ako ng mga tao simula noong nagsalamin ako. Nanalo ako ng sa isang patimpalak ng mga manunulat.

Pagpasok ko naman sa pagtatrabaho, nadiskubre ko naman ang contact lens. Marami nanibago at nagustuhan ang sinasabi nilang pagka-aliwalas ng mukha ko kapag hindi ko suot ang mga salamin ko. Pero noong panahon na noong nag-apply ako ng promotion para maging Team Leader, pinayuhan akong magsuot ng salamin sa Interview ko. Ayaw raw kasi ng Site Director ng mga bata. Sinunod ko ang payo niya at nakapasa nga naman ako.

Malayo ang narating ko sa mga salaming ito. Ang mga salaming ito ang tumulong sa akin upang makita ang mundo ng mas malinaw – may direksyon. Maaari akong magsuot ng contact lens para maging kaaya-aya sa mata ng iba, pero mas marami pa rin akong magagawa suot ang mga salamin na ito. Pwede akong matulog, mag-swimming, magpuyat at kung anu-ano pa.

I may look like more of a dork when I wear it… at least, uhm…

Yeah, who am I kidding! Ok, I look like a dork! Whatever!

😀
Gusto pang magbasa ng tungkol sa salamin? Dalawin ang Pitong Maskara